Yung sa 27 na name ng mother ni Mheera,it is Janna.Not myler,nagkamali ako.Hindi ko ma-revise kase walang internet.Kapag myler nabasa mo,hindi yan.Janna talaga.Sorry sa mga typos,wrong grammar at sa pagkakamali ko.Thank you!
--------
Mheera's POV
"A-Anong sabi mo Brinon?"
"Nothing." Humarap ulit siya sa nilalaro niya.
"Ano nga kase?! May sinabi ka eh!" Niyugyug ko ang balikat niya.May sinabi talaga siya pero hindi ko masyadong narinig!
"I said nothing." Kinuha niya ang bowl ng chips tsaka tumayo.Naglakad siya papunta sa kusina nila kaya sumunod ako.
"Seryoso ka? Pero may narinig kase ako---"
"Sabi ko masaya ako para sayo.Magkwento kana lang ng mga naalala mo." Kumuha siya ng pitchel ng tubig sa ref nila at nagsalin sa baso.Yun ba talaga sinabi niya? Siguro yun nga.
"Okay.Curious ka ba sa mga naalala ko? Haha.Ordinaryong pamumuhay lang naman yun ng isang batang babae eh." Umupo ako sa upuan na nasa counter bar ng kusina nila."Pero ang talagang mahalaga doon,ay ang kababata kong si Bree-Bree." Tumingin ako sakanya.Nakita kong kuminang ang mata nya.Abot haggang tenga ang ngiti niya.
"Where is he?" Seryoso niyang tinitigan ang mga mata ko.Parang bawat detalye na malalaman niya sakin ay mahalaga.
"Hindi ko alam eh."
"Then why don't you find him?"
"Hindi ko alam kung paano magsimula." Bumuntong hininga ako.Totoo naman kase.Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.
"Aren't you going to do your best just to find him?"
"Wala akong kasama.Samahan mo kaya ako?"
"Kailangan pa ba Yun?"
"Oo naman."
"Where did you see him last?"
"Sa probinsya nila mama.Sa Pangasinan."
------------
Lumipas ang isang linggo at as usual,puro aral ako.Medyo busy ako pero dahil Yun sa pagpa-plano kung paano mahanap si Bree-Bree.Pumayag kase si Brinon na samahan ako.At ngayong sabado namin napag-pasyahan na pumuntang Pangasinan para hanapin si Bree-Bree.Ang saya ko nga eh.Hindi ko akalain na sasamahan niya ko.Habang nagi-impake ako tinulungan ako ni mama.Pinayagan niya ko kase nandun naman bahay ni lola.Tsaka nandun din iba kong pinsan.Alam din naman niya na kasama ko si Brinon,na kilala na niya.
Lumabas ako sa bahay na may dalang isang bag at isang maleta.Pasalubong daw ni mama para kina lola.Sumalubong naman sakin ang isang itim na kotse na nakaparada sa harap ng bahay namin.Bumaba si Brinon mula dito.Kinuha ang mga dala ko at nilagay sa loob ng kotse.
"Tara na." Nauna na siyang pumasok.Pumasok na rin ako,umupo sa tabi niya.
"Bakit ka dito umupo? Sa likod ka."
"Ayaw.Dito na ko.Drive ka na lang."
Nakasimangot siyang nag-drive.Haha.Ayoko nga sa likod eh.Baka masuka lang ako dun.Mas maganda na dito.Feel ko pa yung makikita ko mamaya.Mahaba habang byahe to.From Laguna to Pangasinan.
Iidlip na lang muna ako.Zzzzzzz
"Mheera,we need to eat."
Minulat ko ang mga mata ko.Akala ko nandito na kami pero hindi pa pala.Nag stop by lang kami kase medyo hapon na.Madaling araw kaya kami umalis.Tsaka mabilis mag-drive tong si Brinon,siguro malayo lang talaga.Kumain lang kami sa pinakamalapit na fast food chain.Nagtake out na din kami para hindi na kami pahinto hinto.Bumalik na kami sa loob.Sinabi ko na muna kay Brinon na matutulog muna ako.Hindi naman siya umangal.
----------
"Mheera,wake up.We're here."
Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko at iminulat ito.Una kong nakita si Brinon na nakatingin sakin.Nasa pinto siya bitbit ang mga dala ko.Sinabi ko na kase sakanya ang address namin dito kaya alam na niya kung saan kami hihinto.Lumabas ako sa kotse.Gabi na pero I think 6 pa lang.Basta maaga pa siguro.Nauna akong naglakad.Sumunod naman siya sakin.Kumatok ako sa bahay nila Lola.Si Lola lang ang nakatira dito kase sa ibang barangay nakatira mga pinsan ko.Binuksan niya ang pinto.Inaasahan na akong dumating.Niyakap niya ako at tuwang Tuwa siy.Sobrang higpit ng yakap ni Lola.Nakita niya si Brinon sa likod ko.Nagtaka siya akala niya boyfriend ko pero sabi ko kaibigan ko lang.Sinabi ko ang tunay na pakay ko dito.Ang mahanap si Bree-Bree.Dito kase siya nakatira.Noon sa lolo niya.Dito ko rin siya huling nakita.
Pinapasok na agad kami ni Lola.Pinakain at inihanda ang mga kwarto namin.Hindi naman masyadong malaki tong bahay ni Lola pero may tatlo naman itong kwarto.Hiwalay ang kwarto ko sa kwarto ni Brinon.Strikto kase si Lola.Bago ako pumasok sa kwarto,Tinawag ako ni Brinon.
"Let's go.May pupuntahan tayo." Hinawakan niya ang wrist ko at hinila palabas.
"Uy! Magagalit si Lola! Gabi na!" Sigaw ko sakanya habang naglalakad kami.
"I already told her." Sagot niya pero hindi pa rin niya ko hinaharap.
"Saan ba tayo pupunta? Hindi kaba pagod?"
"This is very important than resting." Isinakay niya ko sa kotse niya.Dumating kami sa isang bahay.Eh? Bahay nila Bree-Bree to! Ay bahay pala ng lolo niya.Bumaba si Brinon at naunang pumasok.
"Just wait here.I'm gonna call you if you need to go inside." Dali-dali siyang pumasok sa bahay.
Naghintay naman ako sa labas.Nandito ba si Bree-Bree? Hindi ko alam ang nararamdaman ko.Excited,masaya at kinakabahan.Hindi ko alam eh.Basta kinakabahan ako.Nang makatanggap ako ng tawag mula kay Brinon hindi ko na to sinagot.Dali dali akong pumasok sa bahay.Actually mansion din to.Ang laki ng pinto eh.Nakatanggap naman ako ng text galing kay Brinon.
The one you'll see with handing a flower is the one you finding for.
Okay? Pagkapasok ko ang liwanag.Ang ganda nung chandelier.Naglakad lakad lang ako nang makita kong may mga pagkain sa lamesa ng dining table nila.Pero yung table pang dalawang tao lang.May sign na dapat umupo ako kaya umupo na ako.May biglang tumugtog.Soft music siya.Tapos may narinig akong magsalita sa likod ko.
"I'm glad you already found me."
Medyo pamilyar ang boses pero malalim ito.Humarap ako sakanya.
"Hi Mee-Mee.Miss me?"
Brinon?
------------
(A/N)Pronunciation of names:
Jauxe - Jeyox
Prexm - Prem (silent 'x')
Mheera - Mira
Yan lang naman Mahirap diba? Hihi.BTW,sa cover.Thank you ate @chocoloverjo.Ganda nung cover! Siya gumawa eh.Basahin niyo rin stories niya.Thank you!
Edited.
Before,siya gumawa nang cover nang BAF.Pero ngayon,ako na.Inaral ko na kase ang hirap maghanap nang mga marunong gumawa nang cover tapis libre.Kaya ayown,ako na gumagawa ng cover nang mga stories ko.
If you want na magpagawa,just follow me here sa wattpad tapos i-add niyo ako sa Facebook.
Para malaman ang name ko sa fb,i-pm niyo ko dito.
Enjoy reading! :)

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Teen FictionSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...