Lumabas ako sa mansion nila nang umiiyak.Hindi dapat ako umiiyak eh pero nakakainis.Ang sakit masabihan ng chismosa lalo na't lalake pa ang nagsabi sayo.Masasaktan ka talaga eh.Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang panyo ko at pumunta na lang sa bayan.Pampalipas oras ko to eh.Tsaka maaga pa naman.
Naglibot-libot ako at bumili ng kung ano-ano.Merchandise ng The Legends. Pumunta muna ako sa isang park malapit sa simbahan.Bumisita din ako sa simbahan at nagdasal saglit.Pagkalabas ko bumili ako ng ice cream sa isang malapit na convenient store at umuwi na.Hindi ko nga namalayan na nasa bahay na ko eh.Gumugulo pa rin talaga sa isip ko kung sino ba talaga ang nag-kalat? Posible kayang ako? May sumanib ba sakin at siya ang nag-kalat? Si Crisel ba ito? O si Crisan? Waaaahhh! Sana naman hindi.Baka nandito din si Chescka o si Blacklady? Ang oa ko na.Ang tanda ko na ganito pa rin ako mag-isip.
Kumain muna kami ni mama at nagkwentuhan.Na-miss ko rin si mama.Mukhang hindi kami masyado nagbo-bonding kahit nasa iisang bahay lang kami.Busy kasi kami pareho eh.Matapos kumain dumiretso agad kami sa kanya-kanyang kwarto.Taray namin.Haha.Naligo lang ako at nagbihis.Nag-review rin at agad na natulog.
-*-*-*-*-*-*-
"Bye ma!" Sigaw ko nang makalabas ako sa bahay.Nag-para agad ng tricycle.Pagka-sakay ko agad kong inabot ang bayad.Habang nasa biyahe,may nag-text sakin.
From: Unknown
I'm waiting at the gate of your school.I have something to tell you.
-Jauxe
Something to tell me daw? Waaaah! Magtatapat na ba siya ng pag-ibig nya sakin? Mahal na rin ba niya ko? Chos. Kakagaling nga lang sa heartbreak may mahal na agad.Minsan talaga ang tanga ko.Pagkahinto ni manong agad akong bumaba.Hinanap ng mata ko si Jauxe sa harap ng gate.Nakita ko siyang nakatayo doon habang nakasandal sa sasakyan niya.Tumakbo ako patungo sakanya.
"Hi Jauxe! Bakit?" Magiliw na tanong ko.Napatingin siya sa gawi ko.Nang makatapat ako sakanya Nakita ko ulit ang mga mata niya.Maganda sana eh kaso may bahid siya ng lungkot at sakit.
"I just want to tell you that I'm leaving.I'm going back to America for our comeback." Ngumiti siya ng peke.Halatang puyat siya sa kakaiyak.
"A-aalis kana?" Nalungkot man ako sa ibinalita niya hindi ko ito ipinahalata sa boses ko.
"Yeah.Don't worry,issues are already fixed by our manager.And I'm leaving for good.Babalik ako dito kapag buo na ulit ako.You can Fangirl me anytime you want Mheera.If we we're given a chance to have a concert here I'll give you a VIP Ticket." Nginitian niya ako.Siguro nga mas mabuti na rin iyon.Para makamove-on na siya at makalimot.
"Bibisita ka ba rito?" Naging garalgal na ang boses ko pero hindi ko hinayaan na tumulo ang luha ko.
"Yes,of course.I'll visit you if I have a free time.Mamamasyal tayo." Tumawa siya.Mukhang Hindi ito peke.
"Alam mo nasasaktan ako eh.Kasi nasasaktan ka.Makita lang kitang umiyak tripleng Grabe na ang sakit sa puso ko.Alam ko Fangirl mo lang ako pero alam ko sa sarili ko na mahal kita.Nasasaktan ako kase yung lalakeng pinapangarap ko pinapaiyak lang ng iba." Pinunasan ko ang luha ko."Yung sakit na iyon makakaya ko pa eh pero ngayon? Nang malaman ko na aalis ka na? Nagiling na ata yung puso ko Jauxe.Hindi ko Kasi alam kung babalik ka pa.Baka kapag nagkita ulit tayo may asawa ka na.Ilang taon naman kase ang gap mo sakin eh." Hinampas ko siya sa braso tsaka tumawa.Pero umiiyak pa rin ako.Nakatingin lang siya sakin."Baka kapag bumalik ka na,hindi ka lang nakamove-on.Naka move forward kana din.Anong gagawin ko? Eh Fangirl nga lang ako diba? Wala akong karapatan na mahalin nang isang tulad mo.Langit ka kase eh samantalang ako lupa lang.Sabihin mo,paano ba mawala tong pag-ibig ko sayo? May gamot ka ba diyan? Penge naman ako oh.Kase tong love ko sayo Hindi healthy.Tsaka one sided love lang.Kung pwede ngang si Prexm na lang o Si Kylon ang mamahalin ko gagawin ko eh.Alam ko kase sa sarili ko na kapag minahal kita,masasaktan lang ako." Humagul-gul na ako sa harap niya.Bigla naman niya akong niyakap.
"Ssssh.Don't cry.I don't want to see you crying.You make me can't decide to leave Mheera." Hinigpitan niya ang yakap niya."You love me? I think that's only infatuation."
Bumitaw ako sa yakap niya at itinuro ang puso ko.
"Naririnig mo ba sinisigaw ng puso ko? Yang pangalan mo Jauxe! Tapos sasabihin mo infatuation lang? Ikaw ba ako ha?Nakakainis ka!" Niyakap niya ulit ako pero patuloy lang ako sa paghampas sa dibdib niya.Unti-unti rin akong huminto.
"Nakakainis ka Jauxe.Nakakainis ka.Alam mo bang ilang taon na kitang kilala? Ikaw ba? Ngayong taon mo nga lang ako nakilala eh.Sa mga taon na iyon,lagi Kong tinatanong ang sarili ko.Totoo ba tong nararamdaman ko o infatuation lang? Alam mo ang sinasagot ng puso ko? Pangalan mo ulit.Pangalan mo lang.Ang tanga nga niya eh.Sayo pa umibig.Bwisit na puso to noh? Hindi maturuan.Sabi ko sa sarili ko bakit ikaw pa? Sa dinami-rami ng lalake sa mundo bakit sayo pa ako nabaliw ng ganito? Ano bang meron ka na wala sa iba? Ha? Ano Jauxe?" Patuloy lang ako sa pag-iyak.Tahimik lang siyang nakikinig sakin.Hinahaplos-haplos naman niya ang buhok ko.Nang tumigil na ako sa paghikbi siya naman ang nagsalita.
"Mahihintay mo ba ko? Mahihintay mo bang mabuo ulit ang puso ko? Can you wait even if it takes forever? Because if yes,just wait for me.I'll come back to you with all the love in my heart.I'll come back to you completely and no damage.I'll come back to you that my heart already fixed and ready to give it to you.So what's your answer? Can you wait for me?
-------
(A/N)Yung feeling na malapit na magsimula? Yiiieeehh! Excited na ko.Comment mo na feels mo beh.Ipakain kita kay Ariela eh.Chos.

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Teen FictionSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...