Five years later..
"General!" Tawag ni Snr. Spector Balthazar.
Lumingon si Justin sa nakangiting si Balthazar.
Yes, Justin became a General. Dahil noon ng matapos niyang mag aral bilang pulis nung college siya. Nag take rin siya nang course para sa sundalo.
Kung nagtataka kayo. Kung bakit siya naging General. Nakitaan kasi siya ng President ng kakaibang talento sa pamumuno at kabutihang loob na handang maglingkod para sa bayan."Kumusta?" Nakangiting sabi ni Balthazar nakaakbay ito sa isang sexy na babae.
"Ok naman." ngumiti si Justin.
"Saan ka na ngayon pupunta ?"
"Hmm.. Pupunta muna ako kay Mommy tapos sa Wedding Anniversary ni John na ang sunod kung tuloy."
"Hmm. Ganoon sige. Alis na kami ni Baby Girl ko "
Kahit kailan malandi talaga itong si Balthazar. Lakas maka PDA. Paano ba naman biglang hinalikan yong babae sa harapan ni Justin?? Nang iinis yata itong mukong na ito.
Nailing na lang si Justin at sumakay ng kotse. Pupunta ngayon nang San Felipe si Justin. Miss na kasi siya ang mommy niya at pati ang kinaseselosan, si Johny na half brother niya.
Isang taon kasi siyang na comatose. Tapos pag gising niya niyakap siya ni Nanay Menchie at Johny. Una nagtaka siya pero pinaliwanag din ni Nanay Menchie lahat. Tulad nang nakulong ang Daddy niya dahil sa mga kasalanan nito sa batas. Pati kay Mandy na ang totoo kay ang kapatid ni Bernadette na bunso na nawawala. Kaya pala noon nakikita niya kay Mandy, si Bernadette yon naman pala related ang dalawa sa isa't isa. Tinanung din niya kung nasaan si Bernadette and about the child ang sabi lang ni Nanay Menchie. Hindi niya alam kung nasaan si Bernadette maging sa baby kung mabuhay ba o Hindi? Hindi raw alam ni Nanay Menchie. Pagkadischarge sa hospital pinuntahan agad niya si Mr. Eduardo. Maging ito walang alam? Kung may alam man siguro ito ayaw sabihin sa kaniya.
Halos dalawang taon siyang parang mawawala sa sarili dahil kay Bernadette. Halos hindi na nga siya makilala. Dahil pumayat siya at laging mugto ang mga mata. Hindi rin siya kumakain at kung umiinom man siya ay alak naman. Tapos lagi siyang nagkukulong sa condo niya. Kung wala pang dadalaw sa kaniya hindi siya kakain. Palagi kasi siyang tulala.
Walang araw na hindi siya umiiyak at nag lalasing. Minsan nag babasag siya nang mga gamit sa condominium niya. Minsan balak na niyang magpakamatay. Kung hindi dahil kay Lauro. Baka namatay na siya nang tuluyan. Pinigilan kasi siya nitong isaksak sa kaniya ang bubog na galing sa picture frame nila ni Bernadette.
"Ano bud? Magpapakamatay ka! Tingin mo ba iyan ang sulosyon sa problem mo ha! Mag isip ka nga? " tinapon ni Lauro ang bubog.
"Isipin mo nga itong mga taong nag mamahal sayo ... Bud hindi pa katapusan nang mundo .Saka may dahilan Si Bernadette kaya siya lumayo sa iyo "
"Ano naman ang dahilan niya?? Wala naman akong ginawa sa kaniya para gawin niyang miserable ang buhay ko. Kung iniisip niya na magagalet ako sa kaniya dahil sa Daddy ko. Mali ang akala niya. Naiintindihan ko siya kung bakit niya gnagawa iyon? .. Because my Father deserved it. He need to pay for the sin na ginawa niya. Kaya bakit niya inisip na hindi ko siya maiintindihan.. "
Lumuluha na si Justin. Ngayon lang siya nag kaganito nang dahil sa isang babae. Mahal na mahal kasi talaga niya si Bernadette. Kaya niyang isugal ang buhay niya para rito. Kaya ganoon na lang ang sakit at lungkot na naramdaman niya nang malaman na iniwan siya nito habang nakacomatose
"Alam niya kung gaano ko siya kamahal. To the point na pati pride ko bilang lalaki kinalimutan ko dahil nga mahal na mahal ko siya. Kahit na naging third party niya ako at lumuhod pa sa harapan niya para wag lang niya ako iwan"
BINABASA MO ANG
MARIA BERNADETTE ALCANTARA
Ficção GeralPlagiarism is a crime. Be unique. Credit to the owner of photo I used for book cover. Hindi ko mahanap name. Natakpan kasi sa history.