Pagkadating ko sa bahay dumiretso agad ako sa taas.Nagtungo agad ako sa tulugan namin ni mama at nadatnan ko na mahimbing na natutulog si mama.Naligo muna ako ng saglit at humiga sa tabi ni mama.Yumakap ako sakanya ng mahigpit.At dun ko na ibinuhos ang luha ko.
"Oh? Bakit ka umiiyak anak?" Kinusot-kusot pa ni mama ang mata sabay tingin sakin.
"Mama,kasi si ano eh." Hindi ko alam kung sasabihin ko na o Hindi?/
"Sino?" Mukhang curious na curious si mama kaya sasabihin ko na lang.
"Ma,yung taong gusto kong makasama habambuhay may mahal nang iba ma.May girlfriend siya ma.Tapos ang saya saya niya kapag kausap niya yung girlfriend niya ma.Huhu mama.Lab na lab ko siya.Bakit Yun pa yung pinili niya? Mabait naman ako diba ma? Maganda rin naman.Masipag naman ako ma eh.Pero alam kong walang wala akong laban sa mahal niya ma.Huhu mama." Yumakap ako sakanya at humagulgol.Isinubsub ko ang mukha ko sa dibdib niya.Ang bango ngayon ni mama ah.Hindi na amoy araw haha.
"Hayaan mo na lang siya anak.Hindi ka niya deserve.May Isang tao diyan na nakilala mo na pero Hindi mo alam,siya na pala ang hinahanap mo." Hinimas himas pa ni mama ang buhok ko at pinunasan ang luha ko.
"Sino naman Yun ma? Si Arris? Hindi ko siya type ma." Pinunasan ko yung mga natira kong luha at mas hinigpitan pa ang yakap sakanya.
"Malay mo si Arris pero hindi siya ang nararamdaman ko eh.Isa siyang tao na maraming pagkaka-parehas sayo anak.Basta yun yung nararamdaman ko eh." Tumingin siya sakin sabay ngiti.
"Manghuhula kana ngayon ma?" Tumingin ako sakanya na bilib na bilib.Tumawa naman siya at umiling-iling.
"Hindi naman anak.Ina ako kaya syempre may pagdamdam ako." Hinihimas himas niya lang ang buhok ko at ngumi-ngiti.
"Ikaw ma,Bakit hindi ka ulit mag-asawa? Ang ganda mo kaya ma.Sigurado ako may magkakagusto pa sayo."
"Anak,ang pag-ibig hindi minamadali yan,kusa itong darating sayo.Dahil Isang bagay kapag minadali,panget ang kalalabasan."
"Sa totoo lang ma,okay lang sakin na wala akong tatay basta kasama kita.Pero kung sakaling may maibigan ka okay lang din sakin hanggat nandiyan ka sa tabi ko."
Tiningnan pa ako ni mama at pinikit na niya ang mga mata.Ipinikit ko na rin ang mga mata ko para makatulog na.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
"Oh? Nakita mo na ba ulit si Brinon?" Tanong sakin ni ate Analyn.Nandito kami ngayon sa bahay nila.Bumisita ako kasi miss na niya daw ako.OA niya eh.
"Hindi.Pero may nakita ako." Mas lalong lumaki ang ngiti ko.Siguradong magugulat siya hihi.
"Sino naman? " Ininom niya muna ang juice niya at tumingin sakin.
"Baka naman Hindi ka maniwala?" Mas lalong kumunot ang noo niya at parang nainis.
"Sino nga? Bilis na.Pabitin ka naman eh." Kumagat naman siya dun sa cake niya at nakasimangot na tumingin sakin.
"Si Jauxe lang naman ate."
"A-ANO?!" Nabilaukan pa siya kaya inabot ko agad Yung juice niya.Ininom niya muna to at tumingin ulit sakin.
"Seryoso ka? Oh baka napanaginipan mo lang?" Inubos niya muna yung juice at nilapag Yung baso sa lamesa.
"Oo nga.Imbes na si Brinon siya yung nakita ko.Nagpasama pa nga sakin pauwi kasi nawawala siya eh.Kaso meron akong badnews." Bigla namang nawala yung ngiti ko.Nawasak rin yung puso ko.
"Anong badnews?" Kumunot naman lalo ang noo niya.
"Sila na ni Sofia.Itinanggi ko kasi na kilala ko siya eh." Lalong dinurog ang puso ko nang maalala ko ang nga ngiti ni Jauxe nang makausap niya si Sofia.
"OEM! Grabe naman.Ang aga a.Pero Bakit Hindi in-a-announce in public?"
"Ate,nasan utak mo? Malamang kung ia-announce nila iba-bash si Sofia.Baka maka-apekto pa ito sa career ni Jauxe."
"Haler? Eh di dapat sabihin mo na sa public.Ikalat mo para masira sila.Eh di sayong sayo na si Jauxe."
"Ayoko nga.Hindi ako ganung tao.Kung Kay Sofia siya sasaya,eh di susuportahan ko na lang siya."
"Eh di ikaw na mabait.Kung ako sayo ipagkakalat ko na yan.Para naman may happy ending na ko.Si Prexm nga wala pang jowa eh.Kaya easy pa ako.Sa oras lang na malaman Kong may jowa na siya.Naku! Lintek siya sakin."
"Diyan kana nga.Ang salbahe mo."
"Aalis kana agad? Dito ka na mag-tanghalian."
"May pupuntahan lang ako saglit.Sige na."
"Ingat ka ah.Yung sinabi ko pag-isipan mo.Sige na."
Umalis na ko sakanila at dumiretso patungo sa next subdivision.Titignan ko lang ang kalagayan ng asawa ko.
Habang naglalakad nababagot ako.Ang tahimik naman sakanila.Wala bang tao sa mga kapitbahay nila? Amboring nila dito.Creepy.Nang malapit na ako sakanila may nadaanan akong Isang park na may mga batang naglalaro.So dito pala sila naglalagi.Huminto muna ako saglit doon at umupo sa Isang upuan Para makapag-pahinga.Sinalpak ko ang headset ko at isinandal ko ang ulo ko sa mga kamay ko na nakapatong sa sandalan ng upuan.Ipinikit ko ang mga mata ko at fi-neel ang ganda ng kanta~Im missing you
And I don't know what to do
I'm missing you
This way just reminds me of you
I miss you"Excuse me?Miss?"
"Hmmm?"
"Can I seat here?"
"Sige lang.Hindi ako madamot.Maganda lang."
"Thanks.You're right.You're a goddess."
Bigla kong iminulat ang mga mata ko dahil sa gulat.Gulat dahil sa compliment niya.Pero........
"Waahhhhhhh!" Napasigaw ako dahil sa gulat.Gulat ako kasi ang lapit ng mukha niya sakin.Hahalikan niya ba ako?
"J-jauxe? A-anong ginagawa mo dito?" Napaatras pa ako dahil baka matukso ako.Jusko.Inilayo naman niya ang mukha niya at umupo sa tabi ko.
"Nothing,I just want to relax.These past few days have been really hard to me." Kumakain siya ngayon ng ice cream.Inalok niya ko kaso umiling ako.
"B-bakit n-naman?" Nagfe-feeling walang alam ako ngayon.Huhu.Lord forgive me.
"Let's just say that I'm a busy person with a hectic schedule.Even my girlfriend,I can't give her enough time." Nalungkot naman bigla ang mukha niya.Alam ko nahihirapan na siya.Malapit na rin kasi comeback nila at may world tour pa.
"Huwag ka na mag-alala.Gusto mo bang maka-feel ng totoong relax?" Yieeh! Exciting to!
"Yeah? How?"
"Come with me, ako bahala sayo." Hinila ko ang kamay niya at tumakbo.
Kahit saglit lang mundo ng katotohanan.Hayaan niyo muna ako na lumabas para naman ma-enjoy ko ang oras na kasama ko ang taong mahal ko.....

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Novela JuvenilSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...