22

172 5 6
                                        

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon patungo sa school.Kagagaling ko lang kahapon pero gusto ko nang pumasok.And dami ko nang na-miss na lessons.Kainis naman kasing driver na yun eh,ang layo nang ipinagbabaan sakin.Kailangan ko pa tuloy maglakad.Kapag nabinat talaga ako,ipapakain ko siya kay Ariela,Chos.

Pagkapasok ko sa gate ang daming estudyante na nakakalat.Sanay naman na ako eh,ganito talaga ang school pero bakit parang iba ngayon? Ewan ko lang ah.Parang ang lungkot ng atmosphere.Nasa tapat ako ng canteen nang may biglang humila sakin mula sa likod.Kinaladkad ako hanggang sa likod ng building namin.Tinitigan ko si Brinon.Galit na galit ang mukha niya,parang kakainin na ako.Nang huminto kami binitawan niya ko ng marahas.

"BAKIT MO KINALAT?!" Galit na galit na sigaw niya sakin.Nabigla ako.Anong kinalat?

"A-anong k-kinalat? W-walang akong alam.Kakapasok ko pa lang n-ngayon." Yumuko na ako.Nakakatakot tumitig sa mukha niya.Parang sa mga oras na to,lumabas ang demonyo sa katawan niya.

"Don't play dumb here Mheera!" Napasabunot siya sa buhok niya.Halatang halata na inis na inis siya.Naguguluhan pa rin ako.

"You told them my secret! F*ck!" Napapikit siya.Ano bang sinasabi niya?

"Secret? Anong secret Brinon?" Naguguluhan talaga ako.Ano ba?

"I can't imagine you can betray me just to get kuya.I hate you.You're the worst girl that I've met.You're so selfish.You're so desperate.Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo?" Hindi ko na nakayanan ang huli niyang sinabi kaya sinampal ko na siya.

"Okay lang sakin na pagsalitaan mo ako ng ganyan.Sabihan moko ng makasarili at desperada.Pagbintangan ng hindi ko naman ginawa.Pero ang pagdamay mo sa pagpapalaki sakin ng nanay ko? Aba,ang tigas naman ng panga mo.Bakit may alam kaba sa buhay ko? Alam mo ba ang pinagdaanan na hirap ng mama ko? May alam ka ba sa paghihirap namin? Ha? Ang tigas talaga ng panga.Tandaan mo,gusto ko man si Jauxe,kung ayaw niya sakin hinding hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko." Pinunasan ko ang luha ko at umalis sa harap nya.Bahala siya dyan.Bwisit siya.May alam ba siya samin? Sa mama ko? Tangina niya.Mabait ako pero kapag ganitong pagkakataon napapamura na rin ako.

Inayos ko muna ang sarili ko sa cr.Pagkalabas ko may mga estudyante na ang lulungkot ng mukha.Yung iba mukhag naiinis.Karamihan sakanila babae.Dumiretso na lang ako sa classroom ko.Nadatnan ko naman ang mga classmate ko na mukhang malungkot din.Si weng naman mukhang success.Lumapit ako sakanya.

"Weng,ano nangyayari? Bakit parang iba atmosphere nung school?" Inilapag ko ang bag ko sa upuan ko.Tumingin naman siya sakin.

"Hindi mo alam? Really Mheera?" Nagtataka niyang tanong.Napatawa naman ako.

"Tatanungin ko ba kung alam ko?" Masungit na tanong ko sakanya.Tumawa rin siya.

"Hindi lang ako makapaniwala na hindi mo alam.Ikaw pa nga ang unang naka-alam eh."

"Ako? Paanong ako? Kakapasok ko pa lang."

"Nothing.Nevermind.Ayos kana ba?"

"Hindi ka man lang bumisita.Nakakatampo ka."

"Bumisita kaya ako.Pero may kausap ka so umalis na lang ako nung time na yun.Dalawang beses akong bumisita pero may kausap ka kaya sabi ko next time na lang."humalakhak siya." Mamaya sana eh pero pumasok ka na so hindi na kita nabisita.I'm sorry Mheera."

Sinabi ko na lang na okay na.Siguro sina Brinon at Jauxe ang tinutukoy niyang kausap ko.Narinig niya kaya yung secret ni Brinon?Tatanungin ko na sana pero dumating na ang teacher namin.Mamayang recess na lang.

*-*-*-*-*

"May narinig ka bang pinag-usapan namin weng?" Tanong ko sakanya.Nandito kami ngayon sa mini forest slash park nang school.

"Which of the two? Brinon or Jauxe?" Tanong niya pabalik tsaka sumulyap sakin.

"Hindi ko alam na close pala kayo ni Brinon at Jauxe.Imagine,yung international idol kilala mo.Pati anak ng may-ari ng school dinalaw ka.Na-issue kana ba?" Halata sa mukha niya na namamangha siya.Hindi ko alam ang sasabihin ko.Natutop ang bibig ko.

"Siguro nga secret mo na yun.Don't worry kung narinig ko man,konti lang.I'm not chismosa or something Mheera." Pinalo pa niya ang braso ko.Natawa na rin ako.Pekeng tawa.Kinukutuban na ba siya? Wala naman akong ginagawang masama ah.

Pagkatapos nang recess bumalik na kami.Wala ring imik sakin si Brinon.Ano bang ikinagagalit niya? Secret? Yun bang relasyon nila ni Sofia? Hindi ko naman pinagkalat ah.Tsaka ngayon nga lang ako pumasok.

"Miss Mora,are you okay now?" Pagtatanong sakin ni sir.Napatango naman ako.Nailang kasi ako sa biglaang pagtingin sakin ng mga classmates ko.

"Kung ganon,pumunta ka sakin mamayang 2 sa room 18.Kunin mo ang special quiz mo sakin."

"Y-yes po sir.Thank you po."

Habang nasa klase tahimik lang si Brinon.Mukhang galit pa rin siya sakin.Kakausapin ko na lang siya mamaya.Nang matapos kaming mag-lunch at natapos ang dalawang klase tinignan ko ang wall clock sa classroom.1:55 p.m.Kailangan ko nang umalis.Nag-excuse ako kay ma'am.Pumayag naman siya at pinalabas na ako.Sobrang tahimik sa daan.Ganun na ba ka-boring ang pag-aaral? Hindi ba sila nag-discuss? Habang hinahanap ang room 18 may narinig akong nag-uusap sa likod ko.Kasabay ko kasi silang naglalakad pero nauuna ako.

Girl 1 :"Ang landi naman ni Sofia.Pinagsabay niya si Jauxe at Brinon.Tsk.tsk.tsk.Siguro iissue-hin na naman ito."

Girl 2:" Oo nga no.Pero sino kayang nagkalat? Ang narinig ko kasi,ang ginamit nung user eh dummy account niya sa facebook."

Girl 3:"Stalker kaya siya ni Jauxe? Pansin ko kasi sa mga pictures na pinosts niya,mula sa malayo ang kuha."

Hindi ko na narinig ang ibang pinag-usapan nila kase lumiko na sila.So yung secret nga talaga ni Brinon? Pero paano? Yun lang ang nalaman nila? Pero yung sa half thingy? Hindi naman eh.Bakit yun lang? Wala sa sarili akong pumasok sa room 18.Kinuha kay sir ang test at umalis na.Dumiretso muna ako sa mini forest slash park.Gusto ko munang mag-pahangin.Excuse naman ako sa susunod kong klase.Umupo ako sa isa sa mga upuan at sumandal.Kakagaling ko lang sa sakit pero parang bumabalik na naman ulit.Paano ba kase kumalat? Tsaka dummy account? Pero sino? Bakit niya kinalat? Fan ba siya ng The Legends ? Alam na ba to ni Jauxe? Magagalit kaya siya sakin?

"Mheera, can I talk to you?"

Oh shit.

------
(A/N)

Malapit na ang talagang simula nung story.Sana abangan niyo.Vote na rin at comment.Hihi.Lab ko kayo!

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon