Chapter 16

3.2K 52 2
                                    

Lumapit sina Justin sa kinaroroonan nila Mr. Eduardo. Kasalukuyan kasing kausap nito si General Tuazon. Nakuyom ni Bernadette ang kamao sa sobrang galit. Nagkatinginan sila ni Allan na nag-seserve ng wine ilang mesa lang ang layo. Hinawakan ni Justin ang kamay niya. At ngumiti siya rito. Lumingon sa kanila ang dalawang matanda.

"Oh! Eduardo is right, his daughter is really beautiful." papuri ni General Tuazon.

Ngumiti si Bernadette pero sa totoo lang ay gusto na niya itong patayin.

"Thank you, General Tuazon."

"Are you two dating?" tanong ng General.

"I don't know, Dad, pero parang ganoon na nga." si Justin.

Sobrang saya ng mukha nito.

"Ahm... Tito Eduardo. Can I ask your permission to court your daughter?" direktang tanong ni Justin.

Bakas sa mukha ni Mr. Eduardo ang pagkagulat..Ngumiti si Bernadette kay Mr. Eduardo at sumenyas na makiayon na lang sa agos.

"Are you serious, Justin?" tanong ni Mr. Eduardo.

Hindi na nagtaka si Mr. Eduardo na liligawan nito si Bernadette, dahil halata naman sa kilos nito na may gusto sa anak niya.

"Yes po, Tito. I want to grab the opportunity to have a girlfriend and maybe my wife someday like Bernadette." nakangiting sabi ni Justin.

Pinisil ang kamay ni Bernadette at ngumiti lang ang dalaga.

"Oh! Sure, I know you won't hurt my daughter." sabi ni Mr. Eduardo.

"Hindi ko naisip na magiging magbalae pala tayo balang araw." si General Tuazon.

Tumawa ito. Pero si Mr. Eduardo. Halata paring gulat sa nangyari. Kaya mamaya ay magpapaliwanag si Bernadette rito.

***

Iniwan muna ni Justin si Bernadette sa tito at daddy niya para makausap pa nila ng mas matagal ang dalaga. Hinanap ni Justin ang kapatid para sabihin dito ang magandang nangyari sa kanya. Nakita niya ito sa fountain, naghuhulog ito ng bato sa tubig.

"Hey! Little Sis, where have you been?" si Justin at ginulo ang buhok ng kapatid.

"Nah! Kuya, don't do that. I'm not a kid anymore." Nakabisangot ito.

"By the way, Little Sis. Nagpaalam ako kay tito na liligawan ko si Bernadette." ngumiti si Justin at pinindot ang ilong ng kapatid. "And guess what, tito gave me permission."

"Ohs! Are you for real?" Pinagkrus nito ang braso sa harap ng dibdib. "Ahh! I get it. Kaya pala parang naiilang ka sa kanya no?" Tumango ito sa pagkakaupo sa gilid ng fountain. "It is because you like her." natatawang sabi ni Mandy. Tumango si Justin at napakamot sa ulo. "Don't worry, Kuya." Tinapik sa braso si Justin. "Boto ako kay Ate Berna. Tell me the story, why you like her."

"Little Sis, it's a very, very, very long story to tell you. I know, na madali kang mabored kapag may nagstory telling sayo." Umiling si Mandy.

"No, Kuya. For you, I can listen."

Naupo sila sa gilid ng fountain. Walang gaanong tao sa paligid. Dinig ang mga kuliglig. Dimlight lang kasi ang ilaw sa paligid at ikinwento niya kung paano nagsimula ang lahat,detail by detail.

"Does she know that you're the one who helped her?"

"No. Kasi hindi niya ako nakilala."

"Why don't you tell her?"

"Because before, sa tuwing makikita niya ako lumalayo siya. Kaya ngayon, medyo shocked ako nang kinausap niya ako." Then Justin paused and smiled.

"You know what? Noong umalis kami kanina, she kissed me." nangingiting sabi ni Justin.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon