40

199 9 0
                                        

"I'm sorry."

Paanong? Nasa New York siya diba? Anong ginagawa niya dito? Bakit ang bilis naman niyang naka-uwi?

Nakatitig lang ako sa plato ko.Pinunasan ko ng tissue ang bibig ko at uminom ako ng tubig.Natuyo agad lalamunan ko eh.Nag-angat ako ng tingin sakanya,nakatingin din siya sakin.

Tinatagan ko ang loob ko,nakipag-titigan sakanya.Kita sa mga mata niya na nasasaktan siya.Bakit? Bakit siya nasasaktan? Kanino? Saan? Anong dahilan?

Hinawakan nya ang mga kamay kong nakapatong sa lamesa.Nanigas naman ako.Napako ulit ang mga tingin ko sa kamay niyang nakahawak sakin.Kahit pa gustong gusto kong umangal,walang lumalabas na salita sa bibig ko.Malay ko ba sa sarili ko.

Seryoso siyang tumingin sa mga mata ko.Kahit pa nasasaktan ako,hindi ko alam kung bakit ko hinahayaan na hawakan niya ko.Dapat sapakin ko siya diba? Dahil sa ginawa niya sakin nung nakaraan? Taena.Hindi gumagalaw utak at katawan ko ngayon,potek.

"P-Paano ka nakauwi agad?" Sa wakas ay nakaya ko nang magsalita.Nakatitig pa rin ako sa mga mata niya at ganun din siya.

"Halos sabay lang ang flight natin.Actually,kahapon talaga ang flight ko." Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko kaya naman agad ko itong tinanggal.Nabigla siya sa ginawa ko.Potek siya,sinaktan niya kaya ako.

"Eh anong ginagawa mo dito? Saan na yung kasama mo? Baka mamaya niyan sabunutan ako,ah." Tumawa ako pero pilit lang.Sa totoo lang,gustong gusto ko na siyang kaladkarin palabas dito.Kahit miss na miss ko na siya,naiinis ako sa pagmumukha niya ngayon.

"Mheera,I'm sorry.Alam mo naman na magkapatid tayo diba? I don't want to hurt you like that---"

"Hep! Ayoko nang marinig yang kapatid na yan.Oo na kapatid na kita.Hindi ko nga rin alam kung bakit pa kita pinuntahan dun eh.Tapos sinabi ko pa yun? Ang tanga ko lang." Ipinamaypay ko ang kamay ko sa sarili ko.Naiinitan ako,pati mata ko pinagpapawisan,potek.

"I love you,too.Pero,magkapatid tayo.I don't know if I can fight you.We're siblings.And I don't wan't an incest." Yumuko siya at suminghot.Umiiyak ba siya?

Hahawakan ko na sana ang balikat niya pero napigilan ako.Kahit na mahal ko siya,hindi dapat.Dahil hindi nararapat.At bawal.Napaupo na lang ulit ako at dinama ang sakit.Sa totoo lang,kahit naiinis ako sakanya.Ayokong nakikita na umiiyak siya.Dahil triple ang epekto nito sakin.

"Ano nang gagawin natin? Mag-move on? Sa tingin ko yun na lang talaga ang paraan.Para wala nang masaktan." Inayos ko ang sarili ko at tumayo.

"Yeah,you're right.Besides,nandiyan naman si Kuya diba? He can make you happy than I do,He can care you than I do,and He can love you than I do."

Iniwan ko na lang siya.Binayaran ang kinain ko at umalis na.How can he say that? Bakit gusto niya akong ipamigay? At bakit ba ako nasasaktan? Mag kapatid nga kami diba? Bakit ba hindi ako makaintindi? Bakit ba hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap? Taenang buhay to.

Dumiretso ako sa tinuluyan ko at nagpahinga.Pagkagising ko nag-decide ako na pumunta sa Nepo Mall.Tutal,malapit lapit lang siya sa tinutuluyan ko ngayon.Naligo ako at nagbihis.Ni-lock ang room ko at umalis na.

Nag-jeep lang ako.Tamad kase akong maglakad.Tsaka dito sa Dagupan,kahit na medyo may taxi na rin.Ayoko pa ring sumakay,miss ko na kaseng mag-jeep.Yung tipong makikipag-siksikan ka? Masaya yun.Depende sa makakatabi mo.

Nag-para ako.May bakante pa namang pwesto sa may bandang likuran nung driver.Umupo ako doon.Sa kanan ko ay ang isang mag-jowa na ang sweet sweet.Sus! Lamporeber! Magbri-break din kayo! Lahat ng lalake manloloko! Mang-iiwan!

Umiwas na lang ako ng tingin.Nagpokus sa daan.Ang bitter ko na.Ganito ba talaga nangyayari sa mga broken hearted? Nakakatakot pala.Pati mga nananahimik,pinagsasalitaan ko ng mga ganun.

Pumara ako sa tapat ng Nepo.Pagkababa ko,malamang haggard ako.Sinuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang kamay ko.Pumasok na ako sa mall.

Una kong ginawa namili ng mga gamit.Damit,sapatos,pantalon atbp.Wala eh,mayaman ako ngayon.Chos! Ngayon lang kase to.Sa bahay wala na.Wala namang pera si mama.Sakto lang pangkain namin.Kaya lulubus-lubusin ko na.

Nang matapos akong mamili,dumiretso naman ako Merchandise Section.Namili ako ng mga merchandise ng The Legends.Konti lang muna sa ngayon baka kase hindi ko na madala.

Nagpahinga lang ako saglit at nagpasyang pumunta sa Mcdo.Dakilang lakwatsera kase ako kaya kahit may kainan dito,lumipat pa ako.Wala naman kaseng magawa sa hotel.Ang boring lang ng life ko dun.

Kumain ako ng pagkadami-dami.Nakakagutom na pala ang pamimili? Hindi ako na-informed.

Pagkatapos kong kumain,lumabas na ako.Dala dala ang mga pinamili ko.Hindi naman siya masyadong mabigat kaya keri lang.Kayang kaya ko.Heart break nga kinaya ko,ito pa kaya?

Easy ~_~

Nag-para ako ng jeep.Hapon na ngayon kaya naman hindi na gaanong marami ang sumasakay.Naging trapik lang saglit pero kalaunan ay naging normal din ang daloy.

Pagkadating ko sa hotel,dumiretso sa room ko.Inilapag ko ang mga pinamili ko sa lamesa.Nagpahinga muna ako saglit.Nang makita kong gabi na,naligo ako at nagbihis.

Nilakad ko papuntang bar ng hotel.Pagkapasok ko,hindi pa gaanong wild.Kalmado pa lang kase medyo maaga pa.Kokonti din ang tao.Siguro dahil hindi pa masyadong kilala ang hotel na to.

Umupo ako sa stool at umorder.Light lang.Ayokong magpaka-lasing.Hindi naman porket broken ako ngayon malalasing na ako.Wala pa man din ako sa tamang edad para uminom.

Nakakailang shot pa lang ako,feeling ko umiikot na ang mundo ko.Second time ko pa lang kase to.Hindi pa ako sanay.Lagot na,hindi ko pa naman alam ang ginagawa ko kapag nakainom na ako.

Tumigil na ako sa pag-inom at tumayo.Pero muntik na akong matumba,langya.Napahawak pa ako sa katabi ko.Nagpeace-sign na lang ako at ngumiti.

Pagewang-gewang akong naglalakad.Hanggang sa hindi ko na kaya.Natumba na ako.Napasalampak ako sa malamig na sahig ng bar.Napapikit na ako.

Shit! Paano na ako? Potek,uminom pa kase ako eh.Hindi ko naman pala kaya.Langya talaga.Ang malas ko ba? Broken na nga ako,natumba pa ako.

Habang nakahiga, may bumuhat sakin.Iminulat ko ang mga mata ko upang makita ang bumuhat sakin.

"Oh,brother? Wat ar ya doweng hir?"

-------

(A/N)

Sorry sa mahabang wait! Hahaha.Taglish lang ang peg.Nais ko pa lang gawan to ng part 2.Payag kayo? Kase,wala lang.Gusto ko lang! Hahaha.

Please vote,comment and be a fan if you like.

Kamsaranghae! :*

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon