Ngayon ay nasa loob na sila ng resort. Agad na kinuha ng mga staff ang mga gamit nila Bernadette. Maganda ang resort, it's a private resort. At kabubukas lang nito. Royal blue and white ang halos lahatng kulay na nandito. May 5 swimming pools for adult na 9 feet ang lalim. And the other 5 swimming pools ay para sa bata at mga teenagers, mga 2 to 4 feet ang lalim. This resort is simple but relaxing.
Sumunod sila sa mga staff para makita ang kwarto nila.
"Ate Berna, tell me, what is your secret? Kung bakit sexy ka." si Mandy, nakayakap parin sa braso ni Bernadette.
Hindi niya malaman ang dahilan, ang gaan nang pakiramdam niya sa dalaga. Ngumiti siya.
"Hmm... Heathy foods and regular exercise." Lagi kasi siyang nagwoworkout. Samahan pa ng martial art.
"Iyon lang po?" nakapout na sabi ni Mandy.
Tumango si Bernadette.
"How old are you, Mandy?"
"I'm 14 years old."
Siguro kaedad na rin niya si Melodia..
Napabuntong-hininga siya.
"Why po?" tanong ni Mandy. Nahalata nito na nalungkot siya nang sumagi sa isip niya ang kapatid.
"Ah! Wala-"
Napalingon sila ng biglang dumating si Justin kasama si Mr. Eduardo. Ginulo ni Justin ang buhok ni Mandy kaya sinamaan ito ng tingin ng dalagita.
"Ikaw talaga, hindi mo maitahimik ang bibig mo,'no?" At tinawanan ng binata ang lalong pagsimangot ng bunsong kapatid. Napatingin si Justin kay Bernadette na ngumiti.Nilahad ni Justin ang kamay niya kay Bernadette.
"Hi! I'm Justin. Sorry kung hindi kita nabati kanina, may iniisip lang kasi ako." Nakangiti ito at hindi makatingin sa mukha ni Bernadette.
"It's ok, Justin." sinadya niyang pasexy ang boses at hinawakan sa kamay si Justin. Namumula ito.
Aw.. So cute.
Mukhang hindi ako mahihirapan.
Nasa loob na sila ng resort room. Malawak ang kwarto, tanaw sa malaking terrace ang view ng dagat at mga puno ng niyog. May dalawang kwarto. May Jakuzzi, sa una, shower room at CR. Pang-VIP ang ibinigay sa kanilang kwarto. White and sky blue ang kulay ng buong kwarto.
"Ahh, si kuya namula." Napansin ni Mandy.
"Ha? H-hindi no."at napakamot sa ulo.
"Defensive si kuya." Tawa ng tawa ang bunsong kapatid, maging si Bernadette. Hinila siya ni Justin palabas ng kwarto. Nagpatianod na lang siya.
"Si kuya, defensive."
"Ikaw talaga, Mandy. Lagi mong inaasar kuya mo." si Mr. Eduardo. Tumawa lang ang dalaga.
"May girlfriend na ba kuya mo?" Umiling si Mandy.
"Sir, ayos na po gamit niyo?" tanong ng staff. "
"Labas na ho kami."
"Tara, puntahan natin ang daddy mo." at lumabas na rin ng kwarto.
**************
Dinala ni Justin si Bernadette sa likod ng malaking bato na malapit sa dalampasigan. Napabuntong-hininga at tumingin sa dalagang nakangiti sa kanya. Hindi alam ni Justin kung bakit niya dinala ang dalaga rito. Basta gusto lang niya ilayo ito. Nakita niyang hawak parinniya ang kamay nito. Ang lambot at medyo namumula pa.
"Pagpasensyahan mo na si Mandy, makulit kasi." Hindi parinsiya makatingin sa dalaga. Nakangiti ito. Matagal na niyang gustong makita ang ngiti ng dalaga. Noon ay umiiwas ito,pero ngayon ay kaharap na niya.
BINABASA MO ANG
MARIA BERNADETTE ALCANTARA
General FictionPlagiarism is a crime. Be unique. Credit to the owner of photo I used for book cover. Hindi ko mahanap name. Natakpan kasi sa history.