17

189 6 1
                                        

Nakapikit siya.Habang ako nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa mukha niyang napakaamo.Gusto kong umalis.Gustong-gusto kong bumitaw sa halik,pero bakit ayaw ng katawan ko? Parang nanigas sistema ko? Namanhid nga tuhod ko eh.Hindi ko alam gagawin ko sa mga oras na to.Pero ang naiisip ko lang,ang halik  niya,ang lambot ng kanyang labi.Nang makabalik ako sa sistema ko,agad akong bumitaw.Tumayo ako at tumingin sakanya.Nabigla rin siya sa pag-alis ko kaya tumayo rin siya.

"A-aalis na k-ko." Dumiretso ako sa pintuan niya.Pero bago ko pa malimutan.

"P-payag na ko sa o-offer mo.Ba-bye." Kumaway pa ako at lumabas na sa pinto.Agad akong bumaba at nagpa-alam sa yaya nila na aalis na ako.Wala naman dun si Jauxe eh.

Pagkadating ko sa bahay kumain muna kami ni mama at umakyat na ko sa taas papunta sa kwarto ko para matulog.Nagbasa muna ako ng konti at natulog.

-*-*-*-*-

"Manong,para!" Ang init na dito.Huhu.Baka late na ako.Kasalukuyan akong nag-aabang ng tricycle dito sa harap ng bahay namin.Sobrang init na dahil late ako nagising.Hindi pwedeng umabsent ako.Second day pa lang ngayon.

9:16 a.m

Waaahhh! Lord,please,kahit anong sasakyan na,basta makapasok lang ako ngayon.Naiiyak na ako.Sana naman,kahit kuliglig na ang dumaan.Paparahin ko talaga,makapasok lang.Waahhh! Lord,sige naaaaa!

*beep*beep*!

"Ay,lord!" Napahawak ako bigla sa pader,este dibdib ko.Nabigla ako sa biglang bumusina sa harap ko.Isang kotse.Kotseng pang-mayaman.Wala naman akong alam tungkol sa ganyan-ganyan eh kasi was kaming ganyan.( was-wala) Napatingin ako sa driver nung kotse na kababa lang.Bakit ang pogi nung driver? Naka-sunglass siya at naka-leather jacket na nakaripped-jeans sa tuhod tapos gray shirt na pang-ilalim.Eh? Ang init kaya sa Pilipinas,bakit ganyan siya pumorma ngayon? Naglakad siya papunta sakin at tinanggal ang sunglass.Doon ko napagtanto na hindi lang basta basta driver to.Si Jauxe to eh.Sumilay ang isang napaka-gandang ngiti sa labi niya.

"Hey,Morning.I'm here to drive you." Ngumiti siya ulit na siyang ikinalusaw nang puso ko.

"P-paano mo nalaman na dito bahay namin? Tsaka,paano mo rin nalaman na kailangan ko ng m-masasakyan?" Nagtataka Kong tanong sakanya.Tumawa siya ng mahina.Chuckle kumbaga.

"It's Brinon.Come on,you're late." Iginaya niya ako papasok sa kotse niya.Pinasakay niya ko sa tabi niya,ano bang tawag dito? Basta ewan.Kinabit niya rin yung seatbelt kuno.Sobrang lapit ng mukha niya,tapos ......

"Achuuuu!" Omyghad! Bigla akong nabahing! Huhu.Nakakahiya.

"Are you okay?" Umupo na siya sa upuan niya at tumingin sakin.Naiilang akong tumango at nanahimik.Nagsimula na siyang mag-drive.Kasi naman eh,ang tapang ng pabango niya,ayoko sa mga ganun eh.Huhu.Kakahiya sakanya.Baka tumalsik pa yung laway ko.

Pagkadating namin sa school pinagbuksan niya ko ng pinto.Eh hindi ko alam eh.Yumuko ako at nagpasalamat sakanya.Nagpa-alam na ako at pumasok na sa gate.Habang nasa daan,kinakain ako ng hiya.Waahhh! Baka tumalsik nga laway ko.Huhu.Tapos baka naamoy niya hininga ko.Huminga ako sa palad ko at inamoy ito.Mabango naman? Amoy close-up.Nag-listerine pa ako.Kaso yung laway,waaaaahh!

"Hi Mheera!"Bati ng isang biglang sumulpot na babae sa harap ko.Malaki ang ngiti sa labi niya.Morena siya na katamtaman ang katawan.Straight ang kulay red na buhok at naka-braces.Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sino ka miss?" Tinarayan ko siya.Hindi ko naman kilala eh.Natawa siya sa inasal ko at inabot ang kamay.

"I'm Riwishly Ong,you can call weng for short." Tinitigan ko ang kamay niyang nakalahad sa kamay ko.Agad niya itong binaba at tumawa nang parang nahihiya.

"Gusto ko sanang maging kaibigan ka." Tumingin siya sakin ng nakangiti.Tatanggapin ko ba?

"Classmate kita diba?" Tanong ko sakanya.Tumango siya at ngumiti ulit.Palangiti tong bruha na to ah.Nilahad ko na ang kamay ko sa harap niya.

"Friends." Tinanggap niya ito at agad akong niyakap.

"Waaahh! Alam mo bang fan na fan mo ako?" Tumalon-talon siya habang yakap-yakap ako.Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.Bumitaw kami sa yakap.Humarap ako sakanya.

"Fan? Hindi ako artista ano ka ba." Hinampas ko siya ng mahina sa braso.Natawa naman siya.

"Ang galing mo kaya magtik-tok.Tsaka sikat ka sa social media accounts mo no." Taas-noo niyang saad sakin.Natawa naman ako sa reaksiyon niya.

"Salamat.Hindi naman ako ganon kagaling doon.Pampalipas oras ko lang siya." Ngumiti ako sakanya.Halata sa mukha niya na mabait siya.

"Friends na ah? "

"Friends."

"Tara na." Hinawakan niya ko sa kamay at hinila papunta sa classroom.

Naging madali ang pagtuturo samin dahil medyo alam na namin ang mga lessons.Hindi naman din nagpa-pansin si Brinon sakin.Nahihiya siguro haha.Nang mag-uwian na sabay kami ni Weng na umuwi.Mas mauuna siyang makauwi dahil mas malapit ang bahay nila.Hinatid ko siya at nagpa-alam na.Habang ako na lang ang naglalakad,nakasabay ko naman si Brinon.

"Oh,naglalakad ka?" Taka kong tanong sakanya.

"Hindi ba obvious?" Masungit niya ring tanong sakin.

"I mean,bakit ka naglalakad pauwi? May kotse naman kayo diba? Hinatid pa nga ako ni Jauxe kanina.Ikaw daw may sabi." Lumapit ako sakanya at tumabi.Tumingin naman siya sakin na naka-kunot ang noo at naunang maglakad.Hinayaan ko na lang.Gusto ko sanang umuwi na agad pero parang gusto kong ihatid si Brinon.Kaya sunundan ko siya.Nang nakarating kami sa harap ng gate nila,may isang kotse na nakapark sa harap ng bahay nila.May biglang bumaba sa isang side ng kotse kase tumunog ang pinto.Papa bukas na rin ang pinto sa harap namin pero biglang humarap sakin si Brinon.Nagmamadaling tumakbo,at tinakpan ang mga mata ko.Nabigla ako.Pilit Kong inaalis ang kamay niya ngunit hinawakan ng isa niyang kamay ang mga kamay ko.Wala akong magawa kase malakas siya.Ilang sandali pa ay may ibinulong siya.

"Huwag mong buksan ang mga mata mo,kung ayaw mong madurog ng pino ang puso mo."

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon