Chapter 49

2.4K 50 0
                                    


"Kuya Best, date naman tayo mamayang gabi " sabi ni Alysa yumakap ito sa likod ni John.

'Kuya Best ' an endearment niya kay John.

"Ate Best. Mainit wag ka nang yakap ng yakap " iritang sabi ni John.

Binaklas ng binata ang braso ni Alysa. Nasaktan ang damdamin ng dalaga. Dahil sa tuwing maglalambing siya sa binata. Lagi itong naiirita lalo na kapag hahalikan niya sa pisnge parang nandidiri na Ewan.

"Makipag date ka kahit kanino mo gusto. Hindi kita pipigilan" sabi ni John .

Nag asikaso na lang ito nang mga papales sa office ng company nila. They build up their business after ng college nila. Since parehas silang may kaya sa buhay. Ginamit nila ang opera nila at talent para sa negosyo na nagboom naman. Napasimangot na lang si Alysa at umalis ng office. Magshopping na lang siya mag -isa.Sa tagal nilang magkarelasyon ni John. Hindi man lang siya nahalikan at niyakap. Lagi siya ang nauunang maglambing. Minsan sinasabi ng mga kabigan niya bakla daw ang boyfriend niya. Hindi naman niya magawang paniwalaan. Kasi madalas na makipag - usap ito Kay Bernadette. Kaya nagseselos siya Kay Bernadette dahil mas madalas pang gustong kausapin nang nobyo niya ito Kaysa sa kanya.

Kaya nang may event ang company nila. Mas pinili niyang tignan ang mga branch nila roon sa ibang kaysa makitang masaya si John na kausap si Bernadette. Alam niya kasing model na si Bernadette. Kaya iimbitahan talaga ito ni John. Tanggap naman niya kaya ganyan si John sa kanya kasi arranged marriage lang sila. Ang pamilya lang nila ang gusto na maging sila. Pero hindi niya alam na napamahal na siya sa binata.

Una naging close friend sila noong highschool. Kasi naging magclassmates sila. Hindi nila expect na magkakilala pala ang parents nila. Tapos nagulat sila pareho na ipapakasal sila. Kapag tapos na ang pag-aaral nila.

Simula noon naging malamig na ang pakikitunvo ni John sa kanya. To the point na hindi siya pinapansin kapag kausap siya. Tila nakikipag- usap lang siya sa hangin.

Tapos noong college parehas sila nang course. Pinag-usapan nila kasi noong highschool pa sila na parehas sila nang course na kukuhanin.

Noong college sila kinakausap na siya nang binata. Kaya gumawa siya nang magpapasaya dito. Kahit anong efforts ginawa na niya. Pero walang epekto. Lalo siyang nawalan nang pag- asa na makabalik sila sa dating closeness. Dahil kay Bernadette. Naging close si John sa dalaga, Kung paano siya kausapin ni John dati. Ganoon din kay Bernadette.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon