Nabigla ako sa message na to. Nabulabog buong pagkatao ko. Nawindang mga organs ko. Lumabas mga mata ko. Umalis kaluluwa ko. Akala ko totoo na kaso putcha! Poser pala to! At alam niyo kung sino tong poser na to? Yung classmate kong medyo feeling pogi tsaka playboy pero totoo na playboy samin.
Jauxe? Ikaw to? -Mheera
Yes. Its me.- Jauxe
Paano moko nakilala?- Mheera
Joke lang ikaw naman. Ako to. Si Arris Vauge.- Jauxe
Eh bakit mo ginagamit pangalan ni Jauxe?! - Mheera
Idol ko siya. Ginawan ko siya ng fb tapos chinat kita. Akala ko kakagat ka sa pain ko pero hindi ko na tinuloy. - Jauxe
Idol mo ang The Legends? - Mheera
Oo at ikaw din diba? So Legenians tayo -Jauxe
This coming May may concert sila sa Manila. Pupunta ka? - Jauxe
Wala akong pera. At Hindi rin ako papayagan ni mama - Mheera
Ako rin eh hahaha. So teambahay tayo. Punta ka dito, panoorin natin live stream nila . - Jauxe
Sige. Sunduin mo na lang ako - Mheera
Okay then. Bye MOO -Jauxe
Ha? Anong MOO? - Mheera
Wala. Bye na - Jauxe
Kahit na naguguluhan ako sakanya pumayag na lang ako. Gusto ko rin naman makanood eh. Tsaka sila may WiFi. Kami wala. Ayoko namang mag-aksaya ng baon ko kung pwede namang libre diba? Whahaha. #LibreLover Here! Hehe. Basta sila nag-alok huwag ka mahiya. Tsaka sila naman ang may pera eh.
*-*-*-*-*-*-*
(Kinabukasan)
Wohohohooo! Eto na! Final exam! Jusko lord! Please help me! Sana naman maperpek ko! Oh di kaya may makuha naman sana ako dito. Nag-review naman po ako lord. Please guide me. Tsaka asawa kong Jauxe para sayo tong paghihirap ko. Charr.
"You can start answering you papers."
*-*-*-*-*-*-*
(After 4 hours)
"Ma? Bakit parang piniga yung utak ko?"
"Malamang kasi hindi ka nag-review kaya yang dugo sa utak mo ang naisagot mo sa exam mo."
"Ano?! Nag-review kaya ako. Talagang Mahirap lang yung exam ma. Ikaw kaya mag-aral."
"Ikaw din kaya mag-trabaho?"
"Peace."
Pero seryoso talaga, para akong piniga eh. Ang hirap nun. Buti na lang at may inspirasyon ako. Si Jauxe na asawa ko! Hahahaha! Ikaw? Inspirasyon rin ba sa pag-aaral ang idol mo? Ako kasi simula nung nakita ko sila, sila na naging mundo ko. Hahahaha! Ang OA ko na. Exam lang naman yun eh. Sure kineri ko yun. Ako pa ba? Mheera Gail Mora kaya to. Isa akong Mora and ang Mora ay palaban. Hehe .
Pagkadating na pagkadating ko dito sa bahay agad akong humiga. Sobrang nakakastress ang laban na yun ah. Nawindang ang buong pagkatao ko. Pati organs ko...
Agad ko ring kinuha ang phone ko at nag-abang ng updates about sa The Legends. Sinearch ko ang twitter nila at binisita ito. Grabe, kahit busy sila sa career nila, hindi pa rin nila pinapabayaan ang mga sarili nila. Ubod pa rin sila ng gwapo. Nyahhhaa!
Habang nagiiscroll down ako. May isang mensahe talaga ang sobrang nagwindang sa pagkatao ko. At para bang minartilyo ang puso ko.
"I admire her a lot. I love our Legenians but someday will come that I need to marry the girl I love. Someday I'll quit this career and start a new chapter of my life. I will never forget the Legenians that never stop supporting us. I'm really thankful but please understand that one day I will make a decision and that decision will marry a girl that will love, and take care of me and of course, the future mother of my future children's." Jauxe Brandon

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Novela JuvenilSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...