11

223 9 2
                                        

"Come with me,ako bahala sayo." Hinila ko ang kamay nya at dali-dali akong tumakbo.Dadalhin ko siya sa peryahan.Alam niyo ba Yun? Pang-karaniwang palaruan lang iyon.Pero masaya talaga.Medyo malayo ng konti dito pero okay lang.As long na kasama ko siya,okay lang ang lahat sakin.Yieeehhhh! Kinikilig ako.HHWR ang peg namin hahaha.

"Ahm,Mheera? Are you laughing?" Napahinto ako dahil sa tanong niya.Humarap ako sakanya at bahagyang ngumiti.

"I'm not.Masaya lang ako kasi kahit na kahapon lang tayo nagkakilala,may tiwala ka agad sakin na sumama." Binitawan ko ang kamay niya at ngumiti ulit.Baka pasmado kamay ko eh.

"I trust you.I don't know but I really do." Hinawakan niya naman ang kamay ko at nauna siyang naglakad.Nabigla ako.Tinanggal ko ang kamay ko na hawak niya.Tumingin naman siya sakin na may question mark sa mukha.

"B-baka makita tayo ni S-sofia." Humina ang boses ko.Yumuko ako para Hindi niya makita na naiiyak na ako.Tumawa naman siya ng mahina.

"She's far from here.She's not the type of girl na selosa.And wala namang malisya diba? We're just friends,right?" Abot tenga ang ngiti niya at walang bahid ng lungkot.

"O-oo naman.F-friends.Hehe.Pero huwag mo nang hawakan ang kamay ko.Masakit na."Agad naman siyang nagtaka.Kumunot pa ang noo niya.

" Did I hold it tight? " Tinignan niya ang kamay ko na para bang ine-examin.Umiling na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Habang naglalakad kami maraming napapatingin samin.Lalo na sakanya.Siguro napopogian yata.Baka nakikilala siya?

"Mag-hood ka please." Hindi ko siya hinarap at nagpatuloy lang sa paglalakad.Sumabay siya sakin na naka-hood na.Na-gets niya siguro na pinagtitinginan na siya.Medyo nawalan ako ng gana pero humuhugot naman ako.Minsan lang to mangyari kaya push ko na.

Pagkadating namin sa perya napanganga siya.Hindi naman to ganun kalaki at kaganda pero sapat na para mapasaya ka.Hinila ko siya sa pulsuhan at iginaya sa Running Light.Alam niyo ba Yun? Yung tataya ka ng piso sa gusto mong kulay at kung doon tumapat ang ilaw,may premyo ka.Dito ko siya unang dinala kasi ito ang favorite ko dito.Noon kasi dito kame madalas ng mga pinsan ko.Hindi ko lang nakwento sainyo.

"Kailangan mong tumaya diyan sa colors na yan gamit ang coin.Kung diyan huminto ang ilaw sa pinaglagyan mo ng taya mo,panalo ka." Itinuro ko ang mga nakahilerang ibat-ibang kulay.Tumango naman siya at hinablot ang kanyang wallet.Pagkabukaka niya,puro papel.Wala siyang barya.Tumingin siya sakin na parang natatawa.

"I'm sorry.I dont have some coin." Napakamot pa siya sa batok niya.Ang cute mo asawa ko charr.

"Eh di libre kita.Problema pa ba Yun?" Kumuha ako ng bente sa wallet ko.Puro one thousand kase pera niya.RK eh.

Ipinapalit ko sa kuyang nagbabantay tapos tumaya na sa yellow.Binigyan ko naman siya ng ten na coins.Nag-iisip pa siya kung saan siya tataya ng kulay nang biglang napangisi at Tumaya sa kulay red.Napansin niyang nakatingin ako sakanya ng nagtataka kaya humarap siya sakin.

"Sofia's favorite color." Kumindat pa siya.Hindi ko na sana tinanong ano? Nasaktan pa Tuloy ako.

"Is that your favorite color?" Turo niya sa tinayaan Kong kulay yellow.Masigla akong Tumango.Sana matandaan niya to.

Hinintay namin na huminto ang ilaw.Excited ako.Gusto ko kasi yung  kettle corn na malaki eh.Kaya sana huminto.

*                *               *                •
Violet  |  Pink      |Green  |Red |

Huminto sa Red ang ilaw.Natuwa naman si Jauxe kaya pinagpili na siya ng premyo niya.Nalungkot naman ako.Swerte ba talaga si Sofia? Tapos malas ako?

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon