Chapter 40

2.6K 50 2
                                    

A/N: Guys hindi ko alam kung kailan ulit ako mag update. Basta magugulat na lang kayo. Mag start na rin kasi kami ng class. Tapos mas may tuyo pa sa akin ang phone ko. Hindi na naman nagana. Kaya nag com ako saglit iyon lang. Always ingats at eat healthy foods.

..............

"Hmm.. Nay nasaan po si  Bernadette?" Tanong ni Justin.

Medyo napatagal pala ang yakap nila. Still shocked pa rin si Justin sa pagyakap ng matanda. Kaso hindi na lang niya pinahalata. Saka tinuturing na ina naman ito ng taong mahal niya. Kaya ayos lang.

"Ah!! Pasensiya na ha? si Bernadette kasama ni Johny sa court naisipang mag basketball" sabi ni Menchie.

Hindi masukat ang kaligayan ngayon ni Menchie nang makita ulit ang anak niya.

"Ah! Sino po si Johny?" Takang tanong nito.

Medyo galit ang expression ng mukha ng binata.

"Anak ko, Hijo "

Nailing si Menchie at hinawakan ang kamay ng anak. Nagulat ang binata pero ngumiti rin.

"Hijo! Naglalaro lang sila. Wag ka ng mag selos "hinaplos niya ang pisnge nito. Para talaga itong si Joaquin sa mukha, katawan at maging kung paano ito magselos noon.

Ngumiti ang binata.

"Sige po Nay. Turo po ninyo kung paano pumunta sa court. Pupuntahan ko lang po siya "

Sinabi nga ng ginang kung paano makapunta roon.

Pinagmasdan niya ang papalayong binata at nangilid din ang luha niya. Ang tagal niya kasing hinintay ang ganitong pagkakataon na makasama ang anak niya at ngayon dininig na ng Ama ang panalangin niya, dahil mismo ang anak na niya ang lumapit at nagpakita sa kanya, pero ang masakit hindi ata alam ng binata na ina siya nito? pero ayos na rin kasi nakita niya at nahawakan ito.

"Mukhang maayos ang pagpapalaki ni Joaquin sayo, anak"sabi ni Menchie.

*************************

Nasa court ngayon sina Bernadette at Johny. Sila lang ang nandito may mga sumusulyap din na mga babaeng naglalakad at nagbubulungan, ngunit wala silang pake roon.

Masiglang nag aagawan si Johny at Bernadette ng bola sakto naka snickers siyang sapatos at short at maluwag na damit kaya nakakagalaw siya ng maayos.

Pero sa hindi sinasadya natapilok si Bernadette. Kaya binuhat siya ni Johny, sakto namang pagdating ni Justin. Ang sama ng tingin nito kay Johny at Bernadette. Binaba ni Johny si Bernadette at nagulat ito ng biglang sapakin siya ni Justin ngunit gumanti din si Johny ng suntok. Napansin naman ng mga tao ang eksena nila. Kaya mga nakiusisa  ang mga ito mga chismusa nga naman?

Kahit ika- ika si Bernadette niyakap niya si Justin para pigilan ito.

Nagtagumpay nga siya hinarap siya nito at hinalikan sa noo.

"Ano bang ginagawa mo? Bigla kang dadating tapos manununtok ka " inis na sabi ni Bernadette at humiwalay sa yakap.

Ang sama ng tingin ni Bernadette sa binata.

"Oo nga pare, sino ka ba? Saka wala naman kaming ginagawang masama ha? kung nagagalit ka dahil buhat ko siya. Walang malisya yon. Kung iyon ang dating sayo. Nag-aalala lang ako sa kanya. Kaya ko siya binuhat kasi natapilok siya "sabi ni Johny 

May dumating na tanod at pinaalis ang mga tao.

"Anong kaguluhan na naman ito Johny?" Tanong ng tanod.

Suki kasi ng gulo si Johny dahil minsan pinagtritripan siya ng mga kapwa lalaki niya dahil sa inggit. Kilala kasi siya sa lugar nila at pansinin ng mga babae.

"Wala po iyon kuya may misunderstanding lang po " sabi ni Bernadette.

Nagulat ang dalaga dahil binuhat  siya ni Justin palayo sa court. Naglakad sila pabalik ng bahay.

"Justin, ano bang nangyayari sayo?" inis na sabi ni Bernadette.

Huminto sila sa may puno ng mangga na medyo malapit sa bahay ng ginang.

"Baby, hinawakan ka kasi niya" inis na sabi ni Justin.

"Hawak lang Justin? Really! napaka possessive mo na man at OA. Kung ganyan ka maghiwalay na lang tayo " matigas na sabi ni Bernadette  at nagpumiglas siya. Kaya binaba siya ni Justin

Nalukot ang mukha ng binata at nanlamig sa sinabi ng dalaga.

"Bernadette, wag naman"sabi ni Justin.

"So immature"inis na sabi ni Berna

Hinakan ni Justin ang kamay ng nakasimangot na dalaga.

"Ang bilis naman wala pa nga tayong ilang buwan hiwalayan agad! Misunderstood lang naman ito para maghiwalay agad tayo, saka wala ba akong karapang mag selos. Nagseselos lang naman kasi ako, dahil hawak ka niya. Tapos umalis ka nang hindi ka man lang nag napaalam sa akin. Nag -aalala kaya ako sayo, kasi hindi ka nag text o tumawag man lang. Kung hindi pa ko pumunta sa mansion hindi ko pa malalaman na may pinuntahan ka. Bakit hindi ka na lang nagpasama sakin? Willing naman akong samahan ka. Saka Iniisip mo ba talaga ang nararamdaman ko? "

Bakas ang hinanakit sa sinabi ng binata. Alam naman ni Bernadette na may mali siya pero grabe kasi itong mag react. Mas matindi pa Kay Exequel. Si Exequel kasi pag nagselos, sasamaan lang niya ng tingin ang lalaki pero si Justin sugod agad ni hindi man lang nag iisip!

"Eh! Ikaw naiisip mo rin ba nararamdaman ko ha? " iritang sabi ni Bernadette. "Pumunta ka lang ba rito para mag - away tayo ha? saka kung magselos ka parang wala kang tiwala sakin ha! Dahil ba? Secret affair kita Justin? Ganoon ba? Iniisip mo na may iba rin ako na baka ginagawa ko rin sa iba tulad ng ginagawa natin. Iniisip mo siguro na may dirty little secret din ako na tulad mo na hindi lang ikaw ang affair ko. Sa bagay kung ako rin nasa posisyon mo iisipin ko rin yong ganoon. Nagawa ko nga na lukuhin si Exequel na Fiancé ko na. Ikaw pa kayang boyfriend ko pa lang diba?" galit na si Bernadette.

Ayos lang sana mag selos kaso sobra na?

Nanlambot si Justin sa mga sinabi ng dalaga sa ka nya at lumapit siya kay Bernadette at niyakap niya ito mula sa likod. Hindi naman ganoon ang iniisip niya tulad ng sinabi ng dalaga. Tiwala naman siyang mahal siya nito. Sa kilos lang at pananalita nararamdaman mo na agad kung mahal ka diba? Kaya ganito siya mag react kasi ngayon lang niya naranasan mag mahal ng ganito na natatakot siyang maagawan ng iba? Natatakot siya na baka isang araw wala na sa tabi niya. Sa uri ba naman ng relasyon nila. Sino ba naman ang hindi matatakot? Natatakot na maiwan kasi pangalawa ka lang niya?

Pinaharap niya ang dalaga at hinapit sa bewang para mapalapit ito sa kanya. Wala parin nakikitang emosyon ang binata kay Bernadette ang lamig kasi ng tingin nito sa ka nya. Kaya roon kinakabahan ang binata.

"Sorry na baby! May tiwala naman ako sayo. Hindi ko lang kasi macontrol yong sarili ko. Kapag nag seselos at may  lumalapit sayong ibang lalaki. Natatakot kasi ako na maagaw ka nila sa akin. Sorry na ha! Hindi na mauulit promise! Para hindi na tayo mag-away ng ganito ha!  " hinaplos ni Justin ang pisnge ni Bernadette.

Akmang hahalikan ni Justin ang dalaga ngunit nag iwas si Bernadette.

"Kung may tiwala ka. Hindi ka aaktong ganyan"sabi ni Berna.

Nasaktan si Justin sa ginawa ng dalaga para siyang sinaksak ng punyal. Kissing Bernadette is the another way to disappear his angry. Kaya niya gustong halikan ito.

"Giving kiss, I want to calm down"sabi ni Justin.

Binaklas ni Bernadette ang pagkakayakap ni Justin sa kanya at walang emosyon siyang tinitigan sa mukha.

"Mag cool -off muna tayo. Saka bumalik ka na lang ng Manila" ayon lang ang sabi ni Bernadette.

At iniwan siya..



A/N: Poor Justin!!😖

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon