"Kuya! Play tayo?" tanong ni Mandy. Nandito siya ngayon sa San Agustin.
"O sige." at lumapit sa kapatid.
Yes, he treats Mandy as his real little sister. Naglaro sila ng Si Quali Hindu Pa Tempe Reket Si. 9 years old na si Mandy. Pero may pagkachildish pa, spoiled kasi ng daddy niya. Lagi siyang napaparusahan.Magkadikit ang dalawang kamay ni Justin at magkabila itong hinahampas ni Mandy. Paano siya mananalo, eh hindi nga niya alam kung paano laruin ito.Kahit siguro dinadaya na siya ay wala siyang alam.Namumula na ang mga kamay niya.
"Where did you learn that kind of game?" tanong ni Justin.
Nasa garden sila ngayon dahil relax dito.
"Hmm. I don't know, Kuya. Basta alam ko lang."
Nalaman ni Justin na natrauma ang bata kaya nagkaamnesia.Ito ang sinabi ng psychologist na tumingin kay Mandy. Dahil sa trauma na naranasan ng bata, nagkaamnesia ito.Parang binura ng utak niya ang mga nakita niya o naranasan.
"Oh! I see." nakangiting sabi ni Justin. Tumakbo si Mandy papasok sa loob ng bahay. Siya naman ay naiwang nakangiti. Mandy is a blessing for the Tuazon Family. Simula kasi ng dumating ito sa buhay nila. Naging masayahin na ang daddy niya.
..............................................
Five years later..
Sa loob ng limang taong pamamalagi nila Bernadette sa US. Ngayon ay uuwi na siya ng Pinas. Bumaba siya galing sa privateplane ng papa niya.
"Hello, Philippines. I am back." nakangiting sabi ni Bernadette.
Kabababa lang niya, isinasayaw pa ng hangin ang buhok niya. Medyo wavy ito ngayon dahil nagpasalon muna siya bago magbiyahe. At tinanggal niya ang sunglasses. Inalalayan ng mga bodyguards si Mr. Beltran na makaupo sa wheelchair. Naging tagumpay ang heart transplant nito kaya kasama niya pa ngayon ang papa niya. Dalawang taon pa lang sila sa U.S. ay tapos na ang operation ng papa niya. Ngunit pinagbawalan muna ito ng mga doctors na magbiyahe. Kaya nagstay muna sila for a while. Hindi sumama si Exequel sa kanila pero dumadalaw ito, 1 week in months. Busy kasi ito sa negosyo. After makagraduate kasi ay agad na umalis papuntang State sina Bernadette.
Nagkakagulo ngayon sa Beltran Airport dahil may hostage taking. Ang hostage taker ay may hawak na batang babae na umiiyak. Nakatutok ang baril nito sa ulo ng bata.
"Sir! Put your gun down." mahinahon na sabi ni Justin.
Head kasi siya operation ngayon. He is now SPO2 Justin Tuazon. Dahil sa maganda ang performance niya sa trabaho ay agad siyang napaangat sa serbisyo. Nasa Bertran Airport sila, pagmamay-ari ito ng kapatid ni Mr. Eduardo.
"Sir! Maawa ka naman sa bata! Hindi mo ba naiisip 'yong anak mo? Tapos 'gawin sa kanya iyong ginagawa mo sa batang iyan?" pagkonsensya niya dito. Effective naman kaya? Naiyak ang hostage taker. "Kaya ko lang naman ito ginagawa, dahil sa mga anak ko." humahagulgol na ito.
Ang pangit umiyak. Akala ni Justin ay susuko na ito ngunit akmang ipuputok na nito ang baril sa bata nang biglang may lumapit na magandang babae na nakafull black na suot. Mahaba ang buhok, medyo wavy. Maganda ito pero morena. Dahan-dahang lumapit sa hostage taker.
"Pero kung hindi niyo ibibigay ang gusto ko, papa-" naputol ang pagsasalita nito ng sinipa ng babae sa batok.
Natumba ang hostage taker. Biglang nawala ang babae. Agad na pinuntahan ng bata ang ina para yakapin. Parang naiinggit siya. Dahil ni minsan ay hindi niya naranasang magka-ina.
"Men! Tignan niyo nga ang pulso ng mokong na ito, at mamaya natuluyan iyan noong babae." utos ni Justin.
Babae talaga? Kunwari pa? Kilala naman niya kung sino.
BINABASA MO ANG
MARIA BERNADETTE ALCANTARA
General FictionPlagiarism is a crime. Be unique. Credit to the owner of photo I used for book cover. Hindi ko mahanap name. Natakpan kasi sa history.