Chapter 6

3.9K 81 0
                                    

Maagang nagising si Bernadette para maghanda sa pagbiyahe papuntang Manila. Wala mang kasiguraduhan ang gagawin niya. Kailangan pa rin niyang makipagsapalaran.

"Salamat sa naitulong mo, Allan. Babawi ako sayo."

Akmang lalabas na ng bahay nang dumating galing sa labas si Aling Tinay, nanay ni Andy.

"Hay! Buti naman, aalis kana at mababawasan na ang palamunin."

Umiinom ito ng gin at galing sugalan, hindi ito umuwi kagabi. Yumuko si Bernadette. Alam naman niyang pabigat siya. Siguro ay kung may kamag-anak sila rito, kaso wala kaya kahit paringgan siya ni Aling Tinay ayinilalabas na lang niya sa kabilang tenga.

"Salamat po sa pagpapatira." Magmamano sana si Bernadette nang iiwas nito ang kamay.

"Umalis kana at naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo." at tumungga ng gin bilog.

"Sige, Allan. Alis na ko. Salamat ulit." sabi ni Bernadette.

"Mag-iingat ka doon."

"Hayaan mo, kapag nagkapera nako ay babayaran ko lahat ng nagastos mo sakin." nakangiting sabi ni Bernadette at niyakap si Allan.

"Sus! Wala iyon." Umalis na si Bernadette at habang nasa biyahe ay natulog muna siya. Hindi kasi siya nakatulog sa kakaisip kagabi.

..................................................

"Ouch! Ahh, headache." Pagbangon ni Justin.

Biglang sumakit ang ulo niya dahil sa hangover. Nakadaming beer kasi kagabi. Pumasok siya sa shower at naligo para mapreskuhan siya. Hindi na nga niya masyadong tinatawagan si Roxanne dahil palaging nasa isip niya ay ang dalaga. Gusto niya talaga itong makita, aminin man niya o hindi. Kahit hindi ito tumutugon kapag hinahalikan niya. Iba pariniyong pakiramdam niya kapag nakalapat ang labi niya sa labi nito. Iyong tipo na nalulunod sa sobrang ligaya.

"Nasaan ka na ba? I really miss her at mababaliw na ako sa kakahanap sa kanya.

May something sa dalaga na hindi niya malaman kung ano. Pwede kayang in love siya dito, pero hindi pwede at may Roxanne na siya. Hindi siya chickboy or fuckboy. He chooses his woman carefully, pero bakit pagdating sa dalaga. Mas pipiliin pa niyang tawaging chickboy. Iyong tipong masama pero nagiging tama.

.......................................................

Nangmakarating si Bernadette sa Manila, nalula siya sa taas ng mga buildings dito. Wala nang mga puno.Maraming sasakyan at LRT.

"Woah!"

Halos manganga si Bernadette. Limang taon siya ng makapunta siya dito. Namili kasi sila ng ate niya ng gamit pangschool.

"Kailangan ko nang magsimula."

Biglang kumulo ang tiyan.

"Hay! Gutom nako."

napahawak siya sa tiyan. Kabababa lang niya sa terminal. Habang nagmumuni-muniay nagulat na lang siya nang hablutin ang bag niya.

"Hoy! 'Yong bag kooo!"

Itinakbo ito ni Bernadette kahit na magmukhang tanga. Kailangan niya ang bag niya. Nandoon kasi ang pera na ibinigay sa kanya ni Allan. Hindi na niya ito nahabo.

"Hay! Unang araw ko pa lang dito. Puro kamalasan na..."napabuntong-hininga ang dalaga. Wala na siyang nagawa. Naglakad-lakad na lang siya. Kinapa niya ang bulsa niya, 5 pesos lang ang pera niya. Ito na lang ang pera niya.

Bukod sa nakaT-shirt na black at pantalon, nakaConverse na black. Napabuntong-hininga ulit siya. Kumulo ang tiyan niya. Nagwawala na ang mga alaga niya. Kung kamalasan lang, nilubos na talaga kay Bernadette. Nang may madaanan na tindahan, bumili siya ng Yahoo Biscuit na mga tatlong piraso at ice water na pantawid-gutom na rin. Nagsimula na ulit siyang maglakad-lakad at gumabi na rin.

Tanong: saan siya matutulog?

"Hay!" napabunton- hininga ulit siya.

Napahinto siya sa isang bahay. Nakasarado ang pintuan nito at may nakita siyang karton, humiga siya roon at pinilit na matulog. Kahit hindi kumportable dahil malamok! Parang automatic ang kamay niya, agad na nararamdaman ang lamok na dumadapo sa kanya. Kaya napapatay niya ito. Panigurado kinabukasan ay puro siya pantal! Kamalasan naman oo!

********

Kinabukasan, nagising siya sa amoy ng caldereta at naramdaman niyang nasa malambot siyang single bed. Ang pagkakatanda niya ay nasa labas siya ng isang bahay na sarado. Napabalikwas siya sa kama. Sinundan niya ang amoy ng nilulutong ulam. Nakita niya ang isang ginang. Maganda ang pangangatawan nito pero halatarin na matanda na ito. Mga nasa 40 or 50 na. Lumingon ang matanda at maganda ito, maamo ang mukha at halatang mabait.

"Upo ka, Hija." nakangiting sabi nito.

Tumalima naman si Bernadette. Bigla siyang natakam sa nakahain. Kahapon kasi ay Yahoo Biscuit lang at ice water ang laman ng tiyan niya, nagrereklamo na naman ito. Natawa ang ginang, nakakahiya.

"Sige na! Kain kana, nakita kasi kita sa labas ng bahay. Pagkauwi ko, nagpatulong akong ipasok ka sa loob. Saka 'wag kang mag-alala, mabuti akong tao." ang lambing ng boses nito. Naalala niya tuloy ang mama niya. "Salamat po.  Ano nga po pala ang pangalan niyo?" tanong ni Bernadette.

Nagsimulang lantakin ang pagkain, halos magkandaubo-ubo siya.Ang siba kasi. "Hahaha" natawa ang ginang at inabutan siya ng tubig.

"Ako si Menchie" nakangiting sabi nito. "Pwede mo kong tawaging Nanay Menchie."

"Ah! Sige po N-nay Menchie!" nakangiting sabi ni Bernadette. "Ako naman po si Bernadette."

"Ano nga pa lang nangyari sayo at nasa labas ka ng bahay ko?" Nagsimula na rin itong kumain.

"Amhmm. Maghahanap po sana ako ng trabaho rito sa Manila. Galing pa po ako ng San Agustin. Tapos, sa terminal may nagsnatch ng bag ko. Nandoon po kasi 'yong pera na binigay sakin ng kaibigan ko. Ngayon nga po, namomoroblema ako kung saan ako titira." malungkot na sabi ni Bernadette.

"Ganoon ba? Dumito ka na lang muna. Saka safe ka naman dito sa bahay ko."

"Talaga po? Hindi ko po tatanggihan ito." nakangiting sabi ni Bernadette.

"Sige, kumain ka na ha! Magpakabusog ka lang diyan."

Nang makita kasi ni Menchie ang dalaga sa labas ng bahay niya ay nakaramadam siya ng awa rito. Kaya nagpatulong siya na maipasok ito sa kwarto.

"Mukhang mabait na bata ito." naisip ni Menchie.

Naalala niya tuloy ang anak niya. Kasi binanggit nito ang San Agustin. Baby pa lang kasi ang anak niya noong inilayo ito sa kanya niJuaquin, dahil katulong lang siya dati sa hacienda. Patago ang relasyon nila. Lagi pa silang nag-aaway ni Juaquin dahil seloso ito. Laging iniisip ni Juaquin na may relasyon siya sa bestfriend nito. Kaya inilayo sa kanya ang anak niya pagkapanganak pa lang niya. Hindi man lang niya ito nahawakan. Namuhay siya ng tahimik dito sa Manila. Pero 18years na niyang hindi nakikita ang anak niya.

"Nay Menchie!" Nagulat siya ng nagsalita ang dalaga. Naglakbay ata ang diwa niya. "Ako na po ang maghuhugas, pambawi na rin po." nakangiting sabi ng dalaga,may dimple ito sa kanang pisnge. Katulad rin ng sa anak niya.

"Sigurado ka ba? Ok lang naman ba na ako na ang mag-uurong?"

"Hindi po pwede nanay!"

Ito na nga ang naghugas ng pinagkainan nila.Napangiti na lang si Menchie habang pinapanood ang dalaga. Hindi nga siya nagkamaling tulungan ito. Halatang masayahin at marunong tumanaw ng utang na loob. Ang anak kaya niya, napalaki kaya ni Juaquin ng maayos? Siguro ay binata na ngayon ang anak niya. Hindi man lang niya nasubaybayan ang pagbibinata nito.



..............................................................................................................................................................

A/N:Hay!! Ang sama ko kay Bernadette kinawawa ko..

Any way enjoy reading and comment po kayo. To know your Feedback..


MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon