Chapter 12

3K 64 0
                                    

["Honey, by next week free ako. Pupunta na lang ako sa US para dalawin ka. I really, really miss you." ]sabi ni Exequel.

Nasa kabilang linya ito. Pumunta ngayon si Bernadette sa office ni Exequel to surprise him. Nasa hallway na siya at medyo malapit-lapit na.

"Ano kaya ang magiging reaksyon niya?"naisip ni Bernadette kaya natawa siya.

["Hon, why are you laughing? Pinagtatawanan mo ba akong namimis kita?" ]

Halata na nagtatampo ito.Medyo napalakas kasi ang tawa niya.

["Honey, kainis ka."] patampo kunwaring sabi ni Exequel.

Break time niya ngayon.Since ayaw niyang maglunch, tinawagan na lang niya si Bernadette. Nakatayo siya at nakaharap sa salamin. Biglang may yumakap sa likod niya. Nagulat siya. Babaklasin niya dapat ang mga braso nito. Ngunit pagharap niya dito, siya na ang naghigpit ng yakap dito. Umupo siya sa kanyang swivel chair. Umupo naman ito sa kandungan niya, sabay halik ng mapusok. Mga ilang minuto bago sila naghiwalay.Medyo hingal silang pareho.

"Kainis ka. Kailan ka pa umuwi? Hindi mo man lang sinabi sakin." Yumakap si Bernadette sa leeg nito.

"Honey, it's a surprise. Paano magiging surprise kung sinabi ko sayo, diba?"

Kinagat nito ang kanang tenga ni Exequel. Niyakap niya ng mahigpit si Bernadette.

"I love you, Honey. Miss na miss kita talaga."

Hinawakan ng dalawang kamay ni Bernadette ang mukha ni Exequel at pinaghahalikan ito at nagtagal sa labi.

"Miss ko talaga lips mo, Honey." At nagpouty lips. Nangiti si Exequel.

Bago niya makalimutan ang surprise sa dalaga, kinuha niya sa bulsa ang box.

"Ahmm... Bernadette." Nageye to eye contact sila.

"Yes?" At pinisil ang Ilong niya.

"You know? I love you more than my life, right?"

Tumango si Bernadette.

"Ahmm... Honey, alam ko hindi ako perfect na tao at alam mo iyan. Kahit minsan nagkakatampuhan tayo pero hindi naging way iyon para maghiwalay tayo. Ito pa nga ang nagpatibay sa ating relasyon."

At bumuntong hininga. Saka inilabas ang box na may singsing sa loob.

"Ms.Maria Bernadette Beltran. I want to change your name to Mrs. Maria Bernadette Beltran Martinez. Honey, will you be my wife?"nakangiting tanongni Exequel.

Naiyak si Bernadette at niyakap siya.

"Yes, honey." Isinuot ni Exequel ang singsing kay Bernadette at pinahid ang mga luha nito sa mata. Saka buong pusong hinalikan. Hindi man bongga ang pagpopropose ni Exequel ay kinakabahan na siya.

"I love you, Honey." sabi ni Bernadette at niyakap si Exequel.

"I love you too, Honey."

......................................................

"Kuya!" sigaw ni Mandy kay Justin. Nakapamewang ito.

"Yes, little Sis?"

Nasa beach sila ngayon ng San Agustin para asikasuhin ang birthday party niya.

"Yes lang talaga? Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko? Nandito ka na ba? O nasa Manila ka pa?" Nakataas ang kilay nito.

Halatang inis kanina pa dahil salita ng salita si Mandy pero sadyang iyong utak niya ay naliligaw.

Nakita kasi niyang muli ang dalaga matapos ang ilang taon.Marami na'ng nagbago sa dalaga, mas lalo itong gumanda. Noong college pa siya ay gumagawa siya ng paraan para mapalapit dito. Ngunit kapag nakikita siya nito ay biglang nawawala ang ngiti nito at lalayo sa kanya. Lalo siyang nawalan ng pag-asa na makilala ito sapagkat nakita niyang may kasama lagi itong lalaki at hindi pa niya kasundo kahit kadugo niya. Ayaw kasi niya ng ugali nito. Pero simula ng maging kasintahan ni Exequel iyong dalaga na gusto niyang makilala ay biglang nagbago ito. Pero malayo parin talaga ang loob niya rito.

"Sorry, little Sis. May inisip lang ako."

At ginulo ang buhok ni Mandy. Lumaking magandang dalaga si Mandy. Morena pero maganda at sexy ito.Model din ang dalaga.

"Love problem, 'no?"nangingiting tanong ni Mandy.

"No, little Sis." At ngumiti.

"Oh,ok. Kuya, do you know Maria Bernadette Beltran? Tito Eduardo's daughter?"

"Hmm.Yes, little Sis."

"Invited ba sila?"

"Of course, little Sis. Dad's bestfriend is Tito Eduardo. So Maria Bernadette is invited too."

Parang gusto na niyang pabilisin ang oras para birthday na niya agad. Gusto niya kasiitong makilala.And he hopes na hindi na nito karelasyon ang pinsan niya.

"Oh! Really? I'm so excited to see her! You know what? She is so hot and cool."

Alam iyon ni Justin dahil meron nga siyang mga picture nito. Even in college ay palihim niyaitong kinukuhanan ng picture. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa ang mga ito na maging parang stalker ng dalaga. Pero noon iyon. Nadala na kasi si Justin dahil sa panloloko ni Roxanne. Baka masaktan na naman siya dahil sa pag-ibig. He admits that he liked her. Wala siyang list na sinusunod para maattract sa isang babae. Sabi nga ng iba.

"Kapag nagmahal ka, tatanggapin mo kung ano siya."

"And Kuya, car racer din po siya."

May dumating na delivery boy at lumapit sa kanila.

"Sir, kayo po ba si Justin Tuazon?" tanong nito.

"Yes, ako nga. Hmm... Who is the sender?"

"Hindi ko po alam. Basta pasign na lang po."

Matapos pumirma ay agad na umalis ang delivery boy. Isang maliit na box, kulay black ang balot. May nakalagay sa ibabaw ng box na

"happy birthday"

"Kanino galling, kuya?" Kinalog niya ang box. "Hindi ko alam."

"Open it, Kuya. Baka mamaya 'bomb iyan."

" I think hindi. Kung sino man ang nagpadala, thanks"

***

Nasa likod ng puno ng niyog si Allan at nakatingin kina Justin.

"Bernadette, nagawa ko na." Si Allan ang delivery boy.

"Oh good, thanks." sagot ni Bernadette na nasa kabilang linya.

"Ano ba pinaplano mo? At ano ba laman noon?"

"Chill. Necklace iyon na may tracking device para malalaman ko ang galaw niya. And nakaconnect din sa watch mo para kapag may ipagagawa ako sayo, madali mong malalaman kung nasaan siya." paliwag ni Bernadette.

At narinig pa niyaitong tumawa. Nailing na lang siya. Maganda naman ang plano ni Bernadette. Saka may bayad naman ang pagsunod niya dito.

..................................................................

Nasa hideout si Bernadette ngayon.

"Anyway, Allan. Ano ng balita sa paghahanap mo kina Marvin at Melodia?"sabi ni Bernadette.

Nakaupo siya sa kanyang swivel chair. Chinecheck niya iyong tracking device kung binuksan na ba ng binata ang regalo.

"Wala pa, Bernadette."

Hay, miss na talaga niya ang mga kapatid.

"Allan, binuksan na ba ni Justin ang regalo?" Hindi kasi madetect ni Bernadette.

"Nope. Pero tinago niya." Habang nakamasid kina Justin. Nakikipagharutan ito sa kapatid na babae.

"Hindi ba naghinala?"

"Hindi naman. Sige, may aasikasuhin pa kong iba. Mag-iingat ka, ha?" Allan is a caring bestfriend.

"Oh! Thanks, Ikaw rin, ingat." At pinatay na ang cellphone.

........................................................................................................................................................

A/N:comment po kayo para malaman ko po yong feed back. Kung maganda ba ang story ko?

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon