29

201 10 11
                                    

Bakit niya pinatay agad? Ayaw niya bang kausapin ko si Kylon? Pero bakit? Busy daw? Maniwala.Kainis ka asawa ko.Chos.Baka nagselos? Asa naman ako no.As far as I know,mahal pa rin nun si Sofia.Napaka loyal nun eh,kaya minahal ko.Siguro kung magiging kami,kung lang ah? KUNG! Hindi sigurado! Wag kang ano! Kung magiging kami,magiging loyal din kaya siya sakin? Iiyak rin ba siya kapag nasaktan ko siya? Who knows diba? Malay ko,Malay mo,Malay nating lahat,MALAYSIA! Chos.Malay ko bukas makalawa,boypren ko na siya.Hahaha! Napaka assuming ko no? Who knows nga diba?

Pinatay ko na lang ang cellphone ko at napag-pasyahan na bumaba.Nadatnan ko si mama na nasa sala at umiiyak. Agad akong lumapit sakanya.

"Ma,anyare sayo? Bakit ka umiiyak?" Hinawakan ko Siya sa balikat.Humarap naman siya sakin at itinuro ang TV.

"Nakakaiyak kase sila Crisan eh.Nag-reunion sila.Tapos idagdag mo pa yung background music--"pinunasan niya ang luha niya at nagpatuloy. "Nakakaiyak anak,natatamaan ako eh." Tapos humagulgol siya.Eh?

"Ma! Ang oa mo! Halika nga!" Niyakap ko agad siya.Alam ko hindi iyon ang tunay na dahilan kung bakit siya umiyak.Siguro may problema si mama pero ayaw niya lang sabihin sakin.

"Anak,nakakaiyak sila!" Humagulgol siya.Nasasaktan kaya siya ngayon? Tinapik-tapik ko ang likod ni mama.

"Tama na,ma.Matulog kana." Iniharap ko siya sakin.Kita ko na namamaga na ang mata niya.Nanay ko siya kaya alam ko na may pinagdadaanan siya.

"Matulog kana,ma.Kung may problema ka sabihin mo lang sakin,okay? Sige na ma,goodnight." Niyakap ko pa siya ng isang beses.Umakyat na siya at sinarado ang pinto ng kwarto niya.Sana bukas okay na siya.May kinalaman ba to sa alaala ko daw? O sadyang miss niya lang si papa? Ako rin kaya,miss na miss ko na siya.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalaba.Tanghali pa lang pala kase eh.Akala ko gabi na kaya pinatulog ko na si mama.Sinampay ko na ang mga damit sa labas,pero hindi na kasya.Ang dami ko kaseng damit.Napag-pasyahan ko na lang na sa taas magsampay tutal mainit dun tapos sigurado mabilis matuyo.Binitbit ko na ang mga nilabhan ko.Tatlong kulibot kaya nag pabalik-balik ako.Nang matapos ko nang i-akyat lahat ni-ready ko na ang mga gagamitin kong hanger.Sinampay ko ang mga T-shirt,sando,at underwear sa first layer.Dalawa kase sampayan dito kaya sa first layer yung isa,haha.Napatingin ako sa ikalawa,ngek! Mataas! Hindi ko maabot.Hindi ba ako tumangkad man lang? Ang hirap maging pandak huhu.

Pumatong ako sa harang ng terrace namin.May biglang isang pangyayari ang sumagi sa utak ko.Ganitong ganito din ang ginagawa ko noong bata ako,limang taon pa lang ako.Umakyat din ako kase hindi ko maabot. Tumalon-talon ako kase feeling ko ako si Darna.Tapos,bigla akong nadulas! Hanggang sa nahulog na ko! Nahulog ako! Pero bakit hindi ko Naalala? Sumagi ulit sa isip ko ang isang pangyayari na nasa isang hospital ako at wala akong maalala.Nakabenda ang ulo ko.Sinabi pa nang doktor na malala ang kalagayan ko pero mabuti nabuhay pa  daw ako! So,ibig sabihin,second life ko na to? Nagka-amnesia ba ako? Oo! Nagka-amnesia ako!

Hinawakan ko ang ulo ko kase sumasakit ulit.May alaala ulit na pumasok sa isip ko.Isang batang lalake,na kalaro ko? Pero malabo ang mukha niya? Bakit parang nananaginip ako? Nakikita ko kase na naglalaro kami sa likod ng bahay namen sa probinsya nina mama noon,pero yung mukha nung batang lalake malabo.Naglalaro kami.Hanggang sa may pinagka-abalahan ang batang lalake.Parang nakita ko na to na nangyare? Nagalit ako at pinuntahan ang batang lalake tapos tinawag ang pansin niya.Humarap ang batang lalake pero malabo ang mukha niya.Narinig ko naman na tinawag ko siyang Blee-Blee? Pero bakit malabo? May Naalala pa ko na mga panahon na magkasama kami.Siya si Bree-Bree! Ang batang kalaro ko na aasawahin daw ako! Hahaha! Bree-Bree! Saan na kaya siya? Naalala ko pa ang sinabi niya.

