Chapter 9

3.6K 59 1
                                    

First day of school sa University of San Rafael. It's very crowded at mainit sa sobrang daming tao. Malaki ang school na ito at puro mayayaman ang nag-aaral. May mga foreigners din. Naglalakad si Bernadette. Nakayuko lang siya ng biglang may nakabanggaan siya.

"Oh! Sorry, Miss." Hinawakan siya nito sa braso. Muntik na kasi siyang matumba. Ang sweet ng Boses nito at mabango pa. Malaki rin ang katawan.

"Miss, I'm really sorry-" Hindi naman niya pinatapos ang sasabihin nito. Agad na siyang tumakbo palayo.

Ngayon ay hinahanap ni Justin ang room niya. Nang nakita na namang muli ang pamilyar na mukha. Nakita niyang may nakabanggaan itong lalaki. Akmang hahabulin niya ito, kaso ay tumakbo. Ano ba itong babae na ito?Malapalos sa bilis mawala!

Ngayon ay nasa room na si Bernadette nang pumasok na rin ang professor nila. Maangas ang dating nito. Nakauniform ito ng pulis.

"Good morning, Ladies and Gentlemen. I'm Chief Alfredo San Pedro. I am your class adviser." pakilala nito sa sarili. Lahat ay nakatingin dito.

"Ang gusto magpakilala, just simply state your name and age. And the reason why you chose this course."

Lahat ay nagpakilala and it'sBernadette's turn to introduce herself.

"I'm Maria Bernadette Beltran."

"Ano ba yan? Pangprovince 'yong name!" hiyaw ng classmate niya.

"Hey, shut up! Kapag nagsasalita ang isang tao sa harapan, ang gagawin niyo lang ay makinig. Do you understand,Class?!" ang sama ng tingin nito sa classmate niya.

Nang makita na ni Justin ang hinahanap niyang classroom. Akmang papasok na siya ng biglang marinig niya na may nagpapakilala.

"Shocks! Late na ko." napahawak siya sa batok.

"Ms.Beltran. From the top." sabi ng adviser nila.

"I'm Maria Bernadette Beltran." at huminga ng malalim.

"I'm 18 years old. Why did I choose criminology among all the courses? It is because I want to put in jail, all the people that are responsible for the death of my family."

"Hey! Do you belong in my class?"

Napabaling ang tingin nila sa binata na nasa pintuan. Napakamot ito sa ulo. Ngumiti. Shocks! Killer smile, gwapo ito. Matangos ang ilong, maganda ang mga mata at makapal ang pilikmata. At may kissable na labi, matcho, at matangkad din.

"Yes, Sir!"

Akmang uupo na ito ngunit pinigilan ng professor.

"You need to introduce yourself first! Just simply say your name, age, and the reason why you chose criminology!"

Naupo na si Bernadette parang pamilyar sa kanya ang binatang kararating lang. Pero saan? At kailan niya ito nakita?

"Good morning to all of you. I'm Justin Tuazon." nakangiting sabi ni Justin.

"Ama mo ba si General Tuazon?" Nabigla si Bernadette sa tanong ng adviser nila. Agad na tinignan ang binata.

"Yes po. Uniko hijo po niya ko." Nagtatangis ang bagang ni Bernadette. Ngayon lang niya napansin na may pagkakahawig ito sa ama na kinamumuhian niya. Nakuyom ni Bernadette ang kamao

"And I'm 18 years of age. The reason why I chose criminology? It is because I want to become a general like my father one day." nakatingin ito kay Bernadette. Nginitian niya. Samantalang si Bernadette ay nakatitig lang. Tumabi si Justin sa kanya.

"You are Bernadette, right? I'm Justin." nakalahad ang kamay nito ngunit tinignan lang ito ni Bernadette at agad nagbawi ng tingin. "Sorry, naoffend ata kita." narinig niya pang sabi nito.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon