27

194 6 2
                                        

Mheera's POV

"Ano ba nangyari sayo anak?"

Sinalubong agad ako ni mama kanina.Nag-aalala na naman siya.Okay lang naman ako ah.Pero nagtataka lang ako kung bakit sumakit ang ulo ko kanina tapos may nakita pa akong dalawang bata.Sino ba sila? Ano bang konek ko sakanila? Ano bang pake ko sakanila?

"Ma,kanina sumakit ulo ko.Nakita ko lang yung picture frame kina Brinon.Tapos yung nasa picture na iyon napaginipan ko ma.Yun din ata dahilan nang pagsakit ng ulo ko eh." Hinimas himas ko pa ang sintido ko.Sino nga ba yung mga yun?

"M-may naalala kana anak? " may halong saya sa tono ni mama nang tanungin niya ko.Eh?

"Anong naalala ma?" Nadismaya siya sa tanong ko pabalik sakanya.Halata talagang lumungkot awra niya eh.

"Hindi mo pa naalala? Siguro hindi na talaga.Kawawa naman si Bree-Bree.Nasan na kaya siya?" Malungkot parin ang boses ni mama.May nakalimutan ba ko noon?

"Sino si Bree-Bree mama? Yun din pangalan nung batang lalake sa panaginip ko eh.Yung babae naman Mee-Mee.Parang kambing,haha.Pero ma,anong hindi na ko makaka-alala?" Tumingin ako ng deretso sa mata niya.May gusto siyang sabihin pero hindi niya kayang ilabas.

"Maghintay ka lang anak.Sigurado akong makaka-alala ka rin.Take your time anak." Napatawa ako sa huling sabi ni mama.Wow English ah.

"Ano bang nangyari sakin ma? Bakit may nakalimutan ba akong pangyayari sa buhay ko?" Hinawakan ko ang kamay ni mama para sabihing seryosong seryoso ako.

"Ganito kase yan anak-------"

*******

Napag-desisyonan nang batang si Mee-Mee na tulungan ang kanyang nanay sa pagsasampay.Limang taong gulang pa lamang ito ngunit matured na siya mag-isip.Matulungin siya sa kanyang nanay dahil siya lamang ang nagpalaki dito.

Dali-dali siyang nag-tungo sa kanilang labahan upang kunin ang katatapos lamang na banlawan na mga damit ng kanyang nanay.Kahit hirap siyang bitbitin ang isang kulibot na damit,kinaya niya itong dalhin.Hindi siya napansin ng kanyang nanay dahil abala ito sa pagsasampay sa kanilang kapitbahay.

Nang marating na niya ang terrace ng kanilang bahay,sa ikalawang palapag.Inihanda niya ang kanyang gagamiting mga hanger.Tuwang tuwa siya sa kanyang ginagawa.Noong apat na taong gulang pa lamang siya kase ay pinapanood na niya ang kanyang nanay sa tuwing ito ay magsasampay.

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon