"Nay sa bahay po ba ninyo ako didiretso?" Kausap niya ang Nanay niya sa kabilang line.
Ilang bayan na lang kasi malapit na siya sa San Felipe.
***
Ngayon nagbaba na ng mga delivery na gulay Si Johny. Medyo inis siya. Kasi kailangan pang tumawid sa kabilang kalsada. Wala pa man din silang kariton ngayon nasira kasi.
Buhat-buhat niya ang gulay. Patawid na siya ng kalsada at green light kaya hindi siya masasagasan, pero biglang may humaharurot na trycycle ang muntik makabangga sa kanya. Kung hindi dahil sa lalaki na hinitak siya pabalik. Tumilapon ang gulay sa mismong kalsada kaya nasira ang mga gulay nasagasaan ng ibang sasakyan. Huminto ang trycycle na muntik ng makabangga kay Johny.
"Magpapakamatay ka ba?" Angas na sabi ng matabang lalaki.
'Welcome to San Felipe' nabasa ni Bernadette.
Sa hindi kalayuan habang nagmamaneho si Bernadette napansin niya sa may kalsada may pinagtutumpukan.
Huminto siya at binuksan ang bintana ng BMW i8 niya.
"Ate ano po meron?" Tanong niya sa babaeng naglakad sa harap niya.
"Ah!! Yong tricycle driver po nagagalet sa binata na kargador ata ng gulay. Kawawa nga po si Pogi kasi nasira ang panindang gulay. Saka may gana pang magalit yong driver eh!! Siya naman talaga may mali. Green light nagpapaharurot siya ng Tricycle " mahabang litanya ng babae.
Hindi rin siya Chismosa ano??
Bumaba ng kotse si Bernadette at pumagitan sa nag aaway.
Ang binata na tinutukoy ng babae. Gwapo nga ito, mistiso at matcho marahil siguro sa mabibigat na gawain sa palengke.
Ang driver naman bukod na mataba, pangit na pangit rin ang ugali.
"Kung susuriin po manong kayo po ang mali kasi naka green light pa tapos nagdrive ka na agad. Alam niyo po ba na pwede kang makasuhan. Sa speed limit at batas traffico "sabi ni Bernadette.
Napatingin sa kaniya ang binata at hindi maitatanggi ang paghanga into sa kanya.
"Bakit ka ba pakelamera ha??" Singhal ng driver.
Nilabas ni Bernadette ang chapa bilang pulis.
"Pulis Manila po ako at pwede ko kayong ireport dito sa police station ng San Felipe. Bayaran nyo po ang damage. Kung mag mamatigas pa po kayo. Tatawag na po ako?"
Magda- dial na Si Bernadette ng pigilan siya ng driver.
Bakas sa mukha nito ang takot.
"Sige miss magbabayad na ko. Basta wag nyo lang ako ipakulong dahil may pamilya pa akong pinapakain " pagmamakaawa.
Nakaramdam ng awa si Bernadette at naalala niya rin ang papa niya ng mag makaawa into.
"Sige umalis ka na lang ho! Wag mo na rin bayaran. Sa susunod mag ingat po kayo sa pagmamaneho para hindi po kayo nakakaperwisyo " seryusong sabi ni Bernadette.
Agad na umalis ang driver at ang mga chismusa at chismuso bumalik na sa kani-kanilang gawain.
"Salamat pala Binibini " magalang na sabi ni Johny.
Gwapo parin ito kahit pawisan.
"Wala iyon. Sige mauna nako may pupuntahan pa kasi ako"
Akmang papasok na si Bernadette ng kotse. Nang maalalang hindi niya gaanong kabisado rito kaya tatanungin narin niya ang binata.
"Hmm.. Alam mo ba ang kawayanan dito sa San Felipe?" Tanong ni Bernadette.
"Oo, sa totoo lang binibini doon kami nakatira ng Nanay ko" nakangiting sabi ni Johny
"Don't called me Binibini! it's too formal. Just call me Bernadette " nakangiting sabi ni Bernadette at nilahad ang kamay.
Ngumiti ang binata at tinanggap ang pakikipagkamay.
"Johny naman ang pangalan ko. Bernadette ang pangalan mo? Ibig sabihin ikaw ang sinasabi ni Nanay na bisita " takang sabi ni Johny.
Napakunot noo Si Bernadette.
"So ikaw ang sinasabi ni Nanay Menchie na anak niya?" Sabi ni Bernadette.
Tumango ito at namangha sa mga nangyayari. Akala niya nagsisingungaling ang Nanay niya na sabihing maganda ang anak -anakan nito na galing U.S
Pero nagkamali siya. Ang ganda nito sa personal.
"Sabay na lang tayo kung ganon " masayang sabi ni Bernadette.
Matapos masara ni Jonhny ang tindahan nila.
Sumakay na siya ng kotse ni Bernadette.
"Wow ang ganda ng kotse mo. Totoo nga ang sinabi ni Nanay na naampon ka ng isang mayaman na kaibigan niya "
Ngumiti lang si Bernadette.
Makalipas ang kinse minutos narating din nila ang bahay na may pagka ancient ang itsura hanggang second floor lang ito at napapaligiran ng mga gulay na tanim at puno ng saging, mangga at ibang uri ng halaman at bulaklak. Halos luntian ang makikita sa paligid may parang sapa din sa paligid. Naka- elevated din halos lahat ng bahay dahil pabundok ang dating.
Nasa loob na sila ng bahay maganda ang loob. Simple lang pero organize ang mga gamit.
"Anak" niyakap siya ng ginang at hinalikan sa pisnge.
Naupo sa upuang kawayan si Bernadette samantalang ang ginang ay kumuha ng meryenda.
Pumasok ng kwarto naman niya si Johnny para magpalit. Paglabas nito naka pang basketball outfit at may bitbit na bola.
"Saan ka pupunta anak?" Tanong ni Nay Menchie .
"Mag basketball lang Nanay" sabi ni Johny
"Ganoon ba! sige mag ingat ka at mapagtripan ka na naman diyan ha!" Palala ni Nay Menchie.
Tumayo Si Bernadette.
"Johny sama ako. Saka marunong akong mag basketball "
Totoo yon kasi noong nasa San Agustin pa siya. Sumasali siya sa Liga ng basketball. For girl siyempre.
"Sige ba?" Sabi ni Johny.
At pumuntang court.
************
Samantalang si Justin sa pagtanong - tanong nakarating din sa Pupuntahan.
May nakita siyang ginang na nag wawalis ng bakuran. Hininto niya sa tapat ng bahay nito ang kotse niya.
Bumaba siya at lumapit..
"Hmm.. Nay pwede pong mag tanong?"
Nag angat ng tingin ang magandang ginang.
Nagulat si Menchie sa binata. Kahawig kasi ito ni Joaquin noong binata pa.
"Ano iyon Hijo?" Nakangiti niyang tanong.
Gwapo ang binata Sa suot nitong blue v-neck T-shirt and black short with white rubber shoes. May shade rin ito.
"Kayo po ba yong Nanay niya Bernadette" tanong ni Justin.
Tumango ang ginang.
"Sino ka ba Hijo? at Kaano - ano ka ng anak ko?"
Ngumiti si Justin at nagmano sa matanda.
"I'm Justin Tuazon po at Boyfriend po ng anak niyo. Nice too meet you po "
Kumabog ang dibdib ni Menchie nang makumpirmang ang anak nga niya ang kaharap niya. Sa hindi malamang dahilan nayakap niya ito at nagulat ang binata ngunit gumanti rin ng yakap.
BINABASA MO ANG
MARIA BERNADETTE ALCANTARA
Fiction généralePlagiarism is a crime. Be unique. Credit to the owner of photo I used for book cover. Hindi ko mahanap name. Natakpan kasi sa history.
