46

189 8 0
                                    

Pinanood ko na lang na umalis silang dalawa.Kumaway pa sakin si Via habang si Brinon ay hila siya paalis.Hindi man lang siya lumingon sakin.Kahit kay mama,hindi siya bumati.

Hindi na ko masyadong naka-pokus sa pagmimisa,buong magdamag kong naiisip sila Brinon.

Should I need to move on?

Tama,kailangan ko.Alangan naman tiisin ko lagi tong sakit na to?

Nang matapos ang misa ay pinauna ko na lang si mama.Pupunta muna ako saglit kina Weng.Miss ko na din yung bruha na yun.

Pumara ako ng tricycle papunta sakanila.Medyo malapit naman kaya nakarating din ako agad.

Bumaba ako sa harap ng gate nila.Sakto namang lumabas siya mula sa pinto nila.

"Bruhang Weng!"

Nagulat siya sa sigaw ko.Nang makita niya ako ay napangiti siya.Dali dali syang tumakbo papunta sakin.

Binuksan niya ang gate nila.Nang mabuksan ito ay agad siyang yumakap sakin.

"Miss na miss na kita,Mheera."

Naramdaman kong parang basa ang balikat ko kaya inilayo ko siya sakin.At ayun,ang bruha parang timang na umiiyak.

"Hoy! Bakit ka umiiyak diyan?"

"M-Miss lang talaga kita."

Sinubsub niya ulit ang ulo nya sa dibdib ko.Weird.Bakit ganito naman siya umiyak? Kung miss niya man ako,hindi na siya iiyak ng ganito kagrabe.

"Sorry sorry sorry."

"Bakit ka nagso-sorry?"

Bumitaw siya sa yakap namin at pinusan ang luha niya.Inayos nya ang sarili nya at ngumiti.

"Babawi ako sayo,sana mapatawad m ako."

"Ano bang sinasabi mo?"

Umiling na lamang siya at hinila ako papasok ng bahay nila.

Malaki ang bahay nila Weng,sikat kase ang mama at daddy niya sa paggawa ng lechon.Own recipe daw nila yon.

Sinama niya ko hanggang sa kwarto nya.Ni-lock niya ito at pinaupo niya ko sa kama nya.

Ang ganda ng kwarto,panda theme eh.Ang cute cute.First time ko lang makapasok dito sa kwarto nang bruhang to.

"Anong gagawin natin dito?"

Inilibot ko pa ang tingin ko at napagtanto kong maraming family pictures ang narito.

Buong pamilya nila,sariling picture niya at iba pa.

"Wait for me here,magre-ready lang ako."

Tumango na lang ako nang pumasok siya sa banyo ng kwarto niya.

Dahil dakilang pakialamera ako,tumayo ako at tinignan pa ang mga pictures dito.

Ang ganda ng mommy niya,hindi ko pa to nakikita in person kase laging wala dito sa bahay nila Weng.Actually first time ko ring makapasok sa bahay nila.Si weng lang kase ang nagkukuwento ng history nila sakin.

Nakita ko rin ang daddy niya,wait,parang pamilyar?

May kamukha yung daddy niya eh.Mula sa mata at ngiti,I think I saw him na.Teka,saan nga ba yun?

Ah basta! Pamilyar talaga tong daddy niya!

Narinig kong bumukas ang pinto nang cr kaya Napatingin ako kay Weng.

Nagpupunas siya ng buhok niya.Bihis na rin siya.

Wow,ang bilis ni ate.

Lumapit siya sakin at tinignan ang kanina pang pinagmamasdan ko.

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon