Chapter 62

2.5K 56 0
                                    

A/N: Ehemm.. follow din, baka naman.

.......

"Bakit gusto mo akong makausap?" Seryusong tanong ni Bernadette.

Nasa isang restaurant sila ni Roxanne.

"Hmm.. I'm here because I want to apologized " may katabi itong batang lalaki.

"Really?"

Tumango si Roxanne.

"Bakit?  The Last time diba? Pinagbungangaan mo ako. Bakit nag iba ata ihip ng hangin at gumawa ka pa ng paraan para makahingi ng tawad sa akin. Seriously, ikaw ba iyan?" Nag smirk si Bernadette.

Hinawakan ni Roxanne ang kamay ni Bernadette.

"I know. I'm so bitch before. And ang dami rin ng nagawa kong kasalanan. Gusto ko lang naman mag sorry pati si Exequel "

Seryuso lang ang mukha ni Bernadette at bumaling ang tingin sa batang lalaki na kumakain nang desert.

"Your son?"

Tumango si Roxanne.

"He is four years old and si Exequel ang papa niya" nahihiyang sabi ni Roxanne.

What do you expect pa? Malamang na si Exequel ang ama nito.

"Iyon lang ba ang sasabihin mo."

Tumayo si Bernadette. Akmang maglalakad na si Bernadette. Kaso pinigilan siya ni Roxanne.

"Berna, gusto ka kasing makausap ni Exequel ng personal" nahihiyang sabi ni Roxanne.

Tinignan lang ito ni Bernadette.

***********

Ngayon nasa kulungan na sila. Mga mayayaman at malalaki ang kaso ang mga nakakulong dito. Napapayag din kasi siya ni Roxanne.

Ilang minuto na silang nagtitigan ni Exequel at mukhang walang balak mag salita si Exequel.

"Ano? Magtitigan lang tayo rito?" Taray na sabi ni Bernadette.

Napakurap si Exequel.

"Ay! Sorry Bernadette. Parang hindi kasi ikaw ang nasa harap ko" nahihiyang ngumiti ang binata.

Umirap lang si Bernadette.

Nagbago kasi siya ng hairstyle. Apple cut na may pagka layer then nag pa highlight pa siya ng buhok, kulay Flowery red ombre. Kaya kung makikita siya ng mga kakilala niya rito sa Pilipinas sa unang tingin hindi siya makikilala. Lalo siyang pumuti kasi nag stay siya sa U.S ng limang taon. Kaya siya ngayon nasa Pinas, dahil wedding anniversary ni John.

Hindi nga niya expect kasi ayaw nga ni John kay Alysa. Pero nagulat siya ng malaman na si John pa ang nag makaawa na ituloy ang kasal.

"Bernadette, alam ko na hindi sapat ang ilang sorry para mapatawad mo ko. Pero gusto ko parin sabihin." Hinawakan ni Exequel ang kamay ni Bernadette.

"Bernadette, sorry sa lahat. And I just wanna thank you rin. Dahil nakilala kita at binago mo ako ng dahil sa pagmamahal mo."

Ngumiti si Bernadette at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Exequel.

"Matagal na kitang napatawad sa mga ginawa mo. Pero kailangan mo parin pagbayaran ang kasalanan mo"

Tumango si Exequel.

"Kumusta naman kayo ni Roxanne?"

"We are good. And She said our child is intelligent. Sa murang edad niya lagi siyang first honor sa klase. Nakakalungkot nga ehh. Hindi ko siya madalas nakikita" napabuntong si Exequel

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon