Chapter 26

2.8K 51 0
                                    

"Kailangan lang niya ng pahinga at kailangan ding gamutin ang mga sugat niya " sabi ng Doctor.

Tulog pa ngayon si Marvin magmula pa kahapon, dahil napagod ang katawan nito. Napag alamanan nila na mag tatatlong buwan nang alipin ang kapatid niya sa DEVClub.

"Pag nagising siya pwede na siyang i-discharge " Yon lang ang sabi ng Doctor at umalis na ito. Umupo Si Bernadette sa gilid ng kama at hinaplos ang pisnge nito. Naawa siya sa kapatid niya. May pasa ang mukha nito at gasgas.

"Ano na lagay ni Alejandro? Napaamin mo na ba?" Baling niya kay Allan na nakaprenteng nakatayo.

"Hindi pa! matigas siya "sagot ni Allan.

"Ganoon ba! pahirapan mo hanggat hindi umaamin. Hindi sapat na kabayaran ang pagpapahirap na gagawin natin sa kaniya." sabi ni Bernadette at hinahaplos ang mukha ni Marvin.

"Akong bahala" sabi ni Allan.

"Allan bantayan mo muna si Marvin dito. Pupuntahan ko lang si Exequel ha?"bilin niya.

"Sige " at tumango. Miss na talaga niya ang binata. Tinapos lang talaga niya ang mission niya para hindi maamay sa personal niyang buhay.

................

"Sir, mukhang pagod kayo ha! " lumapit si Roxanne kay Exequel na busy sa mga pinipirmahang papeles..

"No! Ok lang, bumalik ka na lang sa pwesto mo" seryusong sabi ni Exequel.

Hindi man lang nito nilingon ang dalaga, ngunit makulit talaga ito. Kaya  walang nagawa si Exequel kundi magpamasahe sa likod. Hindi niya mapigilan na impit na mapaungol sa ginagawa ng dalaga. Parang may malisya ang mga pagdampi ng palad nito sa kanya. Maya-maya habang nakapikit siya. Napadilat siya ng biglang kumandong ang dalaga sa kanya.

"What are you doing?" Gulat na sabi ni Exequel at pinapaalis ang dalaga sa kandungan.

"Alam mo ang manhid mo no!" At pinaglandas ang hintuturo sa bawat kurba ng labi ng binata.

"Hindi mo ba nararamdaman na inaakit kita " bulong ni Roxanne

Dinilaan nito ang gilid ng tenga ni Exequel. Kaya hindi mapigilan ni Exequel na mapaungol kasama pa ang pagkakadikit ng malulusog nitong dibdib sa dibdib niya. Hindi niya namalayan na nakayakap na siya sa dalaga at tumutugon na sa dalaga sa mapusok nitong paghalik..

**********

Excited Si Bernadette na e-surprise ang binata. Siguradong matutuwa ito. Nagdala siya ng paburito nitong calderetang manok na niluto niya. Tumunog ang Elevator. Kaya agad siyang lumabas dito. Nagmadali na siyang makapunta sa office ng binata. Pinindot niya ang password at binuksan ang pinto.

"Honey, I brought you. Your favo- " Bigla niyang nabitawan ang dalang pagkain, dahil sa nasaksihan. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman?

She saw Exequel kissing passionate other woman..

Nanlaki ang mata ni Exequel nang makita siya. Tinulak nito ang babae na walang pake kung nasaktan.

"Honey!! Let me explain "

Saglit na natulala si Bernadette at biglang kumaripas ng takbo.

"Honey" hinabol ni Exequel si Bernadette

Sakto sasarado na ang elevator nang makahabol si Exequel. Niyakap niya si Bernadette nang mahigpit pero nagpupumiglas ito. Pinagbabayo nito ang dibdib niya at humahagugol.

"Honey pagpaliwanagin mo ko, please" hinawakan nito ang pisnge ni Bernadette.

Akmang hahalikan niya si Bernadette nang bigla siyang sinampal ng dalaga parang nayanig ang mundo niya sa lakas ng sampal nito.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon