Nakatingin si Bernadette kay Justin na prenteng nakahiga lang sa kama. Ilang weeks na kasing walang malay ang binata. Napadako ang tingin niya sa kwintas na binalik sa kaniya nang binata. Her father gift noong nag bday siya. Mahal talaga siya ng binata. Kasi kung hindi. Hindi na siya pag aaksayahan nang oras at itatabi ang isang bagay na importante sa kaniya. Napadako ang tingin niya sa kwintas na regalo niya rito noong bday nito.
"Kailan ka ba gigising? "
Napaluha si Bernadette habang hinahaplos ang mukha ni Justin.
"Miss na miss na kita. "
Naipanalo ni Bernadette ang kaso, dahil ginamit nila ang mga evidence na nagpapalabas nang mga baho ng mga ito. Ang company ni Exequel ay napabagsak ng tuluyan. Si General Tuazon na sibak sa pwesto at patong-patong ang kaso. Si Andy at Alejandro ganoon din. Dahil sa pagsuko nila ng kusa pang habang buhay silang lahat makukulong.
"Hija, tahan na. Magiging maayos din ang lahat "
Niyakap ni Nay Menchie Si Bernadette.
"Sana Nanay. "
Naupo sa tabi niya ang matanda.
"Ngayon anak. Naipanalo mo ang kaso at tapos na ang paghahanap mo sa mga pumatay sa pamilya mo. Ano na ang plano mo?"
"Hmm.. Siguro Nanay. Pupunta po muna akong U.S."
Plano na talaga ni Bernadette na lumayo muna kay Justin. Kung sakaling magising ito ay hindi siya makita. Tiyak na magagalit ito sa kaniya dahil pinakulong niya ang ama nito.
"Sigurado ka ba hija? Paano pag hinanap ka ni Justin. At diba buntis ka sa anak ninyo?"
"Oo nga po. Pero ang inaalala ko baka hindi niya tanggapin ang magiging anak namin dahil pinakulong ko papa niya. I know how much he love his father.. " malungkot na sabi ni Bernadette
"Pero anak paano kung kabaliktaran nang iniisip mo ang magiging reaction ni Justin?" Hinawakan ni Nanay Menchie ang kamay niya.
"Alam ko ang pakiramdam na mawalay sa anak. Kaya sana wag mo iparamdam sa anak ko, dahil naramdaman na niyang mangulila sa isang ina." malungkot na sabi ni Nanay Menchie
"Alam ko naman po iyon" Bumuntong hininga si Bernadette. "Kailangan ko po muna ng time. Dahil sa mga nangyari. Hindi ko alam kung paano ako makikitungo sa kaniya." bumuntong hininga siya. "Sana Nay kapag tinanung niya ako. Sabihin mo po hindi mo alam. And about the baby. Sabihin ninyo po wala na " dagdag pa niya.
Hindi talaga alam ni Bernadette. Bakit niya gagawin ito? Iniisip niya kasi parang wala na siyang karapatan na mahalin pa si Justin.
"Sige, hija. Hahayaan kita sa desisyon mo. Saka kahit ano sabihin ko hindi ka naman makikinig. Pero sa gagawin mo. Talagang masasaktan mo ang damdamin nang anak ko. Kaya sa totoo lang tutol ako sa gagawin mo. Pero naisip ko rin. Ang kalagayan mo. Mag ingat ka at makakaasa ka na hindi ko sasabihin sa anak ko. Pero tumawag ka sakin paminsan-minsan para may balita man lang ako sa iyo. Mamimiss kita anak" niyakap siya ng ginang.
"Ikaw rin po. Mamimiss po kita. "
"Mag ingat ka roon, hija ah. Alagaan mo sarili mo dahil buntis ka. Kumain ka nang masustansiyang pag kain "
Tumango si Bernadette.
*****
"Saan ba nagpunta ma'am Alysa mo?"
Si John, habang tinitignan ang mga bagong design na ilalabas nila sa market. Madalang kasi na niya makita si Alysa. Kapag nasa office siya ito naman may lakad na pinupuntahan. Tapos isang buwan na lang ikakasal na sila nito.
BINABASA MO ANG
MARIA BERNADETTE ALCANTARA
Ficción GeneralPlagiarism is a crime. Be unique. Credit to the owner of photo I used for book cover. Hindi ko mahanap name. Natakpan kasi sa history.