Chapter 50

2.6K 48 1
                                        

A/N: last for today at sana matino ulit phone ko para makapag update ulit ako hehe.

..........

"Baby, sorry na!"sabi ni Justin.

Kanina pa nagmamakaawang pansinin siya ni Bernadette. Magakasama sila ngayon, pero ayaw ni Bernadette na kasama siya. Si Justin lang ang nag pumilit kasi si Mandy. Kailangan nang umuwi sa San Agustin, dahil tinawagan ito nang daddy nila na uuwi na nang Hacienda. Dinamdam kasi nito ang pagpisil niya sa pisnge nito.Hindi naman malakas ang pagpisil niya. Napakamot siya sa ulo. Namamasyal sila ngayon sa bayan. May program kasi ngayon dito.

"Mga kababayan kong taga San Felipe, alam ko'y inip na inip na kayo sa paghihintay. Kaya hito na at ating simulan ang programa." Sabi ng Host nang program.

Masaya ang mga tao nang San Felipe dahil sa Fiesta nang Filipino Foods.
Kaya may malaki at mahabang mesa. May iba't ibang uri nang pagkain. Tulad nang Adobo, menudo, mechado, sinigang ( manok, baka at etc ), Paksiw ( isda, manok at etc), mga pagkaing kakanin at marami pang iba. Maging mga prutas at gulay na dito lang sa Pilipinas matatagpuan.

"Baby! Sorry na "

Hindi pinapansin ng dalaga si Justin. Tanging si Mandy at ang aso nitong si Saito ang gustong kasama.

Kumakain nang chocolate ang dalaga at binibigyan si Saito. Samantalang siya hindi magawang alukin.

Hay!! Abnormal talaga.

"Ready na kayo, ang palaro natin ay padamihan nang pagkain nang Kalamay. Isang kilong kalamay na walang inom- inom nang tubig. Ano?? Sino ang kakasa ba kayo mga kababayan??"

Nakatingin lang si Bernadette sa nagsasalita na host habang kumakain nang chocolate para nga hindi siya nakikita nito.

"Please, Baby! I can do any thing for you. Just please forgive me. Hindi na mauulit "

Sa totoo lang nagmumukha nang tanga si Justin, dahil para siyang nakikipag usap sa hangin. Pinagtitinginan na nga siya nang mga tao lalo na mga babae. Biglang nagliwanag ang mukha ni Bernadette sa narinig sa host. Ngumisi ang dalaga na parang may bina banabalak na masama.

"Are you willing to do something for my forgiveness?"

Nagulat si Justin at napabuntong hininga.

"Thanks to Father in Heaven, kinausap mo na ako, Baby. Any thing baby, gagawin ko para sayo "

Hay! Kailangan ko itong gawin para sa baby namin ni Bernadette. Ano kaya kalalabasan ng magiging anak namin? Kakaiba kasi maglihi ang baby ko.

"Ayaw mo ata?? Wag na lang. Hindi talaga tayo bati saka yong manga na may nunal na star na saan na sabi mo kukuha mo ko?" Inis na sabi ni Bernadette.

Sa panunuyo niya kay Bernadette nakalimutan na niya kumuha.

"Mamaya na lang pag-uwi natin Baby. Sabihin mo na ang gagawin ko para patawarin mo na ako?"

"Hmm.. Sumali ka sa palaro"

"Bernadette at Justin" tawag ni Johny sa kanila.

Lumapit ang binata sa kanila. Kaya napasimangot si Justin. Mukhang pinaglilihian ata ito ng dalaga.

"Johny.. Pakurot sa pwet mo. Ang cute kasi ehh " parang bata na kinikilig si Bernadette habang sinasabi ito.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon