Maaga palang ay mainit na ang ulo ni General Juaquin Tuazon. Nasa office siya ngayon. Nag-iinit ang ulo niya dahil sa tauhan niyang si Alejandro. May kapalpakan na naman kasi itong nagawa. Ito ang tapat niyang tauhan.
"Ang tanga niyo naman! Ang sabi niyo, diba, babae lang? Bakit hindi niyo pa mahanap?" inis na sabi nito.
Pinukol ni Gen. Tuazon si Alejandrong diyaryo. Nakaiwas ang mukhong at ngumiti pa ito! Aba't! May gana pang ngumiti ang loko.
"Sorry talaga, Boss. Ehh hindi naman namin akalain na may makakakita."
Puro tattoo si Alejandro sa katawan. Maganda rin ang pangangatawan dahil sa suot na itim na sando. Halata mong marunong magbanat ng buto in first impression, but in reality ay tamad ito.
"Boss, tanging batang babae lang ang nakita namin."
Flashback...
Habang hinahanap nila ang nakakita sa kanilang dalaga sa talahiban, bigla silang nagulat ng may umiyak na batang babae na puro galos at luhaan.
"Anong gagawin natin diyan?" tanong ng kasamahan niya na may tattoo na dragon at ahas.
"Dadalhin" sagot ni Alejandro, habang buhat ang bata.
"Gago ka ba? Magagalit sa atin si boss niyan."
"Hayaan mo na. Kawawa naman iyong bata." sabi pa ng isa niyang kasama. Kaya agad nilang dinala sa hacienda ng gabing iyon. Nagalit noong una si General Tuazon. Pero natanggap din nito kinalaunan. Gusto kasi nitong magkaroon ng unicahija. Dahil isa lang ang anak nito, at lalaki pa.
....................................................
Currently...
Halos gabi na at wala nang katao-tao sa paligid. Pero bukas pa ang bangko na malapit sa palengke na kasalukuyang dinadaan niya ngayon. Hay! Kawawa naman. May van na huminto sa harapan ng bangko. Tapos ay may lumabas na matandang lalaki, gwapo ito, maganda ang katawan. Naka business attaire ito atmay bitbit na bag.
"Nagdeposit ata?" naisip ni Bernadette.
Magpapatuloy na sa paglalakad si Bernadette nang makita niya na may umagaw ng bag dito. Saktong padaan ang snatcher sa kanya. Hindi niya namalayan. Nasapak niya sa mukha ang snatcher at pinalo sa ulo gamit ang bag ng matanda. Bulagta ito, sinipa pa ni Bernadette, para masigurado.
"Grabe! Ang galing ko, ginawa ko 'yon." nakangiting sabi ni Bernadette nang makita niya na nakatingin ang may-ari ng bag. Agad siyang lumapit dito at iniabot ang bag. Ngumiti ito, mas gwapo ito sa malapitan. Brown hair, light brown at magandang mata, at matangos ang Ilong. Redlips din.
"Bag niyo po?"
Akmang aalis na si Bernadette. Ngunit pinigilan siya nito sa braso.
"Amhmm. How can I pay?" nakangiting tanong nito. "Thank you. Ang tapang mo naman, kahit babae ka.Paano na lang kung nasaktan ka noong snatcher?"
"Wala po iyon. Sige, alis na po ako." Tatalikod na sana si Bernadette nang bigla siyang pigilan ulitnito sa braso.
"Wait. Paano ako makakabayad sayo?"
"No need na po, sir. Taos puso po akong tumulong. Hindi po ako humihingi ng kapalit." nakangiting sabi ni Bernadette.
"Napakabait mo namang bata." at ngumiti ito. "Your parents are lucky to have you. Pinalaki ka siguro nila ng maayos." Biglang nakaramdam ng lungkot si Bernadette.
"Tama po kayo riyan. Ikinararangal kong sila ang naging mga magulang ko."
"Ano nga pala ang pangalan mo?"

BINABASA MO ANG
MARIA BERNADETTE ALCANTARA
Ficción GeneralPlagiarism is a crime. Be unique. Credit to the owner of photo I used for book cover. Hindi ko mahanap name. Natakpan kasi sa history.