Chapter 4

4.5K 69 0
                                    

Iyak parin ng iyak si Bernadette. Hindi niya lubos na matanggap ang sinapit ng pamilya niya. Mismo sa araw na pinakaimportante sa kanya nangyari ang bangungot ng buhay niya.Hinahagod ni Allan ang likod niya para aluin.

"Ano bang nangyari? Bago masunog ang bahay niyo?" tanong ni Allan.

"Tulog na sila mama, papa, at mga kapatid ko. Ako na lang ang hindi pa. Nang may narinig akong kaluskos. Tapos may nanloob sa amin. Tinakas ko sina Marvin at Melodia.Nakita ko kung paano nila pinatay ang mga magulang ko."

Humagulgol na naman siya, halos hindi siya makahinga sa sobrang bigat ng dibdib niya.

"Hindi lang nila pinatay ang pamilya ko. Ginahasa pa nila si mama at mga ate ko. Mga demonyo sila. Nagmamakaawa sina mama. Hindi nila pinakikinggan." huminga ng malalim ang dalaga.

"Gusto ko silang tulungan kaso wala akong magawa. Baka kasi patayin din kami nila Marvin."

"Nasaan na sina Marvin at Melodia?" inabutan niya ng tubig si Bernadette na agad naman nitong tinungga.

"Isa pa nga sa pinoproblema ko.Iniwan ko sila para humingi ng tulong. Kaso paggising ko, nasa loob na ako ng isang malaking kwarto. Mukhang may tumulong sa akin. Nabaril kasi ako sa braso." ipinakita niya na may takip pa ito.

"Ano plano mo ngayon? Mukhang delikado ang buhay mo ngayon. Nakita ka ba ng mga pumatay sa magulang mo at kapatid?" tanong ni Allan.

"Hindi ko alam, Allan... Basta tumakbo na lang kami. Nang malaman nilang may nakakita sa kanila." medyo humupa na ang emosyon ni Bernadette. Ang kahinaan talaga niya ay ang pamilya niya.

"Dumito ka muna... Hanggat wala pang balita sa mga kapatid mo." sabi ni Allan. Niyakap ni Allansi Bernadette. "Tutulungan kita. 'Wag kang mag-alala."


.......................................


"Bakit kaya umalis ang babae na iyon? Hindi pa nga siya magaling. Mamaya ay mapahamak siya." iyan ang iniisip ni Justin habang nagmamaneho papuntang hacienda. May nadaanan siyang pinagkakaguluhan. Ipinarada niya muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada upang tignan kung ano'ng meron.

"Kawawa naman sina Mina, ano? Nasunog pa ang bahay nila." sabi ng isang babae.

"Oo nga! Napakabait pa naman nilang tao." sabi pa ng isang babae.

"Nakaligtas ba sila sa sunog?" tanong ng isa pa.

"Hindi namin alam, basta nakita na lang naming sunog na."

Nakakapanlumo ang itsura ng bahay. Saka kawawa naman iyong pamilyang nakatira rito. Agad na siyang umalis. Pagdating niya ng hacienda, sinalubong agad siya ng maid. May dalang payong ang isa. At iyong pangalawa, pamaypay na malaki.

"No need na po!" nakangiting sabi ni Justin sa mga ito.

Trinatrato niya kasing parang kaibigan lang ang mga katulong dito. Hindi siya nangmamata ng tao.

"Hey! Son." niyakap siya ng daddy niya.

"Kumusta, Dad!" nakangiting sabi ni Justin. Nagtungo sila sa garden.Puro bulaklak at halaman ito.

"I'm good, son. Ehh, ikaw, kumusta?"

"I'm fine, Dad."

Only child lang si Justin Tuazon,18 years old na siya. Wala na ang mommy niya. Sabi kasi ng dad niya ay pagkapanganak palang, binawian na ito ng buhay. Kaya sila lang ang magkasama ng dad niya. Si General Juaquin Tuazon ang ama niya, sobrang strict nito.

"Nelda, ilabas mo nga rito si Mandy." utos ni General Tuazon. Naguguluhan si Justin. Sinong Mandy?

"Ito na po, señorito."

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon