chapter 67

2.6K 48 3
                                    

Pagbalik sa mansion ni Justin wala na si Bernadette. Hinanap niya ang ito kung saan mang sulok ng kabahayan, ngunit wala na talagang sumasagot. Kahit ilang beses na siyang naghihiyaw. Ang pag kain na hinanda niya rito kaninang umaga hindi man lang ginalaw. Nakita niyang nasa kama ang phone niya. Tinignan niya kung pinakailaman ng dalaga ito. Nakita niya may dalawang  tinawagang number ito. Una unregistered number pangalawa kay Lauro.

Nakuyom na naman niya ang kamao. Bakit kailangang tawagan nito si Lauro? Oo nga pala. Sinabi nito na boyfriend nito si Lauro. Napabuntong hininga siya. Kaninang umaga maaga siyang nagising upang gumawa ng peace offering sa inasta niya kagabi sa dalaga, pero sa totoo lang hindi naman talaga siya nakatulog. Kaya nag prepared na lang siya nang almusal nila para sabay sila kumain. Matagal na rin kasing hindi sila nag sabay kumain nais na niya sanang gisingin si Bernadette kaso nag text si Clarize na magmeet sila. Kaya iniwanan na lang niya ng makakain si Bernadette. Ang expect niya pag uwi niya narito pa ang dalaga ngunit nagkamali siya dahil ni anino wala na nito.

Saan naman kaya nagpunta si Bernadette? He thought.

Napatingin siya ulit sa Cellphone. Bigla niyang naalala na kaya pala hiniram ng dalaga ang cellphone niya para tawagan ang anak nila. Nang malaman nga niya iyon ang saya niya ngunit napalitan nang kirot dahil pinagkait ni Bernadette na makasama niya ang anak niya nang limang taon at nalaman pa niyang kasintahan ni Bernadette ang best friend niya.

Best friend na traydor.

Well kung dating nga may ciancée na ang dalaga na agaw niya? Correction kaniya naman talaga! Saka ito pa kayang bf palang. No way! Hindi siya papatalo. Ipaglalaban niya si Bernadette. Tinawagan niya ang unregistered na number baka sakaling matunton niya kung nasaan si Bernadette. Hindi na siya papayag na mawala ito sa ka niya muli.Five years of his suffering from her is enough.

"Hello" sabi ni Justin ng sagutin nang kabilang line ang tawag.

Natahimik si Justin na may batang sumagot.

["Mommy. Naglalaro lang po kami ni Aunt Melodia sa Condominium po. Doon ka na lang punta ha! And don't forget my pasalubong ha!"]
Boses nang isang batang babae.

Malambing ang boses nito

["Mommy!! I have something to tell you kapag umuwi kana "] parang kinikilig pa ito.

Muntik nang matawa si Justin.

["Hey! Mommy bakit hindi ka nag sasalita? Are you still there?"]

"Yes baby"

["Ha? Who are you? Where is my mommy?" ]

"I don't know! where is your mommy "

Ang gaan nang pakiramdam niya habang kausap niya ito. Kaya nasasabik siyang makilala sa personal ang anak niya.

["Oh .. OK, who are you po ba? Ito po kasing number na ito ang ginamit ni Mommy eh " ]

"Hmm.. I'm Justin "

["Justin?"]

"Yes "

["Your name is familiar .. "]

"Paanong familiar?"

["When I visited Granny Menchie. May nakilala po akong same name niyo po" ]

Napakunot noo si Justin. Para ngang familiar din ang boses ng bata.

"What is your name ba?"

["Jaizette po" ]

Oh! Nakalimutan niya may nakilala nga pala siyang Jaizette ang pangalan sa San Felipe. So! Kaya pala kasama ng bata ang asong kamukha ni Saito. Hindi pala kamukha dahil si Saito nga talaga ito.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon