"Mheera,can I talk to you?"
Oh shit.Si Jauxe? Alam na ba niya? Galit na ba siya sakin? Nasa hot seat na ba sila ni Sofia? Umupo siya sa tabi ko.Nakatitig lang ako sakanya.Umurong ang dila ko.Natakot din ata kay Jauxe eh.Nakatitig lang ako sa ginawa niyang pag-upo.
"Galit ka ba sakin?" Kinakabahan ako.Baka ngayon ipapulis na niya ko! Waaaahh! Ang oa ko na.Sumulyap siya sakin at naguluhan sa tanong ko.
"Why would I? Did you do something wrong?" Naguguluhan niyang tanong.Hindi niya alam? Hindi siya nagagalit sakin?
"Bakit ka nandito? Bakit moko kakausapin?" Nakita ko sa mata niya ang sakit.Bakit naman siya nasasaktan? Nalaman na ba ng lahat? Pati siya?
"I came to talk to you.You're my friend right?" Tumawa siya ng mahina.Halatang peke."I just can't absorb the fact that they cheated on me.And I even knew it from some stranger.At first,I didn't believe.But,they admitted it earlier." Naging garalgal na ang boses niya.Tinakpan niya ang mata niya at pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok.Halatang nasasaktan siya ngayon .
"Am I too weak? Because I'm crying? I'm just too broken." Nakita kong tumulo ang luha niya.Pinunasan niya agad ito.Ipinatong ko ang kamay ko sa likod niya at marahang hinagod.Sa mga oras na to,ito lang ang alam kong paraan para gumaan ang loob niya.
"Did I do something wrong? I just love her.But,what's her reason? Why did she broke me? Why did she cheat? Am I too bad? I'm always making sure naman na kahit busy ako,nabibigyan ko siya ng time." Gumalaw na ang balikat niya.Senyales na sobra siyang nasasaktan.May ganito rin palang side si Jauxe no? Yung pagiging mahina at nasasaktan.
"Kung ako lang ang minahal mo,hindi ka nasasaktan nang ganyan." Mahinang bulong ko.
"What? What did you say?" Pinunasan niya ang luha niya at tumingin sakin.
"Wala.Sabi ko ano bang problema mo?" Umiling iling pa ko.Narinig naman ata niya eh.Nagkunwari lang siyang Hindi niya narinig kasi Hindi naman mutual ang feelings namin sa isa't isa.
"You don't know? Ah surely you don't know because you just came out today.Sofia and I broke up."tumingala siya sa langit at parang pinipigilan na namang umiyak." She admitted that she and Brinon has a relationship."
nagpunas ulit siya nang luha niya.Umiyak ulit siya pero mahina."G-galit ka ba Kay Brinon?" Tanong ko habang mahinang tinatapik ang likod niya.
"I'm not mad at him.Same with Sofia.But a lot of questions came into my mine like why? How?" Kitang kita ko talaga sa mga mata niya na nasasaktan siya.Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap na siya.
"Nandito lang ako para sayo Jauxe.Kung Kailangan mo nang masasandalan nandito lang ako.Kung kailangan mo nang maiiyakan nandito lang ako.Tandaan mo may isang Mheera Gail Mora na nag-aalala sayo." bulong ko pero sapat na para marinig niya.Niyakap niya rin ako pabalik.Mahigpit na akala mo'y mawawala ako.Sa ngayon,hindi ako nakakaramdam ng saya kahit may chance na kami.Kasi sa nakikita ko ngayon mas gugustuhin kong makita siyang masaya sa totoong mahal niya kesa naman nasasaktan siya ng ganito ngayon.
-*-*-*-*-*-
"Bye Mheera,ingat ka."
Hinintay ko munang maka-pasok nang gate nila si Weng tsaka na ako umalis.Napag-desisyunan kong pumunta kina Brinon.Kakausapin ko na lang siya.Lilinisin ko ang pangalan ko.Aba,namimintang ang walanya.May proweba ba siya? Wala naman diba? Naku,nakakagigil siya.Pigilan niyo ko pigilan niyo ko.
Nang nakarating ako sa harap ng gate nila sinalubong ako ni manong guard.
"Si sir Jauxe ba o si sir Brinon ma'am?" Bungad na tanong niya sakin.Ano? Anong klaseng tanong yan manong?
"Pwede both? Parehas naman silang yummy eh.Chos.Si Brinon po sana.Nandiyan na ba siya?" Tanong ko at sumilip pa sa pinto ng mansion nila.
"Wala pa po ma'am eh.Pasok na lang po kayo at dun niyo na lang siya hintayin."
Pagkapasok ko pina-upo agad ako sa sala.Inalok nang meryenda. Sabi ko okay lang ako.Si Brinon lang talaga pakay ko.Tsaka meryenda na rin siya,charr.Nang may marinig akong pumasok na sasakyan mula sa gate agad akong Napatingin dito.Tumayo na rin ako para mas lalong makita.Pumasok si Brinon at nagtaka nang makita ako.May nabuo agad na galit sa mata niya.
"Bakit may chismosang nakapasok dito manang?" Tanong niya sa napadaan na kasambahay nila.Nabigla naman ako sa tanong niya.Napalingon lang samin si manang at sinabing hindi daw niya alam.
"Chismosa? Ako? Huwaw naman Brinon.May ebidensya ka ba na ako ang nagkalat?" Natatawa Kong tanong pero deep inside gusto ko nang sabunutan ang buhok niya.Kagigil.
"I don't need an evidence.Sayo ko lang sinabi so sino ang alam mong magkakalat? Ako? Eh tanga ka pala eh.Sekreto ko yun tang*na." Hindi man siya sumisigaw nakikita naman sa mga mata niya na galit na galit siya.
"Ako agad? Paano kung may pinag-sabihan din pala si Sofia? Paano kung isa sa mga kaibigan mo? Na nakakaalam din? Ha? Napaka-bintangero mo pala eh.Nagmumura ka pa.Huwag mo Kong murahin dahil hindi mo ko pinapakain." Gustong gusto ko na siyang sigawan Pero nagpipigil lang ako.
"I'm sure it's you.Dahil gusto mong masira si Sofia para may chance ka na kay kuya.Sorry to tell you but ngayon pa lang,wala ka nang chance sakanya.Ang isang tulad mo? Papatulan niya? Maganda ka nga chismosa ka naman."
Sinampal ko siya.Lahat ng lakas na inipon ko binuhos ko lahat sa sampal na iyon.Siguro dahil sa galit ko sakanya kaya ko nagawa Yun.
"Sana naman bago ka mag-bintang siguraduhin mo munang ako.Bago moko sabihan na chismosa sana naman kilala mo talaga ang pagkatao ko.Alam mo ba? Masamang magbintang Brinon.Tinuro sakin yan ng mama ko.Kung nakahanap ka ng ebidensya na ako ang nagkalat,kahit isampal mo pa sakin.Ibuhos mo na rin sa sampal na iyon ang lahat ng galit mo sakin.Sa ngayon,sana naman Huwag mokong pagsalitaan ng ganyan ah? Kase masakit eh.Sobrang sakit para sakin.Alam ko ang babaw ng luha ko perong anong magagawa ko? Babae din naman ako eh.Mahina ako pagdating sa ganyan.Kaya sana,before you say things to people, make sure that it won't hurt them.Like what I'm feeling right now." Pinunasan ko ang luha ko at nagwalk-out.
Tang*na.Napa-english pa ako ng wala sa oras.
---------
(A/N)
Mag-comment ka naman beh.Para maganahan ako.Hehe.Lab kita! ;)

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Fiksi RemajaSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...