Chapter 69

2.7K 50 1
                                    

Nagising si Bernadette halos tanghalian na. Nilibot niya ang paningin sa madilim na kwarto..Wala na siyang katabi, wala na kasi si Justin sa tabi niya. Marahan siyang umupo sa kama. Medyo na nanakit din ang katawan niya dahil sa ginawa nila ng binata sa buong mag damag. Nang maalala niya iyon. Hindi niya mapigilang mapangiti. Tumayo na siya sa kama at dumiretso sa Shower room. May pang whole body na salamin doon. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Nanlaki ang mata niya ng makita na halos mapuno ang katawan niya ng kiss mark. Hindi ba naman siya tinantanan  kagabi.

Mabilis lang siya naligo. Pagkatapos magbihis agad na lumabas ng kwarto. Narinig niya na may nagtatawan sa kusina. Kaya pinuntahan niya. Nakita niya ang kaniyang mag ama na nag b-bonding sa pagluluto ng hot dog at itlog. Ang cute nilang tignan. Kaya parang narealize ni Bernadette na dapat hindi niya pinagkait kay Justin na makasama ang anak nila o sila. Naunahan siya ng takot, pero hindi pa naman huli ang lahat. Dahan - dahan siyang naglakad papalapit sa dalawa. Hindi man lang nahalata ng mga ito ang present niya.

"Ehem!" Tikhim ni Bernadette.

Napatingin ang dalawa sa kaniya. Si Justin naka topless at maong short. Kaya hindi mapigilan mapalunok at hagurin ng tingin ni Bernadette ito.

"Baby, stop eyes-raping me. Baka bigla kitang buhatin at magkulong tayo mag hapon sa kwarto mo " seryusong sabi ni Justin. Hindi namalayan ni Bernadette na napatagal na pala ang pagtitig niya sa katawan ni Justin. Nagbawi ng tingin si Bernadette sa rito.

"Mommy!!" Sabi ni Jaizette at tumakbo papalapit ang anak. Kaya yumuko siya para halikan sa labi ang anak.

"Mommy, bakit ang tagal mo lumabas sa room?" Inosenteng tanong ni Jaizette.

"And what is that red mark on your neck?"Tinuro ni Jaizette ito.

Napatingin si Bernadette kay Justin na may pilyong ngiti. Lumapit si Justin sa kaniya para yakapin mula sa likod ito.

"Hmm.. Baby. Gumawa kami ng magiging baby brother mo ni Mommy. Kaya siya napagod at  matagal bago lumabas ng kwarto" pilyong sabi ni Justin. "And that red mark" Hinalikan ni Justin sa leeg si Bernadette. "That's my mark, Baby. Because your mommy is mine" Hindi man lang inisip na ang inosente nang anak nila para  sa ganoong bagay. Kaya nakurot niya sa tagiliran si Justin.

"Manahimik ka nga riyan! Anong baby brother ka riyan!" Inirapan ni Bernadette si Justin at napakagat labi. Napahalakhak lang si Justin. Napatingin silang dalawa Kay Jaizette na nakangiti habang nakatingin sa kanila. Lumapit ang batang babae sa kanila. Hanggang bewang lang ni Justin ito.

"Really mommy? mag kaka baby brother na ako!"Yumakap si Jaizette sa kanila.

"I don't know baby. " humiwalay sa yakap ni Justin. Si Justin naman hinanda ang hapag kainan, pero kapag nagkakatinginan sila may pilyong ngiti ang hudas.

"Eh! Bakit sabi ni Daddy na gumagawa kayo ng baby brother ko. Kaya ka matagal lumabas ng kwarto?" Inosenteng tanong ni Jaizette. Nagkatinginan sila ni Justin. Napakagat labi ito at pilyong nakatingin kay Bernadette.

"Baby, forget about your Daddy said ok!" Sinamaan niya nang tingin ang hudyo. Ngunit walang talab ito dahil busy- busihan sa ginagawa. Lumapit na sila sa mesa. Nang biglang lumabas kung saan si Saito.

"Saito, come sit beside me cuttie dog " tawag ni Jaizette sa aso. Tumalima naman ito. Agad na niyakap ni Jaizette ang aso.

"Jaizette ano bang sabi ko sa iyo? Kapag kakain wag nakikipag laro kay Saito! May time para riyan "Napasimangot si Jaizette saka tumango.

"Bernadette, ayos lang iyon hindi naman magulo si Saito" si Lauro. Napatingin sila rito. Naka uniform ito na pang doctor at nakapamulsa ang isang kamay. Napatingin si Bernadette sa dala nitong redroses, chocolate at teddy bear na bitbit nito sa isang paper bag. Tumayo si Bernadette at humalik sa pisnge ng binata.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon