Maagang nagising si Justin. Alas quatro pa lang nang umaga. Namulatan niya si Bernadette na nakayakap sa kaniya ng mahigpit. Nakahilig ang ulo ng dalaga sa dibdib niya.
Pinagmasdan niya ang magandang mukha nito. Napadako ang mata niya sa mapulang labi ng dalaga na bahagyang nakabukas. Kaya napangiti siya. Hinaplos niya ang pisnge nito. Hinalikan din niya ang noo pababa sa labi nito.
"I love you baby "
Paglabas niya nang kwarto. Nakita niya sa kusina si Nanay Menchie na nagluluto. Ang sabi ni Bernadette hindi niya tunay na ina ito pero mahal si Bernadette nang ginang kahit hindi kadugo.
"Good morning po "
Lumingon ang matanda at nginitian siya.
"Good morning din hijo. Ang aga mo yatang nagising " sabi ni Nay Menchie.
Naghihiwa ito ng rekado.
Lumapit si Justin sa mesa at naupo sa upuan.
"Gusto mo bang mag almusal na?" Tanong ni Nanay Menchie.
"Mamaya na lang po. Hmm.. Pwede pong tumulong?" Nakangiting sabi ni Justin.
Natuwa naman si Menchie dahil kasama niya ang anak niya at gusto pang tumulong sa kaniya.
"Sige hijo"
"Hmm.. Ano po ba maitutulong ko?"
"Hmm.. Pakihugasan na lang ang mga gulay sa lababo"
Mukhang tuwang-tuwa ang binata sa pagtulong sa kanya sa pagluluto. Pangarap niya noon pa na makasama sa pagluluto ang anak.
"Hmm. Hijo! Kumusta naman ang pamilya mo?"
Ito na ang chance niya para mas makilala ang anak.
"Hmm. Ok lang naman po. Ang daddy ko po laging busy, ganoon naman lagi iyon. Buti nga dumating sa buhay namin si Mandy, my little sis " nagkibit balikat ang binata.
"Ehh! Ang mommy mo kumusta?"
Medyo nahihirapan huminga si Menchie. Habang nakikipag- usap sa anak.
"Hmm. My mother is already died na po. Pagkapanganak pa lang sa kin "
Nasaktan si Menchie. Bukod na nilayo sa kaniya ang anak, pinalabas na pinatay pa siya.
"Nag asawa pa ba ulit ang daddy mo? N-Nang mamatay ang mommy mo?"
Parang sinasakal ang puso niya.
"Hindi na po! Ang sabi po kasi niya. Mahal na mahal niya ang mommy ko para mag hanap ng iba "
Bumilis ang tibok ng puso ni Menchie sa narinig.
Ibig sabihin? Mahal pa rin siya ni Joaquin!
"Hmm.. Ganoon ba? Paano kung hindi pa patay ang mommy mo? "
Ngumiti ang binata.
"Hmm.. Lagi akong makikipag bonding sa kanya. Pero hindi na po mangyayari iyon kasi wala na po siya "
Halata sa mata ng binata ang lungkot.
"Paano kung pinaalam lang ng Daddy mo na patay ang mommy mo pero ang totoo buhay pala? Anong mararamdaman mo?"
Napaisip ang binata.
"hmm.. Siyempre po magagalit ako kay Dad kasi nilayo niya ako sa mommy ko?" Galit ang expression nang mukha nito. "Saka po hahanapin ko po ang mommy ko at tatanungin bakit niya ako pinabayaan kay dad? " dagdag nito.
"Pag nagkita ba kayo ng mommy mo? Anong gagawin mo?"
"Hmm.. Yayakapin ko po siya ng mahigpit at ipagshoping at mag d-date kami lagi "
BINABASA MO ANG
MARIA BERNADETTE ALCANTARA
General FictionPlagiarism is a crime. Be unique. Credit to the owner of photo I used for book cover. Hindi ko mahanap name. Natakpan kasi sa history.