Prologue

13K 215 6
                                    

Anong araw ang hindi mo makakalimutan sa tana ng buhay mo? Kapag dumating ba ang araw na ito, ano ang mararamdaman mo? Saya ba? Lungkot? O Takot? Ang birthday ni Maria Bernadette Alcantara. Ang isa sa pinakaimportanteng araw sa kanya. Lagi siyang masaya kapag dumarating ang kaarawan niya. Hindi man marangya ang celebration, at least ay kasama niya ang pamilya niya at mga kaibigan niya na nagmamahal sa kanya nang totoo.

Pero biglang nagbago ang lahat! Pagsapit ng ika-labingwalo niyang kaarawan. Ang saya na inaasahan niya ay nauwi sa lungkot at bangungot ng buhay niya. Mismong sa kaarawan niya at katatapos lang ng celebration nila ng kaarawan niya. Nang biglang may nanloob sa bahay kubo nila. Pinatay ng tatlong kalalakihan ang pamilya niya. Ang dalawang ate at ina niya ay ginahasa at pinagbabaril. Samantalang ang ama niya, habang nagmamakaawa ay biglang binaril ng lalaking may takip ang mukha na mata lamang ang kita. May tatoo sa braso na ahas at dragon.

Samantalang ang iba ay hindi masyadong makita ni Maria ang pagkakakilanlan. Buti na lang at nakatunog si Maria at agad inilabas ang dalawang kapatid upang magtago. Nais niya rin sanang balaan ang mga magulang niya at kapatid ngunit huli na ang lahat. Napasok na ito ng mga armadong lalaki. Wala na siyang nagawa kundi umiyak at panuorin ang pambababoy ng mga demonyong ito sa pamilya niya. Hindi lubos maisip ni Maria na mangyayari ito sa pamilya niya. Sa pinakaimportanteng araw pa ng buhay niya.

Wala naman siyang nababalitaan na nakaaway ng pamilya niya para mangyari ito sa kanila. Biglang naalarma ang mga nanloob sa kanila dahil biglang umiyak ang bunso niyang kapatid. Agad niyang pinagtago ang dalawa niyang kapatid sa talahiban. Upang siya ang magpahabol sa mga ito at mailigaw ng direction ang mga humahabol sa kanila. Mas iniisip niya ang kaligtasan ng mga kapatid niya, kung kailangan niyang mamatay para sa kanila ay gagawin niya.

Habang naglalakad siya sa kalsada at napapalibutan ng puno ng mangga. May naaninag siyang ilaw na papalapit sa kanya. Hindi na niya makita nang maayos kung ano man ang pinagmumulan ng liwanag. Sapagkat nabaril siya sa braso at puro gasgas pa ang katawan, nauubusan na siya nang dugo at nanghihina. Ng mahimatay siya, biglang may sumapo sa kanya na lalaki. Agad siyang ipinasok sa kotse nito at dinala sa mansion. Hindi niya maaninag ang lalaki dahil wala siyang lakas. Kung sino man ang lalaking ito ay tiyak na mabait ito.

Hinayaan na ni Maria na makatulog siya ngunit ng magising siya ay nasa isang magarang silid na siya. May dextrose siya at mukhang matagal siyang nahimbing. Wala na siyang sinayang na pagkakataon. Ang nasa isip lang niya ngayon, makaalis dito at mahanap ang mga kapatid niya. Pero pagbalik niya kung saan niya iniwan ang mga ito ay wala na sila. Pagpunta niya sa bahay nila, nagkakagulo ang mga tao. Nakita niyang sunog na ang bahay nila. Walang natira sa mga ari-arian nila.

Sinumpa ni Maria na kung sino man ang pumatay sa pamilya niya ay magbabayad, lahat ng may kinalaman sa pagpatay sa pamilya niya. Kaya wala siyang ititira. Kung ikaw ba si Maria Bernadette Alcantara? Masisisi mo ba siyang magtanim ng sama ng loob at mapuno ng galit ang puso? Kung ikaw ba ang nasa sitwasyon niya, magagawa mo din bang maghiganti?

A/N: Hello !! Readers

Actually itong story na ito. 2016 ko pa naisip at nagawa kasi nasa notebook ko lang. Napabasa ko na ito sa mga friends ko at ang lagi nilang sinasabi. Isulat ko raw sa wattpad. Baka raw marami ang magbasa. Sana nga? Kaya ito isusulat ko na!! Chararan!!!

Sana pagnasulat ko na tangkilikin nyo po sana... Sana nga? 😂

Follow me and vote narin if you want po.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon