20

199 6 2
                                        

Nanigas ako.Ang higpit ng yakap niya.Hindi na ako makahinga.

"H-hindi na ko makahinga B-Brinon." Untag ko.Agad naman siyang bumitaw at seryosong tumingin sakin.

"Why didn't you wait for me?" Galit niyang tanong sakin.Yumuko naman ako.

"Sinundan naman kita eh.Tapos wala kana.Kaya pumunta na lang ako dito." Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod at pinag-salikop ito.Nilalamig pa rin talaga ako.

"Dapat kasi-----"

*Achu!*

Napabahing ako ng malakas.Humawak ako sa ilong ko.Ang kati kasi.Nahihiya akong tumingin kay Brinon.Naka-titig siya sakin.

"Dito kana matulog." Seryoso niyang sambit sakin.Hinila niya ako papunta sa kusina.Kumuha siya ng bimpo at mainit na tubig.

"Ihahatid daw ako ni Jauxe eh." Malungkot na saad ko.Ayokong matulog dito.Baka makita ko pagmumukha ni Sofia.

"Gabi na.Mukhang lalagnatin kapa." Ipinunas niya ang bimpo sa noo ko at kamay ko.Napabahing ulit ako.

"Ihahatid niya nga ako.Ang kulit." Napairap ako sakanya.

"Kung ihahatid ka niya,nasan siya ngayon?" Iniligpit niya ang bimpo at palangganang may mainit na tubig.Tumingin siya sakin.Napa-iwas naman ako ng tingin.

"B-baka hinahanda yung s-sasakyan niya." Nauutal na ako.Barado na rin ilong ko.Lalagnatin na talaga ako.Hinila na naman niya ako sa kamay.

"Ihahatid na kita."

"I'm going to drive her home."

Biglang sumingit si Jauxe mula sa labas.Basa pa ng konti ang buhok niya.Tumingin sakanya si Brinon.Napatitig naman si Jauxe sa kamay ko na hawak ni Brinon.Agad ko itong hinila.Napatingin sakin si Brinon.

"Ako ang dahilan kung bakit siya nandito.I'm the one who'll gonna drive her home." Hinawakan ulit ni Brinon ang kamay ko.Hinawakan naman ni Jauxe ang isa ko pang kamay.

"But I'm the first who volunteer brother.Go change your clothes,I will drive her." Humalakhak pa si Jauxe.Sumeryoso naman ang mukha ni Brinon.Palipat-lipat ang tingin ko sakanilang dalawa.

"Hi Babe,oh! What's happening here?" Biglang pumasok si Sofia.Agad na napabitaw silang dalawa.Napatingin sila Kay Sofia.Natahimik si Brinon habang si Jauxe naman nagpaliwanag.Tumingin sakin si Sofia na parang naiinis.

"Okay brother.You drive her home.Sofia's here already.Take care." Pamama-alam ni Jauxe habang paakyat sila ni Sofia.

Napatingin ako Kay Brinon.Bakit pati siya bumitaw? Natatakot ba siya Kay Sofia? Tahimik pa rin siya habang nakatayo sa harap ko.Nakatingin sa hagdanan.Tumawag siya ng isang driver nila at iyon ang naghatid sakin.

Pagkadating ko sa bahay parang wala akong gana.Iniisip ko pa rin si Brinon. Bakit ganun siya pagdating Kay Sofia? Bakit niya ko binitawan? Hindi naman sa ayaw Kong hindi niya ko bitawan.Pero kasi,bakit nga diba? Dapat si Jauxe lang kasi baka magselos si Sofia diba? Bakit pati siya?

Nadatnan ko si mama sa pintuan na nag-aabang.Nag-aalala ang itsura niya.Nang makita niya ako ay agad niya akong niyakap.

"Akala ko may masama nang nangyari sayo anak." Mangiyak-ngiyak na usal niya.Naramdaman niya sigurong Tahimik ako kaya hindi na niya ko tinanong.Inalalayan niya ko pataas.Tinulungan niya Kong humiga at kinumutan.Agad rin akong naka-tulog.

-*-*-*-*-

Pagka-gising ko ay sobrang sakit ng ulo ko.Napaka-init ko na rin.Mas lumala pa ang ubo at sipon ko.Tinawag ko si mama.Ipina-alam ko na may lagnat ako.Binilhan niya ako ng gamot.Pina-kain at pina-inom ng gamot.Hindi niya muna ako pinapasok.

Nang iwan na ako ni mama ay hinanap ko ang bag ko.Naalala kong naiwan ko nga pala kila Brinon.Humiga na lang ulit ako. Kumuha na lang ako ng libro ko at nagbasa.Kaya ko pa naman eh.Habang nagbabasa kumatok si mama.In-excuse na niya daw ako.Ipina-alam din niya na may bisita daw ako.Akala ko si weng kaya sabi ko Kay mama na papuntahin sa kwarto ko.Pero iba ang pumasok,si Brinon.Isinara niya ang pinto at may dala siyang prutas.

"Anong ginagawa mo dito?" Bumangon ako mula sa pagkakahiga.Umupo naman siya sa Maliit na upuan sa tabi ng kama ko.Nilapag ang prutas at kumuha ng isang mansanas.

"Aalagaan kita.Even though its your fault kaya ka nagka-sakit." Hiniwa niya ang mansanas at nilagay sa platito.

"Alam ko kasalanan ko.Hindi ka na sana pumunta pa dito kung ganyan din naman ang sasabihin mo." Humiga ulit ako nagta-lukbong ng kumot.

"I'm sorry.Sana hinatid kita kagabi." Nalungkot ang boses niya.Agad akong napa-bangon.

"Marunong ka mag-sorry?" sarcastic kong tanong.

"I'm human Mheera,of course I know." Lumapit siya ng kaunti sakin.

"Diba demonyo ka? Twin mo nga si Lucifer diba?" Tumikhim siya.Mukhang naasar na.

"Bakit bigla kang nagka-ganun?" Tanong ko sakanya.Nagtaka naman siya.

"Kagabi,parang dumating lang si Sofia nawala kana sa sarili mo." Paliwanag ko.Sumeryoso naman siya.

"Diba dapat si Jauxe lang ang bibitaw? Hindi naman sa gusto Kong hawakan mo ang kamay ko.Pero kasi anong reason mo kaya ka bumitaw?" Curious na curious na talaga ako.Nakatingin lang ulit siya sakin.

"May naiisip ako eh pero imposible.Dumadagdag pa yung nakita ko sa kwarto mo na picture.Ano ba talaga Brinon?" Kumuha ako sa mansanas at kumagat dito.Huminga siya ng malalim.Tumingin ng seryoso sakin.

"Ano? Sumagot ka nga.Ang daming---"

"She's my girlfriend."

"Ahh.Kaya pala.Wait.Ano?!"

"She's my girlfriend."

Holycow!

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon