Chapter 2

5.5K 94 8
                                    

"Mukha namang mabait siya, 'no?" sabi ni Bernadette. Halos malapit na sila sa bahay kubo nila Bernadette. Ang bahay nila Bernadette ay halos napapalibutan ng palayan at mga puno. Kaya sariwa ang hangin.

"Ewan!" si Andy at nagkibit-balikat.

"Sabagay kung hindi,sana ay hindi na tayo hinintuan noon, 'di ba?" si Allan. Nasa tapat na sila ng bahay nila Bernadette. Nagsisibak ng panggatong si Marvin. Pangalawa sa bunso na kapatid ni Bernadette. Nag-iisa itong lalaki sa kanilang magkakapatid. 11 years old na ito. Gwapo ito, pero moreno. Halos lahat silang magkakapatid ay parehas ng kulay.

"Sige, una na kami." paalam ng magpinsan.

"Sige, ingat!" Magkakalayo ang bahay nila sa lugar nila. Ilang kilometers ang agwat.

************

"Si mama at sina ate?" tanong ni Bernadette.

"Si Ate Clarissa 'naghuhugas sa loob. Si Ate Mercy 'nagluluto. Kaya nagsisibak nga ako eh!" natatawang sabi ni Marvin. Pawis na pawis na ito.

"Ok lang 'yan! Dalian mo na riyan, baka pagalitan ka pa nila ate." nangingiting sabi ni Bernadette.

Pumasok na siya sa loob. Nakita niya ang bunsong kapatid na si Melodia. Naglalaro ito ng halaman, 'tapos ay tinutuhog sa stick. Cute ito,morena, 5 years old na ito.

"Hello, bunso!" bati niya rito. Busy ito kaya hindi siya pinansin.

"O! Nandyan na pala ang layas kong kapatid." sabi ni Clarissa.

Panganay sa limang magkakapatid.Morena pero maganda. Wala pa itong asawa kahit 25 years old na. Nag-aaral ito sa bayan. Graduating na sa college. Nangiti lang si Bernadette at napakamot.

"Mamaya ay hugasan mo ang mga pinggan, ha!" si Mercy.

Pangalawa sa panganay. pakikay itong pumorma. KPop lover kasi. Morena ito pero maganda. 20 years old, 3rd year college na kung saan nag-aaral si Clarissa.

"Opo, ate!"

 "Bernadette, nakita mo ba sa bukid ang papa mo?" ang mama niya. Kagagaling lang sa likod bahay.

May dala itong mga sinampay na damit. Mina,ulirang may bahay. Hindi ito nakatapos nang pag-aaral. Dahil mahirap lang angpamilya nito. Maganda ito pero morena, 43 years old na.

"Hindi po, Ma." at nagmano. "Sabi kasi ng papa mo ay uuwi siya sa tanghali para dito sabahay kumain." halatang nag-aalala ito sa  asawa.

"Mama talaga! Miss agad si papa. Uuwi rin po 'yon." nakangiting sabi ni Bernadette at niyakap ang mama niya. 

.......................................................

Pumunta si Mario sa hacienda ng mga Tuazon para makabale sana. Mag-aaral na kasi sa college si Bernadette. Kailangan niya ng pera para pang-enroll. Biglang may narinig si Mario na nagagalit.

"Ilang beses na kitang pinagbigyan! Puro sa susunod na lang ang bayad. Sobrang laki na ng interest na binigay ko sayo, di ba? At hindi mo mabayaran." halata sa boses nito na galit.

"Eh! General Tuazon, hindi pa nga po ako makakabayad. Bigyan niyo pa po sana ako ng palugid." pagmamakaawa ng isang magsasaka. Lumapit sa may gate si Mario para mas lalong marinig ang pag-uusap. Pero tago siya. "Hindi na! Ilang beses nakitang pinagbigyan." inis nito. "Shoot him." sabi ni General Tuazon.

Biglang may narinig na putok si Mario. Bigla siyang kinabahan. Nagtatakbo siya palayo sa hacienda.

"Tignan niyo sa labas, may nakakita!!." hiyaw ni General Tuazon.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon