Chapter 56

2.4K 47 7
                                    

Nagising si Bernadette ng may nagbuhos sa kaniya ng malamig na tubig. Tatayo sana siya kaso nakatali ang mga paa at kamay. Kaya umupo na lang siya.

"Long time no see, Ms. Bernadette Beltran!" Si Yukoi.

Nag angat ng tingin si Bernadette rito.

"Yu-Koi"

"Yes, Dear " sabi ni Yukoi saka biglang sinampal ang dalaga. Napasubsob ito.

"So happy to know that you still remember me"nakangisi na sabi nito.

"YES, Because of your ugly face"

Dinama ni Bernadette ang pinge na nagkulay violet dahil sa pasa sa lakas ng pagkakasampal nito.

"PAKAWALAN MO KO RITO!!" nagpupumiglas si Bernadette at ang sama ng tingin sa matanda.

"BAKIT KO GAGAWIN IYON HA?? MATAPOS NINYONG SIRAIN ANG PLANO KO AT NALUGI ANG NEGOSYO KO, DAHIL SA KAGAGAWAN NINYO!"

Sinampal siya ulit nito.

"Nararapat lang iyon, dahil labag sa batas ang negosyo mo "

Hinawakan ni Yukoi sa panga si Bernadette ng mahigpit.

"I want to kill you now? Pero sabi sakin ni Partner huwag muna kasi magagamit ka pa namin" marahas na binitawan ang mukha ni Bernadette.

Pinukulan ng masamang tingin ni Bernadette si Yukoi na nakangisi.

"Kung ano man ang gagawin ninyo. Hindi kayo magtatagumpay!"

Sinampal ulit ni Yukoi ang dalaga. Tiyak na mamamaga ang mukha niya.

"Well let see. Kaya mo bang idamay ang mahal mo sa buhay" nagkangiting nakakaluko si Yukoi.

"Pasok ninyo iyan"

Nanlaki ang mata ni Bernadette ng makita si Justin na puro pasa ang mukha at katawan. Gula-gulanit din ang damit at pang-ibaba nito.

"J-Justin" nangilid na ang luha ni Bernadette pagkakita kay Justin na nanghihina na.

Hinagis si Justin sa tabi ng dalaga. Nakagapos din ito tulad ng sa kaniya. Linapitan niya ito.

"Baby, wake up. " hagulgol ni Bernadette.

Naaawa siya sa lagay nang binata.

Binuhusan ng malamig na tubig kaya nagising si Justin. Napadako agad ang tingin sa kaniya.

"B-Baby." hirap na sabi nito.

"Baby, bakit ka nandito rin?" Tanong ni Bernadette

"To save you. Tinawagan kasi kita. Tapos iba nakasagot. Kaya sobrang nag alala ako sayo"

Pagkatapos ng tawag niya kay Bernadette. Binilinan lang niya si Macmac na bantayan ang kapatid saka agad na umalis. Trinack niya ang huling location ng tawag.

Nakita niya sa isang parking lot ng restaurant. Pinuntahan agad niya iyon at chineck ang CCTV. Nakita niya sinakay si Bernadette sa isang kotse.

Naalala ni Justin one time matapos nilang magtalik ni Bernadette. Naglagay siya ng tracking device sa CP nito na hindi mahahalata kasi super liit nito.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon