"Thanks dok.We have to go."
After one week,nadis-charge na rin ako.Kasama pa rin ni mama si sir Brie.Tahimik lang akong naghihintay sakanila sa gilid.Sa loob ng isang linggo na yun,hindi ko sila pinapansin.Hindi ko lang kase matanggap.Bakit siya pa diba? At Kahit hindi ko naman matanggap,siya ang tatay ko.Nagpa-DNA test kase kami nung martes.And kanina lang namen nalaman ang resulta.Positive.L*che.Naiiyak ako nung time na Yun pero pinigilan ko.Hindi ko man tanggap na siya ang ama ko,hindi ko naman kayang sabihin sakanya na hindi ko siya tanggap.
Matapos nilang kausapin ang doktor umalis na kami.Sumakay kami sa kotse ni Sir Brie.Hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang papa.Pero,nasan na ba talaga si Brinon? Ito kaya ang dahilan ng kanyang pag-alis? Sana naman sinabi niya sakin.Hindi yung ganito na iiwan niya ko sa ere.Pati si Jauxe,wala na rin.Isang linggo matapos nung pag-uusap namin hindi na siya bumalik.
Pagkadating namin sa bahay,dumiretso agad ako sa kwarto ko at ni-lock ito.Hindi pa ko ready na makausap siya.Hindi pa ngayon.Humiga ako sa kama ko at nagpakawala ng buntong hininga.Sino kaya may gawa sakin nito? May nagawa ba akong Mali sakanya? At,paano na ako? Paano na yung pagmamahal ko kay Brinon? Ayoko naman ng incest eh.Kuya ko raw siya sabi ng tatay ko.At hindi naman niya sinabi sakin kung saan si Brinon.
Bakit siya umalis? Hindi niya rin ba tanggap na kapatid niya ko? Nasasaktan din kaya siya? Umiiyak kaya siya ngayon? O umiinom? May kasama ba siyang iba? O nagpapakasaya siya ngayon dahil kapatid niya ako at pwede na sila nung babae na contestant?
Hayys.Ang hirap ng ganito.Ang dami kong iniisip.Sana naman kase sinabi niya sakin.Nagpa-alam nga,bitin naman.Sana niyakap man lang niya ko para hindi ko siya Na-miss ng ganito.Sana naman pinakilig niya ko bago Siya umalis diba? Ew.Kuya ko siya tapos magiging sweet kami? Yak.
Pero mahal ko siya.Dapat na ba akong maghanap ng iba? Dapat na ba akong tumigil dahil kapatid ko siya? Dapat na ba akong tumigil kase bawal? Dapat na bang tanggapin ko na kapatid ko siya? Magiging masaya ba ako kapag natanggap ko na? Magagawa ko ba?
Ang daming tanong,pero wala ni isang sagot ang pumapasok sa isip ko.Ano ba gagawin ko? Titigil na ba talaga? Kailangan ko ng advice.O di kaya'y oras.Oras para makapag-isip isip.Masyado na talagang marami eh.Baka mabaliw na ako.Ang kailangan ko ngayon ay makausap si Brinon.Nasan na ba kase siya?
Bumaba ako.Nadatnan kong nag-uusap si mama at si papa.Napatigil sila nang makita ako.
"A-Anak,may Kailangan ka?" Halata sa mukha ni mama na nagulat Siya sa presensiya ko.
"P-Papa." Kahit labag sa loob ko,pinilit ko itong bigkasin.Tumitig ako ng seryoso sa mga mata niya.Halata na nagulat din siya sa pagtawag ko sakanya.
"What do you want my daughter?" Lumapit siya sakin nang naka-ngiti.Nakita ko namang naiiyak Si mama na nakangiti rin.
"G-Gusto ko p-pong makausap si Brinon."
"Really? Why?"
"May kailangan lang po akong sabihin."
"Okay.I'll book your flight."
"T-Talaga po? Thank you po!" Ngumiti lang ako sakanya at agad na umakyat.Sa ngayon,hindi ko pa kayang yakapin siya.Hindi pa ako sanay.
Pumasok ako sa kwarto at nag-impake ng ilang gamit.Kahit pa saan siya,Kakausapin ko siya.Kailangan ko talaga siyang makita ngayon.
Isang bag lang ang dinala ko.Naligo ako at nagbihis.Sigurado namang makaka-kuha agad Yun ng ticket.Tsaka may passport naman ako eh.Pinagawa nila ni mama nung lunes dahil magmi-migrate daw kami next month sa America.
Pagkababa ko narinig Kong may kausap si papa sa cellphone.Ibinaba niya ito at nakangiting tumingin sakin.
"You have a ticket already. Here."
Inabot niya ang ticket ko.

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Teen FictionSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...