Chapter 1

9.4K 118 2
                                    

"Maria Bernadette Alcantara." pang-aasar ni Andy kay Bernadette.

Napaka sinauna ng pangalan, ano? Pinukol ni Bernadette si Andy ng bubot na mangga at tinamaan sa ulo ito. Natawa si Bernadette at nagbelat. Nasa puno kasi siya ng mangga. Namimitas sila nina Andy at pinsan nitong si Allan. Ito na talaga ang mga naging matalik na kaibigan niya. Si Andy Bernate ang makulit, mapang-asar at mabait na kaibigan niya. And his cousin, Allan Bernate, ang kabaligtaran ng ugali nito. Kasi mahinahon at medyo may pagkatahimik, pero mabait. Magkababata sila, sabay-sabay na silang lumaki sa Barrio San Agustin. Tanging pagsasaka at pagtitinda ng mga prutas at isda ang kabuhayan dito. Pero masaya parin tumira rito dahil simple, tahimik, at payapa ang lugar na ito.

"Ikaw talaga, Andy, inaasar mo na naman si Maria Bernadette Alcantara" nasa ilalim ito ng puno at nagbabasa ng libro. Bwiset itong si Allan at inulit pa talaga nito ang buong pangalan niya. "Kayo ba talaga, ginagalit niyo kong mag-pinsan kayo!" hiyaw niya. "Hindi ako makapapayag na hindi kayo magbayad sa mga kasalanan niyo!" Halata ang inis sa mukha ni Bernadette kaya ng makababa sa puno ay pinukol niya ng bubot si Allan. Napaawang ang labi nito dahil sa ayaw ni Bernadette ang pangalan niya. Masyado kasing makaluma ito kaya naiilang siya. "Mga pasneya kayo, mga hator kayong magpinsan! Lumayo kayo dito sa palasyo." natatawang sabi ni Bernadette. Haystss, kabaliwan talaga! Mahilig kasi silang manood ng Encantadia sa TV. Natawa ang dalawa. Nag-action silang makikipaglaban. May mga hawak silang panungkit ng mangga at ginawa nilang espada. They are so childish.

"Ya! Yah!" nagsugudan na! "Hindi ako makapapayag na maghari na naman ang kasamaan dahil sayo, Hagorn! Whohahahh!" nakakaloko ang tawa ni Bernadette. "Hindi ako susuko. Dahil muling maghahari ang kasamaan, whohahahha!" si Andy. Patuloy sila sa pag eespadahan. "Ngayon, Danaya, humingi ka na ng tulong sa iyong mga kapatid" si Allan. Minsan tahimik ito, pero pag nasumpungan sila ng katuyuan, abay nagkakasundo.

Huminto na sila sa paglalaro. Hay! Mga isip-bata talaga! Ngayon ang big day ni Bernadette dahil today is her 18th birthday, pero mukhang hindi ata naaalala ng mga mukhong niyang kaibigan. Magkakaedad silang tatlo, kaso mas matanda ng ilang buwan ang magpinsan. Nakaupo na sila sa ilalim ng punong mangga. Nasa gubat sila ngayon. Hingal na hingal sila at pawis.

"Hu! Kapagod" si Andy. Tumatagaktak ang pawis nito. Moreno, matangkad, gwapo, at medyo malaki na ang katawan ni Andy. Marahil ay sa pagbubuhat ng palay. Si Allan ay pawis na pawis din! Maputi, matangkad, maganda ang pangangatawan, at gwapo. Habulin ng chicks pero single.

"Amh. May tanong ako?" 'si Bernadette.

"Ano?" si Allan.

"May naaalala ba kayo ngayong araw?" nakangiting sabi ni Bernadette.

"Amhmm! Wala." sabi ng dalawa.

Nadismaya si Bernadette. This is the first time na nakalimutan nila.

"Wala talaga, as in?" paninigurado niya. Kunwari ay nag-iisip, pero umiling lang din ang mga ito.

"Saan ka nga pala mag-aaral, Maria? Ay! Este Bernadette" nakangiting sabi ni Andy. Kinutusan ito ni Bernadette, pero mahina lang. Kaya nangiti lang ang loko.

"Amhmm.. Siguro dito na lang sa lugar natin."

"Ano namang course ang kukunin mo?" si Allan.

"Amhm! Hindi ko pa alam." sabi ni Bernadette. Kakagraduate lang kasi nila ng high school. "Wala ba talaga kayong maalala?" nanigurado talaga siya!

"Wala nga po!" nakangiting sabi ni Andy at inakbayan siya. Sinamaan niya ito ng tingin ng makahalatang nag-peace sign ito at tumawa. Ayaw kasi ni Bernadette ng inaakbayan.

"Bernadette! May naging crush ka na ba?" si Allan.

"Amhmm! Wala."

"Hala! Abnormal ka!" natatawang sabi ni Andy. Haytss, kahit kalian ay mapang-asar ang loko.

"Hoy! Hindi ahh. Eh! Anong magagawa ko? Wala pa kong nakikitang type ko." defense ni Bernadette.

"Pero abnormal ka talaga." tumakbo si Andy, alam kasi niyang napipikon na si Bernadette. Sasapakin talaga siya nito. Brusko kasing kumilos si Bernadette.

"Halika rito, makakatikim ka talaga sakin, Andyyy!" hiyaw ni Bernadette. Nagtatago sa puno si Andy.

"Ayaw ko nga!" at tawa ng tawa ang loko.

"Hay! Tama na nga 'yan. Umuwi na tayo!" sabi ni Allan at nailing. Five pm na kasi at padilim na. Biglang piningot ni Bernadette si Andy ng malapitan niya ito. "A-arayyy... Tama na, Maria! Ay este Bernadette." nangingiwi ito sa sakit! .Si Bernadette naman ay tawa ng tawa. Ngayon ay naglalakad na sila pauwi.

.............................**********************...................................

Ngayon ay naglalakad na sila pauwi."Wala talaga kayong naaalala kung anong meron ngayon?" naninigurado talaga si Bernadette. "Wala." biglang hinila ni Andy si Bernadette, dahil muntik na siyang mahagip ng sasakyan na humaharurot. Huminto ito mismo sa harapan nila. "Hoy! Gago." hiyaw ni Allan at pinagkakatok ang pintuan ng sasakyan. Nagagalit na si Allan, napakaangas kasi nito magmaneho. Binuksan ng may-ari ng sasakyan ang bintana ng kotse. "What is your problem?" tanong ng isang binata. Mukhang mayaman at may lahi ata itong Spanish, dahil sa hugis ng mukha nito at matangos na ilong. Magandang mga mata at may mapupulang labi, maputi. In short ay gwapo at ang angas din ng porma. Mukhang taga-Manila ito. "Ano problema ko? Ikaw! Hindi mo ba alam na muntik ka nang makapatay ng tao?" nagtatagis ang panga ni Allan.

Napatingin ang binata kay Bernadette. Hawak pa rin ni Andy ang mga braso nito, parang nainis siya ng makita na hawak ng ibang lalaki si Bernadette. And it's so weird for him. First time lang na nangyari ito sa kanya. Bumaba ng kotse nito ang binata at tinanggal ang kamay ni Andy kay Bernadette na ikinagulat nilang tatlo. Lalo na ni Bernadette, na nanlaki ang mata.

"Ok ka lang ba, miss?" halatang nag-aalala ito at hinaplos ang pisnge niya. Grabe, nagtataasan ang balahibo ng dalaga dahil sa haplos lang nito. "Amhmm... O-ok lang." Ang awkward kasi. Ang lapit ng mukha ng binata kay Bernadette. 'Tapos nakahawak pa sa kamay niya ang kamay nito, para siyang nakuryente. 'Tapos ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Naamoy din niya ang mabango na hininga nito kasama ang masculine na cologne ng binata.

"Pasensya na, nagmamadali lang ako. Kaya hindi ako nagdahan-dahan sa pagmamaneho." at napabuntong hininga ito. "Amhmm, brad! Pwede mo na bang bitawan si Bernadette?" si Andy. "Oh! Sorry, miss." mukhang nagulat ito sa ginawa. Kaya napabitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Bernadette. Sumakay na ang stranger na lalaki sa sasakyan niya. "Sa susunod, 'wag kang parang siga sa pagmamaneho." si Allan na halatang inis pa rin. "Sorry ulit! Sige mauna na ko. May importane pa kong aasikasuhin." Mga ilang minuto at nawala na ito sa paningin nila.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon