Taimtim na nagdadasal si Nanay Menchie sa Chapel kasama si Johny.
' Ama, salamat sa pagdinig sa lahat ng panalangin ko na makasama ko at makita ang aking anak. Alam kong palagi na lang ako humihingi sa iyo. Sana wag kang mapagod at alam kong hindi po mangyayari iyon. Tulungan mo po sana gumising ang anak ko. Pinapaubaya ko na po sa inyo ang buhay niya. Kayo na po ang bahala. Napaluha si Nanay Menchie habang taimtim na nanalangin..
Samantalang si General Tuazon ay pinagmamasdan ang anak na walang malay at lumuhod sa floor malapit sa gilid nang kama ni Justin
'I know that I dont have a right para humiling sa iyo, because I know that I'm a bad person or bad Daddy on my sons. But please help him to live. Kahit ang kapalit non ay umamin ako sa kinauukulan sa lahat na ng nagawa kong kasalanan. Lalo na sa pinakamamahal kong si Menchie. I love her so much kaya ko nagawang mag selos. Pero, you know na mahal ko siya kaya nga hindi ko nagawang mag mahal ng iba at kahit ibaling ko ang tingin sa iba ay wala paring saysay '
Pinahid niya ang naglalandas na luha sa magkabilang pisnge. For the first time. The man with heartless. Bigla na lang umiyak. Hindi niya akalain na iiyak siya at hihiling sa Amang nasa langit. Simula kasi nang iniwan siya ni Menchie. Hindi na naisip ni General Tuazon na may Elohim.
'Please wag mong kunin sa akin si Justin. I love him so much. Kahit hindi ko iparamdam sa kaniya. Pero mahal na mahal ko ang anak ko. Nang isilang siya ni Menchie. I'm so happy na mahawakan siya at kamukha ko pa. Nang nalaman kong buntis si Menchie gusto ko magtatalon sa tuwa pero hindi ko magawa kasi naiisip ko baka may ginawa sila ni Eduardo tulad sa amin. Kaya hindi ko pinanagutan. Pero one time nung umuwi ako at makita ko siya sa kalsada na nahihirapan dahil sa panganganak. Agad ko siyang tinulungan at ng masilayan ko ang sanggol at kamukha ko. Doon ko naisip na. Grabe ang ginawa ko sa mahal ko. Naging makasarili ako. Sa sobrang tuwa ko noon. Agad ko pinakita kila mama ang bata and they are so happy to saw their grandchild. And that day excited akong bumalik nang hospital to fetch Menchie but in my dismay. Wala na siya roon. Nag hintay ako sa kaniya. Kung hahanapin niya ang bata pero wala, hindi na siya bumalik. Kaya hindi ko na siya pinahanap pa 'Hinawakan niya ang kamay ng anak niya.
BINABASA MO ANG
MARIA BERNADETTE ALCANTARA
General FictionPlagiarism is a crime. Be unique. Credit to the owner of photo I used for book cover. Hindi ko mahanap name. Natakpan kasi sa history.
