Four years later.....Nasa university ngayon si Bernadette. Hinihintay niya kasi si Exequel. 4 years na rin itong nanliligaw kay Bernadette. Seryoso sa panliligaw ang binata.Kaya ngayong araw niya napagdesisyonang sagutin ito. Because today is his birthday. Pangbirthday gift na niya rito. Dahil kapag big day nito ay hindi ito tumatanggap ng regalo. Basta kasama lang siya nito ay sapat na. Kinakantahan siya, binibigyan ng chocolates at red roses. Hindi siya fan ng mga bulaklak. But rose, may meaning kasi sa kanya. Inihahalintulad niya ang sarili sa bulaklak na ito. Tulad ng isang rosas, isa siyang magandang bulaklak na maghihirapan ka muna bago mo makuha. Kaya ito nga,matagal siyang niligawan. Sabi ng totoong papa niya, kapag nagpapaligaw ay dapat matagal. Dalagang filipina dapat. Buti na lang ay marunong maghintay si Exequel. At sinabi rin ng binata sa kanya na siya ang kauna-unahang babae na niligawan nito. Hindi siya naniniwala noong una hanggang noong mismo ang pamilya na ni Exequel ang nagsabi.
"Nasaan na kaya iyong lalaki na iyon?"
Nasa court siya ngayon. Hinihintay ang binata. Biglang may nagtakip ng mga mata niya.
"Exequel!"
Tinanggal ng binata ang kamay kay Bernadette at tumawa. Kabisado na talaga siya ni Bernadette.
"You are correct." nagdrawing pa ito ng malaking check sa hangin.
"Amhh... Saan tayo kakain mamaya?" nakangiting tanong ni Exequel at iniabot ang bouquet of red roses at chocolate.
"Thank you." sabi ni Bernadette at tinanggap ito.
Nangiti naman si Bernadette. At dumukwang sabay halik kay Exequel. Nagulat ang binata at halos hindi nakagalaw. Natawa lang si Bernadette sa reaction nito.
"Did you kiss me?" namumula ang binata na parang kamatis at nangingiti. Kinikilig ata ito. Sa unang pagkakataon lang niya naramdaman ang malambot na labi ng dalaga. Tumango si Bernadette at nangingiti.
"Bakit, masama bang halikan ang first boyfriend ko?" nangingiting sabi ni Bernadette at namumula na rin.
"What? Pakiulit nga ng sinabi mo?" Parang nabingi ito sa narinig mula sa dalaga.
Lumapit si Bernadette at hinalikan muli si Exequel.
"Ang sabi ko po, boyfriend po kita! At ano naman kung halikan kita?"
"It's a yes!" sobrang ngiti ni Exequel, halos mapunit na ang mukha niya. Tumango si Bernadette at napakagat-labi.
Niyakap ng mahigpit ni Exequel si Bernadette.
"Oh! This is the best birthday ever." at hinalikan ng matagal si Bernadette. Nang medyo marinig nilang may naghihiyawan, tinulak ni Bernadette si Exequel.
"Nakakahiya, nasa school tayo." nakayukong sabi ni Bernadette.
"It's ok, Honey! I'm so proud to have you." inakbayan siya ni Exequel.
Nasa San Agustin sila ngayon ni Exequel. Upang magtirik ng kadila sa nasunog na bahay nila Bernadette. Paminsan-minsan ay dumadalaw siya rito.nWala na talagang natira sa bahay, as in, lahat ay sunog.Nakaupo sila ni Exequel.
"Hello, Mama, Papa, at mga Ate." pinipigilan niyang umiyak.
Niyakap siya ni Exequel mula sa likod.
"Si Exequel po, boyfriend ko. Sayang, hindi ko siya naipakilala sa inyo." at ngumiti kay Exequel. Hinalikan naman siya sa pisnge ng binata. "Pero, Ma, Pa, mga ate. Pinipilit kong maging masaya. Hindi ko pa po nahahanap sina Marvin at Melodia. Pero pangako, hahanapin ko sila. Pati iyong mga taong pumatay sa inyo, pagbabayarin ko!" humagulgol na si Bernadette. Humarap siya kay Exequel. Niyakap siya nito ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
MARIA BERNADETTE ALCANTARA
General FictionPlagiarism is a crime. Be unique. Credit to the owner of photo I used for book cover. Hindi ko mahanap name. Natakpan kasi sa history.