Chapter 47

2.4K 55 0
                                    

Kahit napagod sila ni Justin sa ginawa nila. Hindi pa rin sila makatulog.

"Baby" sabi ni Justin.

Nakahilig ang ulo ng binata sa ibawbaw ng dibdib ni Bernadette habang sinusuklay ang buhok ni Justin.

"Hmm "

"Don't leave me ha!"  At hinaplos ang pisnge ni Bernadette.

Tumingala si Justin kay Bernadette. Kaya nagkasalubong ang mga mata nila.

"Alam mo! Nagpapasalamat ako sa Ama kasi dumating ka sa buhay ko " Hinalikan ni Justin ang leeg ni Bernadette at kinagat.

Hinawakan ng binata ang kanang kamay ni Bernadette at dinala sa labi ng binata.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala ka pa sakin "

Sinandal ng binata ang noo, sa noo ni Bernadette.

"Matagal kitang hinanap at hinintay. Hindi ko na makakaya kong mawala ka pa "

"Hinintay? What do you mean? Baby "

Nagtaka kasi si Bernadette. Matagal naghintay sa kanya ang binata?

"Siguro, this is the right time for telling you the truth " huminga ng malalim ang binata.

Tumayo saglit ang binata. May kinuha ito sa wallet at saka bumalik sa kama.

"Baby, noong gabi na may tama ka nang bala. Nakita kita sa kalsada na nakahiga. First, I thought na nabangga kita pero bago ka mabangga ng kotse ko bumagsak kana sa kalsada. Agad akong bumaba non, para tignan kong sino yong nahimatay? Tapos ikaw pala iyon. Natakot ako ng hindi ko alam. Samantalang hindi pa kita kilala. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan ka. Dinala kita sa mansion. Tapos hinintay ko na gumising ka para tanungin, bakit ka may tama nang bala? At siyempre makilala kita "
Kwento ni Justin.

Si Bernadette speechless. Yong taong tumulong pala sa kaniya ay si Justin. Sino mag aakala na sa umpisa palang kilala na siya nito.

"Pero isang linggo ka na na tulog. Tapos nagpahinga lang ako saglit dahil sa pagod tapos pag gising ko pinuntahan kita agad sa kwarto, kaso wala kana."

Pinakita ni Justin ang kwintas ni Bernadette na gift ng papa niya na matagal niyang hinanap. Binigay sa kanya ng binata ang kwintas.

"At this necklace, ang naiwan. Lagi ko lang dala ito in case na makita kita ulit. To be honest. I have never expected na makita kita ulit. Kasi sa tuwing nakikita kita. Bigla ka na lang mawawala. Tapos kahit nasa malayo ka nararamdaman ko pa rin ang presensiya mo " At natawa. "Sounds funny right?"dagdag ni Justin.

Hindi mapigilan ni Bernadette na mapaluha, dahil na alala niya ang pamilya niya at ang nangyari ng gabi na iyon sa mismong kaarawan niya.

"Bago nangyari na makita kita sa kalsada ng gabi na iyon. Ako yong muntik ng makabangga sayo "

Saka na realized ni Bernadette na parang pamilyar nga si Justin sa binata na muntik na nakabangga sa kanya. Na nagpabilis ng tibok ng puso niya ng araw na iyon.

"Unang beses pa lang kita nakita. Minahal na ata kita. Naiinis ako na may nakahawak sa iyong lalaki " nag kibit balikat. "And is so strange, kasi my girlfriend ako during that time. Nung nalaman ko na magkaklase tayo noong college ang saya ko, pero nawala yon nang hindi mo ko pinapansin. Kahit gumawa na ako ng paraan. Kahit nagmukha akong tanga " natawa ang binata ng maalala.

Habang tumutogtog ang 'twerk it like Mikey 'na kanta. Sumayaw si Justin sa harapan.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon