14

207 7 0
                                        

Bigla akong tumayo.Nakuha ko ang atensyon nilang lahat.Hindi ako papayag na siya ang makatabi ko.Baka Isang taon akong maghihirap.Kaya para sa buhay ko,Chos.Para sa school life ko,ipaglalaban ko to.

"Ma'am,bakit ako? Iba na lang.Ayoko sakanya." Nagpapadyak pa ako.Naiinis na ako.Tumingin sakin si teacher at nag-taas ng kilay.Sasagot sana siya kaso tumayo rin pala si Brinon.

"I'm fine with her." Dinala niya ang bag niya at pinaalis ang katabi ko.Nilapag niya agad ang bag niya sa upuan at nakangiting humarap sakin.

"Nahihiya lang siya pero deep inside ma'am kinikilig na siya." Ginamit niya ang Isang killer smile na siya lang ang meron at nag-dekwatro pa.

"Ako? Kikiligin sayo? Si Jauxe Brandon ka ba?" Tinaasan ko rin siya ng kilay at piname-wangan.Natawa lang siya at hindi na umimik pa.Alam ko plastik yan.Siguro kumukulo na dugo niyan sakin.

Pumayag na lang din si ma'am at hindi na pinansin ang pagre-reklamo ko.Isusumbong ko kayo kay Duterte! Huhu.Ayoko nga sakanya eh.Mamaaaaa! Umupo na lang ako at nakinig na.Bwisit.Unang araw,may malas.Tapos may lesson agad.Di ba pwedeng chill chill muna? Huhu.Ang hirap mag-adjust.Naging saglitan din lang ang pagtuturo at agad na nag-recess.Niligpit ko ang mga gamit ko kasi putcha! May ginawa agad kami! Pero hindi ko pinapansin si Brinon.Ganun din naman siya.Mukhang seryoso.

Pagkalabas ko ng classroom dumiretso agad ako sa canteen.Siksikan.Paano na to? 10 minutes break lang daw kase may gagawin pa kami.Kakain o hindi? Konti pa naman kinain ko kanina.Mamaya na lang lunch.Kakain ako ng marami.

Tumambay na lang ako sa school garden namin na may mga bench sa gilid gilid.Maganda dito.Refreshing ang hangin tapos may design pa ng dwarfs.Ang cute cute nila.Kumuha na lang ako ng libro ko.Yung Captivated by Tyrone Greene? Meron ako nun.Malapit ko na matapos.Bakit ganun si ate gurl? Laging iniiwan si Tyrone? Naku,kung ako sakanya hinding hindi ko iiwanan ang isang---

"Bakit ka umangal kanina?"

"Ay machong pogi!" Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong libro.Napahawak ulit ako sa dibdib kong flat.Oh e di ikaw na may b**bs.

Tumingala ako at nakakita ako ng demonyo.Poging demonyo.Guess who?

"Ang arte mo.Pasalamat ka malakas ako sa adviser natin." Umupo siya sa tabi ko dala-dala ang isang in-canned coke at piattos.

"Bakit ba gusto mo kong maka-tabi? Di ba ayaw mo sakin? Galit ka pa nga eh." Ibinalik ko ang tingin ko sa libro.

"Let's just say na ginawa ko yun for a reason." Binuksan niya ang coke niya at diretsong nilagok.

"Ano namang rason? " Hindi ko siya tinatapunan ng kahit isang tingin dahil ayoko.Naiinis ako sa demonyo niyang mukha.

"I don't like to take cookery.I don't want to cook.Never.But my dad say I have to.Para sa Lola ko.Chef kasi lahat ng side ni dad kaso siya lang ang hindi.Engineer si dad.Gusto naman niya na ako na lang kaya pinur-sue niya rin ako.For my dad and Lola,I'll do this.Pero dahil wala akong gusto dito,I want to learn about computers,you will do my projects,assignments and you will help me review my quizzes and exams.Madali lang naman sayo yan kase magkaklase naman tayo.Basta tulungan mo ko at don't you dare ibagsak ako.Lagot ka sakin." Nilagok niya ang coke niya at nilukot ito pagkatapos.

"Ano namang mapapala ko? " Tiniklop ko ang libro at itinago sa bag ko.Nakuha niya kase atensyon ko dahil sa sinabi niya.

"May napala ka na nga eh.Hindi kita ibubuko kay kuya.Not until makatapos ako ng grade 11." Kumuha siya ng piattos niya at nginuya ito.

"Eh di ibuko mo kung gusto mo.Ako maghihirap sayo? Si Jauxe ka ba?" Tinuro ko pa ang sarili ko para mafeel niya na hindi ako takot sakanya.Makatapos ng Grade 11? Sus,eh di pansamantala lang pala ang tulong niya.Useless paghihirap ko.

"Then,what do you want? Forever kang magsi-sinungaling sakanya?"

"Walang forever,demon." Inirapan ko siya at tumayo na.Kinuha ko ang bag ko at naglakad papalayo sakanya.Buset eh.Pagkadating ko sa classroom umupo agad ako at nagbasa ulit ng libro.Nanggigigil ako sakanya.

"I'll tell him later,then."

Tinignan ko lang ang demonyong pogi tapos nagbasa ulit.Eh di sabihin niya.Akala mo naman Natatakot ako.Hindi naman mabigat kasalanan ko eh.

"Okay,ignore me.I'll tell him now." Kinuha niya ang cellphone niya at nag-dial ng number.

"Ano bang gusto mo? Istorbo ka eh.Papansin." Niligpit ko na lang ulit ang libro at sumimangot sakanya.Nakakainis talaga tong demonyo na to kahit kailan.

"I just want you to say yes on me.Nothing more,nothing less." Ibinaba na rin niya ang cellphone niya at itinago sa bulsa niya.

"Pag-iisipan ko.Bakit ba kasi ako? Marami namang iba diyan.Kumuha ka ng tutor mo o di kaya umangal ka.Sabihin mo na ayaw mo yan at gusto mo ang about sa computer.Eh di sana hindi ka maghihirap ngayon.Siguro naman nakakaintindi yang mga magulang mo diba? Ipaglaban mo kase kung anong gusto mo.Hindi yung papayag ka na lang na didiktahan kung ano ang gagawin mo.Ikaw yan eh.Sarili mo yan.May karapatan kang pumili kung ano ang nagpapa-saya sayo.Huwag kang mag-patali.Hindi ka aso or something.Tao ka,may karapatan.Kaya gamitin mo yun para ipaglaban ang gusto mo.#Kapag may katwiran,ipaglaban mo! Hahahaha." Humagalpak ako ng tawa sa huli Kong sinabi.Seryoso ako nung una eh,pero bakit sumagi sa isip ko yan? Hahaha.Baliw ako.Pero joke lang.Masayahin lang talaga ako.

Tumingin ako sa demonyo kong katabi at nakatingin lang siya sakin ng seryoso.Tinitigan ko rin siya.Aaminin ko,gwapo siya.Makapal ang kilay,mamilog-milog ang mata.Mahahabang eyelashes,ang tangos ng ilog,tapos hindi pink ang labi niya.Red! Oo red! Hindi naman siguro nagli-lipstick to no?

"Nagli-lipstick ka ba ?" Hinawakan ko ang baba niya at Tinitigan ng mabuti ang labi niya.Pinisil ko ito at dinilaan ang daliri ko.

"Hindi naman lasang lipstick,ganyan ba talaga yan?" Binitawan ko ang baba niya at inaamoy-amoy pa ang daliri ko.Hindi naman amoy lipstick.Bakit ganun? Tumingin ako sakanya at nanlalaki ang mga mata niya.

"W-why did you do that?" Nanlalaki parin ang mga mata niyang nakatingin sakin.

"Wala lang.Para ma-sure ko na hindi ka nga nagli-lipstick." Pinunasan ko na ang daliri ko.Yumuko naman siya at parang hindi mapakali.

"Anong nangyari sayo?" Hinawakan ko ang likod niya.Dahan-dahan naman siyang humarap sakin.

"I think you were gonna kiss m-me." Yumuko ulit siya.Demonyo ba talaga to? O naging anghel na?

"Ano naman kung hahalikan kita?" Ngumiti Ako at natawa.Hindi ko naman gagawin Yun eh.

"You will be my first kiss.Damn it.I hate you."

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon