Chapter 8

3.5K 63 1
                                    

Alam ni Bernadette na may sumusunod sa kanya kaya nagmadali agad siyang makaalis sa mall. Nang mailagay na sa loob ng Fortuner na itim ang mga pinamili ay agad na siyang sumakay sa kotse. Binigay ito ni Eduardo sa kanya para hindi naman daw siya mamasahe. Nagring ang cellphone niya.

"Hello."nakawireless bluetooth earphone siya.

"Ma'am, si papa niyo po, isinugod sa ospital kasi inatake na naman po." mayordoma sa mansion.

"Oh, shit. Si papa kasi, ang kulit! Sige, papunta na ko."

Pagkadating niya ng Ospital ay nakita niya nang nakahiga ito sa kama. Lumapit siya.

"Papa, nagpastress ka na naman. Pasaway ka kasi."

Umupo siya sa may upuan na malapit sa kama nito. Hinawakan ni Mr. Eduardo ang kamay niya at hinalikan ito at ngumiti.

"Hija! Calm down, ok? I'm pretty good. Sabi ng doctor, kaunting pahinga lang." ngumiti ito at hinawakan ang kamay ni Bernadette.

"Thanks for taking care of me. Pasalamat ako at nakilala kita anak."

"Hay! Pinag-aalala niyo po ako." nakangiting sabi ni Bernadette.

Itinuring na rin talaga niya itong ama. At isa pa ay nawawala ang pangungulila niya sa papa niya dahil dito. But for her, her real papa was the best.

"I'm very thankful to have you. Maria Bernadette. You are a blessing to me. Siguro, kung wala ka ay lalo sigurong napadali ang buhay ko." nakangiting sabi ni Mr. Eduardo. Umiling si Bernadette.

"No, Papa, ako dapat ang magpasalamat sayo. Kasi tinulungan mo ko. Kahit hindi mo pa ko kakilala." nakangiting sabi ni Bernadette at niyakap ang ama.

.....................................................

Nasa bar ngayon sina Justin.

"So! Kaya ka biglang umalis ay dahil nakita mo iyong hinahanap mo?" sabay tungga ng beer ni Lauro.

"Yup! Kaso, biglang nawala." nakangiting sabi ni Justin.

"Hay! Napakacomplicated talaga ng buhay,'no?" naiiling na sabi ni Lauro.

"Hindi mo talaga mahahanap ang babae na iyon. Kasi ni name ay hindi mo alam.

" Hindi ka naman pwede magbase lang na nakita mo siya." at tumungga. Ngumiti si Justin at tumungga din ng beer. Maraming nag-ayang sumayaw sa kanila ni Lauro ngunit parehas silang tumanggi at himala na tumanggi si Lauro sa mga chicks.

"Amhmm. May kwento ko sayo."

"Ano iyon?"

"Simula kasi ng nakilala ko siya, parang naging stick-to-one na ko."

"Oh really, Bud? I smell something..." natatawang sabi ni Justin.

Flashback..

Naisipang bisitahin ni Lauro ang uncle niya. Saktong pagpasok niya sa loob ay may naamoy siyang aroma ng ulam. Sinundan niya ito at pagdating niya sa kusina ay nagulat siya nang may makitang dalaga. Ito ang nagluluto. Wait, who is she? Pinasadahan niya ito ng tingin. Naka ponytail na messy. Tapos ay naka oversized T-shirt na hanggang kalahating hita. Halatang sexy ang babae.Dahil sa hugis ng katawan nito. Sino kaya ito? Malabong katulong dahil may uniform ang mga katulong sa mansion. Ang dalaga ay hindi. 'Yong parang nakatira rin ito rito. Humarap ang dalaga at tinitikman nito ang niluluto. Hindi lang sexy, maganda pa ito.

"Masarap na. Tiyak na magugustuhan ito ni papa." napaangat ang tingin ng dalaga at nagtama ang paningin nila.

"Hmm" pagpapaalam ng presensya niya dito.

"Ah! Butike!"nabitawan nito ang sandok.

Lumapit si Lauro sa dalaga. Nang nagyuko ang dalaga. Ayt! Nakita niya ang cleavages ng dalaga kaya agad na tumingin sa taas ang binata.

"Ay! Sorry, may tao pala. Hindi ko napansin." nakangiting sabi ng dalaga at tumingin ito sa kanya. "Bakit ka namumula?"

He is blushing? Gosh, lalaki pa man din siya! It's so embarrassing.

"Ah! Wala. Teka, sino ka ba?" hindi parin siya makatingin ng diretso sa dalaga.

"I'm Bernadette! Ikaw?"

"I'm Lauro Beltran"

"Oh shocks! I can't believe this! Nasabi ko ang real name ko and she is a stranger." nagtataka rin si Lauro dahil karaniwang code name lang or imbentong pangalan lang ang sinasabi niya sa mga babaeng nakikilala niya.

"Anong relasyon mo sa uncle ko? Are you in a relationship with him?" pambasag sa katahimikan.

"Amhmm! Ampon kasi ako ni Papa Eduardo."

"I don't believe you."

"Ha? Ehh, nagsasabi ako ng totoo. Nagtatanong ka 'tapos hindi ka maniniwala?" pailing na sabi ni Bernadette.

Inasikaso na lang ng dalaga ang niluluto nito. Siya naman ay naupo sa counter. At pinanood na lang ang dalaga. Nang matapos magluto ang dalaga ay naghain ito para sa dalawa.

"No thanks! I'm not..."

Biglang kumulo ang tiyan niya. Natawa ang dalaga at cute ang tawa nito. Grabeng kahihiyan ang inabot niya!

"Sus! 'Wag ka nang mahiya! Grasya na iyan. Kakain ka na lang, tatanggi ka pa. Iyong iba nga, walang makain."

"Masarap ba ito?" at tinikman ang luto.

"Hmm! It's delicious." nakangiting sabi ni Lauro. Naniwala na siya kay Bernadette nang ipinaliwanag ng uncle niya ang tunay na relasyon nito sa dalaga.

***

"Kaya nga lagi akong pumupunta kina uncle para makita lang siya." nakangiting sabi ni Lauro. Hinipo ni Justin ang nuo at leeg nito.

"Why?"

"Buddy, may love-nat ka na?" At nagtawanan sila.

"Siguro, kinakarma ka na! At ang karma mo, ang babae na tinitukoy mo."

"Kung karma nga matatawag doon. Ayos lang, ang ganda naman ng karma ko."

"Makadalaw nga kina tito! Para makita ko ang babaeng sinasabi mo." at tumungga ng beer.

"By the way, what is her name?"

"Ahmm. Bernadette."

"Nice name." napapatango si Justin.

Nasa mansion na sina Bernadette, nadischarge na agad si Mr. Eduardo at nasa kwarto na ito nagpapahinga. Nasa kwarto na din niya. Nagring ang cellphone niya.

"Yes, any luck sa ipinapahanap ko?" Ipinapahanap na niya ang kapatid niya sa imbestigador.

"Am.Ganoon ba? Call me kapag may update na."

Pinatay na niya ang tawag at naghubad ng damit. Saka pumasok ng shower room. Gawa ito sa transparent glass. Nilunod ni Bernadette ang sarili sa tubig na galing sa shower. Nang maalala na naman niya ang pamilya niya at ang masayang ala-ala nila. Iyong kahit tuyo, itlog, talbos ng kamote, at laing ang kinakain nila ay masaya at nagkukulitan. Minsan ay tinutukso pa siya ng mga kapatid niya. At ang ama niya ay kinikiliti siya. Samantalang ang mama niya ay palagi silang niyayakap at inaaruga. Minsan naitatanong niya sa Diyos kung bakit sa pamilya pa niya iyon kailangan mangyari. Kung oras na nila,bakit kailangan pang pahirapan? Napahagulgol si Bernadette.

"Gosh! I really miss them."

********

Samantala...

Nasa shower room si Justin. Sumagi na naman sa isipan niya ang dalaga. Halos mapabayaan na niya si Roxanne. Hindi na nga niya ito tinatawagan madalas. Hindi tulad ng dati. Ngayon ay si Roxanne na mismo ang tumatawag sa kanya at ilang buwan na siyang ganito. Pagkatapos magshower ay nakatapis lang ng tuwalya sa ibabang parts ng katawan niya. Nang makitang may 50 missed calls galing kay Babe Roxanne.


A/N: Sila na lumalovelife?? Ako na single??

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon