Agad na hininto ni Justin ang sasakyan ng biglang may bumagsak na babae sa harapan ng kotse niya. Hindi niya matantya kung nabangga ba niya o talagang hinimatay lang ito. Bumaba siya ng kotse at tinignan ito. Kahit na malakas ang buhos ng ulan at madilim ang paligid. Tanging ilaw na nagmumula sa kotse niya ang nagsisilbing liwanag sa paligid.
"Oh, Gosh!" pinangko niya agad ang dalaga at isinakay sa kotse. Mahina ng pulso nito at hirap ang paghinga. Puro gasgas at may dugo ang braso nito. Basang-basa na din ng ulan. Hindi niya maaninag ang mukha ng babae. Natatakpan kasi ng buhok nito ang mukha.Nakabraid ang buhok nito na gulo-gulo. Tapos ay nakapajama at T-shirt na puti na puro dugo. Halos maligo na sa dugo ang dalaga. Agad niyang dinala sa mansion at ipinasok ay ihiniga sa master's bedroom ang dalaga.
Tinanggal niya ang tela na nasa braso ng dalaga at nakita niyang may bala sa loob ng sugat nito. "Shit! Ano ba kasing nangyari sayo?" pag-aalalang sabi niya. Agad niyang tinanggal ang bala sa braso nito at ginamot ang sugat. Tinawagan niya agad ang daddy niya para magpadala ng katulong para ito ang magbihis sa dalaga. May paggalang kasi siya sa dalaga, kaya imbis na siya ang magbihis ay katulong na lang. Mga 30 minutes at may dumating na katulong. Lumabas muna siya ng kwarto. Para mabihisan ang dalaga at malinis ang katawan nito.Pagkatapos maayusan ng katulong, pumasok na siya ng kwarto.
"Manang, dito na po kayo matulog. Delikado na po kasi at gabi na." sabi ni Justin.
"Salamat po, señorito." at bumaba na ito.
Nakasuot na ito ng oversized na T-shirt at boxer short na gamit niya at pinagmasdan niya ang mukha nito. Bilog ang mukha, may mahabang buhok. Makakapal ang pilikmata, matangos ang ilong at sobrang pula ng labi.Morena ito at halatang maganda ang pangangatawan. Napalunok tuloy siya nang dumako ang mata niya sa labi nito.Saka narealize na ito iyong babae na muntik na niyang masagasaan kanina.
Pero ano'ng nangyari rito? At may sugat ito? Umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos niya ang pisnge nito. Dahan-dahan linapit ang mukha niya at hinalikan ito.Ang lambot ng labi ng dalaga. Bigla siyang na excite. 'Tapos bigla siyang may nalasahan. Ang tamis ng labi nito. Kaya medyo napatagal ang paghalik niya at na realize bigla na mali ang ginagawa niya.
"Ano ba ito, Justin? Manyak ka na ba ngayon at bigla ka na lang nang hahalik ng walang muwang na babae?" nasabunutan ang sariling buhok.
Napasulyap siya sa dalaga. Dinama niya ang labi niya at napangiti sa kapilyuhang ginawa. Mali man ang ginawa niya, hindi siya nagsisi. First time niya lang naramdaman ang ganito. Kahit pa sa present girlfriend niyang si Roxanne, kapag hinahalikan niya ay parang wala lang. Pero sa dalaga, bukod sa matamis ay naeexcite pa siyang ulitin. Kaya bago siya umalis ng kwarto, hinalikan niya ulit ito at agad na lumabas. At baka kung ano pa ang magawa niya sa dalaga.
****
One week na ang lumipas pero hindi parin gumigising ang dalaga. Nakadextrose ito. Medyo namutmutla rin. Ilang araw na rin siyang walang tulog dahil sa pagbabantay rito. "Kailan ka kaya magigising?" biglang nagring ang cellphone ni Justinat agad niyang sinagot ito. Lumabas ng kwarto si Justin para pumunta sa terrace."Hello, Babe! How are you?" malambing na sabi ni Justin dito.
************
"I'm good, Babe" sabi ni Roxanne. Kinikiliti siya ni Alejandro. Nasa kama sila ngayon. Katatapos lang na may nangyari sa kanila nito.
"Ay! Nakikiliti ako!" pabebeng sabi nito at pinalo ang braso ni Alejandro.
["Ha? Babe, bakit ka nakikiliti?"] takang tanong ni Justin na nasa kabilang linya.
"Ah? Wala, Babe." sabi ni Roxanne habang pinipigilan si Alejandro sa paghalik sa leeg nito. "Ahhh... Si-ge, Babe... Ma-ya na lang!" agad na pinatay ang phone at pumaibabaw kay Alejandro at pilyong ngumiti.
***************
Pagkatapos ng tawag ay dumiretso sa master's bedroom si Justin, umupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang pisnge ng dalaga.
"Siguro, kung ikaw ang una kong nakilala, baka niligawan kita. Kaso huli na, kasi may Roxanne na ko ehh." nakangiting sabi ni Justin at hinalikan ang dalaga. Nagiging habit niya ang paghalik dito. Tuwing papasok at aalis siya ng kwarto. Pumunta muna siya sa kwarto na tinutulugan ngayon.Para makapagpahinga, makabawi ng lakas.
..............................................
Nasisilaw si Bernadette sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya. Galing ito sa malaking bintana na may kulay puting kurtina. Nang maimulat niya ang mga mata niya, medyo malabo noong una at kalaunang luminaw. Nasa loob siya ng malawak na kwarto. Halos puti ang nandoon. Bakit siya nandito? Nakaramdam siya ng kirot sa braso. Saka niya narealize na totoo ang nangyari noong gabi. Napaluha na lang siya ng maisip ang kinahinatnan ng pamilya niya. Agad niyang naalalang iniwan nga pala niya ang mga kapatid niya. Wala na siyang sinayang na pagkakataon. Tinanggal niya ang dextrose na nakalagay sa kanya at kahit mahina pa ay lumabas siya ng kwarto.
Nasa second floor siya. Halatang mayaman ang tumulong sa kanya dahil sa gamit sa mansion nito. Saka na siya magpapasalamat dito. Mas uunahin muna niya ang mga kapatid niya. Hindi niya tantya kung ilang araw ba siyang natutulog, kaya nag-aalala na siya sa mga ito. Agad niyang nilisan ang mansion.
Naglakad lang siya, dahil walang pera. Hindi naman malayo ang mansion na ito sa barrio nila. Pagdating niya sa kanila, nagkakagulo ang mga tao.Nakita niyang sunog na ang bahay nila. Walang natirang ari-arian. Bigla siyang napaluhod sa lupa at napaiyak. Bukod sa pinatay at binaboy ng mga demonyong ito ang pamilya niya ay hindi pa nakuntento at pati bahay nila na puno ng mga masasayang ala-ala ay sinunog pa. Pinagsusuntok niya ang lupa. Halos magdugo na ang mga kamay niya kasusuntok.
"Bernadette!" pinigilan siya ni Allan. Kabababa lang nito sa bike. Hindi nagpapaawat si Bernadette. Parang naging manhid ang pakiramdam niya.Niyakap siya ni Allan.
"Wala na tayong magagawa pa..." pag-aalo ni Allan kay Bernadette. Pinunasan nito ang mga luha niya.
"Bakit ganoon, Allan? Masama ba kami? Masama ba 'mga magulang ko? Ate ko? Wala naman kaming sinisiraan na tao para gawin sa amin ito." humagulgol ng iyak si Bernadette.
She is so hopeless. Nakatakip ang dalawang kamay niya sa mukha niya.Habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ni Allan.
"Tara, roon muna tayo sa bahay." inalalayan niyang makatayo si Bernadette.
**************
Nagising si Justin dahil tumutunog ang cellphone niya. Sinagot niya ito.
"Yes, Dad." umupo siya sa gilid ng kama. "Sige, Dad, maliligo lang ako 'tapos pupunta na ko sa hacienda. Pinatay na niya ang phone.
Pinuntahan muna niya ang dalaga sa kwarto nito. Pero laking gulat niya na wala na ito. Agad niyang hinanap sa buong mansion pero ni anino ay wala. Bumalik siya sa kwarto.Tanging kwintas lang nito na hinubad niya ang naiwan sa kwarto. May M ang pendant nito, silver. Halatang bago pa. Binulsa niya ito at pumasok na ng banyo para maligo.
........................................................................................................................................................
A/N:enjoy reading

BINABASA MO ANG
MARIA BERNADETTE ALCANTARA
Fiction généralePlagiarism is a crime. Be unique. Credit to the owner of photo I used for book cover. Hindi ko mahanap name. Natakpan kasi sa history.