"I always wanted to see you smile Mee-Mee.One day when I wake up.I'll make sure that your face is the first I'll see." 

Yiiieeeh! Kinikilig ako! Lalo pa't may palayaw pa siya sakin.Mee-Mee! Hahaha! Ang cute! Kaya pala parang nangyari na kanina kase yung napapaginipan ko noon na dalawang batang babae at lalake eh ako at si Bree-Bree.Nasan na kaya siya? Hindi ko na kase matandaan mukha niya.Dali-dali kong tinapos ang sinasampay ko at tumakbo papunta sa kwarto ni mama.Kinatok ko ng kinatok ang pinto ng kwarto ni mama.Pero hindi ko mabuksan.Naka-lock ata.Hindi rin niya binubuksan eh.Mamaya na lang.Magsisimba na lang ako.Tutal linggo ngayon,magthank you ako kay lord.Hihi.

Naligo ako at nagbihis.Pumunta muna ako sa harap ng kwarto ni mama at nagpaalam.Siguro naman narinig niya.Bumaba na ako at sinarado ang pinto.Nakangiti akong naglakad papunta sa simbahan.Pagkapasok ko nagsisimula pa lang ang misa.Isinawsaw ko ang hintuturo ko sa tubig na hawak nung statwa ng anghel tapos nagsign of the cross.Masaya akong nakinig kay Father.Habang nagmimisa,may mga umupo sa tabi ko.Mahaba kase to na kahoy na upuan tapos ako lang ang naka-upo kanina pero ngayon,meron na.Nang tapos na ang misa,nag-dasal ulit ako at nagpasalamat.

Thank you lord kase naka-alala na ko.Sana mahanap ko na si Bree-Bree.

Nagsign of the cross na ko at lumabas na sa simbahan.Habang pauwi,naalala ko si Brinon.Gusto ko siya maka-usap.Ewan ko kung bakit eh.Hindi ko siya gusto ah.Pramis.Gusto ko lang talaga siyang maka-usap tungkol sa issue nila.Hindi pa ako nakamove-on eh.Haha.Nang nakarating ulit ako sa harap ng gate nila nandun ulit si manong guard.As usual,sinabi ko pa rin si Brinon.Pinapasok niya rin ako.Nadatnan ko naman si Brinon na busy sa paglalaro sa PS4 niya.Serysong seryoso ang mukha niya sa nilalaro niyang GTA.Tumabi ako sakanya.Nagulat naman siya sa ginawa ko kaya nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha niya.

"Ano ginagawa mo dito?" Todo kunot ang noo niya pagkatanong niya sakin.

"Binibisita ka.Kakauwi ko lang kase galing sa simbahan." Kumuha ako sa chips na kinakain niya at prenteng umupo sa malambot na sofa nila.

"Ulit? Lagi kang bumibisita.Tsaka,
pake ko?" Itinutok niya ulit ang atensyon niya sa nilalaro niya.

"Gusto kitang bisitahin eh.Para maki-tsismis hehe.Kamusta na?"

"Umuwi ka na lang."

"Ayaw.Ang saya ko kaya ngayon."

"So?"

"Naka-alala na kase ako." Masaya kong sagot.Napatigil naman siya sa ginagawa niya.Para siyang nakaihi.

"Hindi mo pala alam.Nagka-amnesia kase ako noon.Nahulog ako sa second floor namin nung 5 years old ako.Pero ngayon,naka-alala na ko." Huminto ako sa pagsasalita at kumuha pa ng maraming chips."Ang saya ko nga kase naalala ko na yung kababata ko.Si Bree-Bree? Kaya nga nagsimba ako.Pero,sayang lang kase hindi ko alam kung nasan siya ngayon." Tumigil ako sa pagkukuwento at tumingin sakanya.Seryoso naman siyang naka-titig sakin.As in titig na titig talaga.

"May dumi ba sa mukha ko?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko pero napangiti siya.Halos umiyak na nga siya eh.Ano nangyari dito?

"Ang saya ko ngayon.Naalala na ako ng babaeng matagal ko na ring hinahanap."

---------
(A/N)

Oh ano? Maganda ba? Sana naman nagandahan kayo.Oo kayo! Kase Nakita ko kanina 52 reads na siya! Yehey! Thank you! Super thank you talaga! Ang babaw ko ba? Marami na kase Yun para sakin.Thank you ulit.Worth it yung paghihirap ko.Cellphone lang kase gamit kong pag-sulat.Tapos lagi pa kong pinapagalitan.Bakit daw lagi akong cellphone nang cellphone.Eh sabi ko naman may naghihintay kase kila Mheera! Sabi naman nila sino Yun? Hindi ko na lang sinagot.Sana hanggang huli suportahan niyo ulit ako.

Comment at vote kana! I comment mo kung sino ang gusto mong maka-tuluyan ni Mheera! Is it Brinon or Jauxe?

Next author's note na lang yung pronunciation ng names nila kase medyo mahaba na to.Babye! ;)

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon