Chapter 13

2.9K 55 0
                                        


"Hon, nakaready na kami. Ikaw ba, sasabay ka ba?" si Bernadette. Kausap niya si Exequel sa cellphone.

"Ahmm... No, Honey. Hindi ako makakapunta. May kailangan akong asikasuhin sa Singapore." malambing ang boses ni Exequel.

"Sige, ingat ka, I love you."

"But, Hon, babawi ako, ha? I love you." pahabol pa nito bago patayin ni Bernadette ang cellphone.

Hindi naman siya nagtatampo. Kahit hindi sila madalas magkasama ng binata. Give and take kasi sila. At mabait, understanding, caring, at loyal naman si Exequel. At hindi nagsasawang iparamdam ni Exequel na mahal na mahal si Bernadette. Ramdam din naman iyon ng dalaga.

Kaya nga noong nagpropose ang binata kay Bernadette ay "Yes" agad ang sinagot niya. Dahil tiyak na siyang ito ang makakasama niya sa pagtanda. Hindi pa niya sinasabi sa papa niya at maging sa public. Buti na lang at hindi nagpropose sa maraming tao si Exequel. Gusto niya ay silang dalawa ng binata kaso wala ito, kaya ipagpapaliban niya muna. Itinago niya ang ring sa mini drawer niya. Naka-black bikini na siya. Bumaba na siya dala ang sumbrero at backpack. Nandoon kasi nakalagay ang extrang damit at mga gamit niya.

Hinihintay na siya ng papa niya sa van. Agad siyang pumasok sa loob. Nakasuot ang papa niya ng hawaiian short at sando. Halata paring maganda ang pangangatawan nito sa edad na 65, at gwapo parin.

"Where is Exequel? Sasabay raw ba siya, Hija?"

"Nope. Papa,hindi daw siya makakasama." malungkot na sabi ni Bernadette.

"It's ok, Bernadette. Busy talaga siya ngayon."At niyapos ng isang braso. Tumango si Bernadette. May share rin sa kumpanya ni Exequel si Mr. Eduardo.

"I know, Papa."

Sakto lang ang takbo ng sasakyan nila, para iwas disgrasya.

"Kailan ka kaya aayain magpakasal ni Exequel, Anak? Buhay pa kaya ako kapag nagkaapo na ako?" Tila parang nangarap si Mr. Eduardo na kalaro ang napakaraming apo na anak ni Exequel at Bernadette.

"Opo naman, Papa. Maraming apo mo pa ang makikita mo." At natawa si Bernadette.

Lagi talagang nagiging dahilan ng kaligayahan niya si Bernadette. Laking pasalamat niya at nakilala niya ito. Simula ng tumira ang dalaga sa puder niya, ni minsan ay hindi niya nagawang pagnasaan ito. Dahil ang tingin niya dito ay tunay na anak.

"Pa, bakit hindi ka po nag-asawa?"

Dapat ay magkakaroon siya ng asawa at anak, ngunit niloko siya ng kasintahan noon at nabuntis pa ng ibang lalaki. Lalo siyang nagalit nang malaman na sinulot ng bestfriend niya na si Juaquin athindi niya pinanagutan, dahil sa pag-aakala nito nahindi siya ang ama. Mahal na mahal niya ang kasintahan niya. Tatanggapin na sana niya ito. Kahit na may anak sa iba kaso huli na ang lahat nang manganak ito. Pagkasilang sa bata ay namatay ang kasintahan niya at iyong bata na anak niya ayipinaampon.Wala na kasing pamilya ang kasintahan niya. Mahal niya talaga ito. Kaya hindi na siya nag-asawa pa at kahit na malaking kasalanan ang ginawa ng bestfriend niya ayitinuring niya parin itong kaibigan at ipinagpasa taas na lang ang lahat.

"Pa? Narinig mo po ba sinabi ko?" tanong ni Bernadette.

"Amhmm... Hindi." pagdadahilan niya. Ayaw niya kasing pag-usapan ang nakaraan. 

..............................................................................

Naghahanda na ang lahat ng staff ng San Agustin Resort, pagmamay-ari ng mga Tuazon. Nasa dagat si Justin, naglalakad sa dalampasigan habang nakatingin sa mga buhangin na may sea shell. Tanghaling tapat na at gabi gaganapin ang party.

"Ang tagal naman niyang dumating" naisip ni Justin.

Excited na kasi siyang makita ang dalaga. Napatingala siya ng may marinig na naglanding na helicopter. Napakaingay nito at napakalakas ng ikot ng elesi at maya-maya nang makalapag na ang helicopter ay huminto na ito. May lumabas na babae na naka sombrero,mahaba ang buhok na medyo itinatangay ng hangin. May sunglasses, naka-black bikini, at litaw ang kanyang alindog. At hindi mo maikakailang model ito. Medyo natulala siya ng malapit na ito sa kanya. Tinangal nito ang sunglasses at nakita niya ang mga mata nitong maganda dahil sa makapal na pilik at light brown na mga mata. Samahan pa ng matangos na ilong at natural na mapupulang labi. Biglang nagslow-motion ang nasa paligid niya.

"Hi!" bati sa kanya ng dalaga na may kasamang ngiti. May dimple pa ito.

"Kuya! Hi raw." Bumalik bigla ang naligaw niyang diwa nang magsalita si Mandy sa tabi niya.

"Ah! Sorry." at ngumiti. Niyakap ni Mandy si Bernadette.

"Hello po, can I call you ate?" nakangiting tanong ni Mandy.

"Sure."

Hinitak na ni Mandy papuntang loob ng resort si Bernadette. Nailing na lang si Justin. Ano ba'ng nangyari? At nagkaganoon siya sa harapan ng dalaga. Napasabunot na lang siya sa ulo.

"Happy birthday, Justin." si Mr. Eduardo. Tinapik sa balikat si Justin.

"Salamat po, Tito." ngumiti at umakbay kay Mr. Eduardo at pumasok na rin sila sa resort.


..........................................................................................................................................................

A/N: Enjoy reading !!

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon