13

208 9 1
                                    

"Anak,maligo kana nga.First day mo ngayon sa school.Ano? Tutunganga ka na lang diyan sa kama mo?" Daldal ng daldal si mama kahit na nakahiga pa rin ako at nakadilat ang mata.

Hindi ako makamove-on dun sa tweet kagabi.Poser ba talaga yun o si Jauxe na? At ano namang meaning niya dun? Na itigil ko na ang feelings ko sakanya kase mas pipiliin niya si Sofia kesa sakin? Na hindi niya kayang i-risk ang friendship namin ganun? Hindi ko naman kailangan ang response niya sa feelings ko.Alam ko kung hanggang saan lang ako.Alam ko ang limitasyon ko.

Bumangon na ako sa kama at naligo na.Minadali ko ang pagliligo at pagbibihis.Nauna nang bumaba si mama kaya bumaba na rin ako para kumain.Konti lang ang kinain ko kase parang wala akong gana.Nagpa-alam na ako Kay mama at nag-para nang tricycle para pumasok.Tinatamad akong maglakad.
Haysst.First day na naman ngayon .Senior High School na ako ngayon.Grade 11.Tsaka Cookery kinuha kong strand.

Pagkarating ko sa tapat ng school bumaba na ako at nag-bayad.Medyo maaga pa ngayon kaya parang wala pang masyadong tao dito.Medyo creepy school namin ah.Naalala ko tuloy yung nabasa ko sa WP.Yung Hell University? Naku! Kulang na lang patayan dito haha.Sobrang tahimik ng school namin.Tapos isabay mo pa yung nagliliparang dahon na tuyo.Gosh! Tumataas balahibo ko neto.Itong school na to talaga itinuturing kong HU.For me lang haha.Gusto mo ng sign? Pang wala lang.Boring ako eh.Challenge kuno.Hahaha.Okay eto.Una,kung may dumaan man na kamukha nung pusa dun ni Raze,o si Black,ako magiging Zein Shion dito.Haha.

Habang naglalakad ako,wala man lang ni isa.Ayaw talaga nang tadhana na ako si Zein? Kunware lang naman ah.Eto na lang pangalawa,kung may Isang lalake man dito na makita ko,siya magiging Supremo o Ace Craige ng buhay ko.Kung sakali mang Hindi si Jauxe ang----

"Miss."

"Ahy,Ace Craige!" Bigla akong napahawak sa dibdib ko.Wala pala akong dibdib hehe.Ikaw rin naman diba? Parehas lang tayo.

Bigla akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko na parang magsusuper-sayan.Oh di kaya pinapalibutan ng itim na aura.

"Hindi ka talaga umamin sa kuya ko?" Matalas ang tingin sakin ni Brinon.Parang gusto niya Kong kainin huhu.

"A-ano n-namang aaminin k-ko sa kuya m-mo?" Namamasa na kamay ko.Umiinit na rin ang paligid ko.Kahit na wala pa namang masyadong sikat ng araw dito sa pwesto namin.

"Ngayong nakausap mo na siya.Stay away from him.Sila ni ate Sofia ang bagay.Hindi ikaw." Nakapamulsa ang mga kamay niya pero halata na nakakuyom na ito.Sh*t.He's scary.

"Wala naman akong balak na masama sakanya.Friends lang kami.At isaksak na ni Sofia yang kuya mo sa baga niya." Natatakot man ako pero nilakasan ko ang loob ko.Ayokong magpatalo.Pero agad niyang hinigit ang braso ko.Sobrang higpit.

"A-aray! Ano ba!" Nagpupumiglas ako pero hindi niya pa rin binibitawan.

"Once na makita ko pang nakaaligid ka Kay kuya,I'll tell dad na paalisin ka na dito." Pabagsak niyang binitawan ang braso ko tsaka tuluyang umalis.Gosh! Natakot ako dun ah! Pero ang mas ikinakatakot ko,siya ang Ace Craige ko! Waaahhhhh! No! Ayoko sakanya! Ang sungit na mayabang na feeling pogi tapos hindi ako gusto! Para sa kuya niya syempre.Ano tingin niya sakin? Ahas? Duh.

Hindi man ako kagandahan,never naman akong sumira ng relasyon ng taong nagmamahalan~

Motto ko yan since nung nakilala ko si Jauxe tapos sila na ni Sofia. Ganda ko na ba? Hahaha.Chos lang .Basta hindi ako ganun.

Dumiretso  na lang ako sa assigned classroom ko.Medyo dumarami na rin kase ang mga tao kaya baka ma-late pa ako.Pagkapasok ko umupo ako sa gitna.Ayoko naman sa harap or sa likod.Common na yun eh.Nagsi-pasukan na rin ang mga classmates ko at anak ng?! Pumasok si Brinon na nakasimangot at nakapamulsa.Nabigla rin siya nang makita niya ako.Pero agad naman siyang naka-recover tapos dumiretso sa bandang likod ko.Bakit hindi ko agad na-gets na dito na siya papasok?

Dumating ang alam kong adviser namin.Nagpakilala siya and syempre kami rin.Hindi na kasi kami magkakakilala kase halo halo na.Yung iba kase from other schools and other section noon kaya ganun.Isa-isa kaming nagpakilala.At nung turn na ni Brinon,nabigla ang adviser namin.

"Oh! Mr.Aquino.Hindi ko alam na dito kana mag-aaral.Eto pala ang mapapala ko sa hindi ko pag-attend ng meeting.Okay so magpakilala kana.I'm sure excited ang mga girls na makilala ka." Ngumiti pa si teacher samin at tumawa.Pumwesto na si Brinon sa harap at nagpa-mulsa.

"I'm Brinon Aquino." Medyo wala siya sa mood magpakilala kaya ayan lang sinabi niya.Umupo na rin siya agad.

"Mr.Aquino.Do you mind if dagdagan ko ang info about you?" Nangingiting dagdag ni teacher.Sumimangot naman ulit si Brinon.Nung una ayaw niya kaso pinilit ni teacher kaya bumigay na rin siya.Umupo si teacher nang maayos tapos ngumiti.

"He's Mr.Brie Aquino's son.The owner of this school." Kumindat si ma'am samin sabay tawa.Humagik-gik naman ang mga babae dito at nagbulong-bulongan.Pati tong katabi kong babae.

"Naku,ampogi niya no? Hihi.Crush ko na siya." Mukha pa siyang kinikilig tapos kinurot-kurot ako sa tagiliran.Feeling close siya ah.Nakakagigil.

"Crush mo na agad? Naku,kilalanin mo muna.Baka mamaya ugaling demonyo pala." Diniinan ko ang demonyo para feel.Para marinig ni Brinon kase malapit lang naman siya.

"Demonyo? Bakit kilala mo ba siya?" May halong inis sa tono ng boses niya.Gustong gusto kong sabihin na oo pero huwag na lang.

"Hindi naman.Nagpapaalala lang." Kinindatan ko siya sabay tawa.Friendly Reminder kumbaga.Wahahaha! Demonyo naman talaga yan.

"Gusto ko may seating arrangement.Girl boy para masaya.Hihi." Hagikgik ni ma'am.Parang kinabahan ako ah.Feeling ko may mangyayaring mali.

"--and last sa dulo,sino kayang bagay kay Brinon? Ah! I want you Mheera Gail Mora? Parang may sparks? Hihi.Ang sweet." Saad ni ma'am sabay palakpak pa.Napatingin ako sa likod ko,nakita Kong nakangisi ang demonyo.

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon