"Ano naman ang pwedeng ibigay sa akin na trabaho ng amo mo? "Sabi ni Macmac
Nasa San Agustin sila ngayon ni Alejandro. Naghahanap kasi ng trabaho si Macmac ayaw niya kasi ng puro tambay lang.
"Wait lang naman, chill ka lang Brad " Sabi ni Alejandro.
Nakaramdam bigla pagkaihi kaya nagpaalam mo na siyang mag CR kaso nakalimutan niyang tanungin kong saan? Napakalawak pa naman ng Hacienda na ito.
"Saan ba CR dito? " namimilipit na si Macmac sa pagpipigil.
Hanggang makarating siya sa Garden. May nakita siyang dalaga na nakaakyat sa lader at nagdidilig ng bulaklak. Nang pababa na ito muntik ng ma out of balance kung hindi lang na agapan ni Macmac.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Macmac.
Nakita niya ng malinaw ang mukha ng dalaga. Mahaba ang buhok na may pagka wayvy. Mala - anghel ang mukha nito. Makapal ang mga pilik-mata na kulay light brown ang bilog ng mata. Matangos ang ilong at may mapulang labi. Morena, matangkad at maganda ang katawan.
"Oo ayos lang ako "
Tinulak siya nito at nag aakusang tumingin.
"Pwede ba lumayo ka? Sino ka ba? Magnanakaw ka ano?" Sabi ni Mandy
Nangiti lang si Macmac at bigla namilipit.
"Miss pwede bang sabihin mo. Kung saan ang banyo rito?"
Napakunot noo si Mandy.
"Bakit ko sasabihin? " nagcross armed si Mandy at mataray ang posture.
"Bakit? Syempre kapag Hindi mo sinabi baka rito nako maihi!! Sige ka? Gusto mo bang umihi ako sa garden na ito " pananakot ni Macmac.
Akmang bubuksan na ni Macmac ang zipper niya. Pinigilan siya ng dalaga.
"Sige na! Sasabihin ko na " sabay talikod ni Mandy
Tawa naman ng tawa si Macmac.
Sakto may dumaang maid .
"Manang, saan po ba ang CR dito?" Tanong ni Macmac.
"Sa bandang dulo, hijo" sagot nito.
Dali- dali namang tumakbo ng CR si Macmac..
Matapos ni Macmac lumabas agad siya at naabutan niya ang dalaga na nasa sala nagbabasa ng Magazine. Siguro kahit nakikita siya nito mas pinili na lang nito na wag siyang pansinin.
" Sayang maganda ka sana? Kaso suplada" sabi ni Macmac.
Pinukulan siya ng masamang tingin ni Mandy ngunit nginitian niya ito nang pagkatamis. Kaya mas lalong sumama ang tingin ng dalaga sa kanya.
Nakasalubong niya si Alejandro.
"Saan ka ba nag pupunta? Kanina pa tayo hinihintay ni Boss " sabi no Alejandro.
"Hinanap ko pa kasi ang banyo "
"Sige, tara na "
At nagpunta na silang office ni General.
"Kainis? Sino ba yong lalaki na yon? Ganda-ganda ng araw ko nambibiwesit siya " sabi ni Mandy.
Tumayo na lang siya at nagmartiyang pumasok sa kwarto niya.
*****************
"O! Buti napadalaw ka insan " sabi ni Andy nang mabungaran niya si Allan sa pinto.
"Wala kasi akong gagawin kaya naisipan ko narin dumalaw " sabi ni Allan.
"Tara pasok ka " alok ni Andy.

BINABASA MO ANG
MARIA BERNADETTE ALCANTARA
General FictionPlagiarism is a crime. Be unique. Credit to the owner of photo I used for book cover. Hindi ko mahanap name. Natakpan kasi sa history.