Nagising si Bernadette sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya.
Pagmulat niya wala na si Justin sa tabi niya.Pero may note at iniwang pag kain ang binata para sa kanya.
Hi Baby,
Goodmorning. Eat your breakfast. Hindi nakita ginising. Ang himbing kasi nang tulog mo. Thanks for another wonderful night with.
I love you take good care of yourself.
Enjoy your day.~Baby
Napangiti si Bernadette matapos pasahin ito. Napakalambing talaga sa kanya ng binata. Kaya hindi malabong mapamahal siya rito.
Tinignan niya ang CP nila. Puro missed called from Honey Exequel.1000 missed called. And 2030 text messages.
Hindi na niya binasa ang mga messages nito. Saka wala silang dapat pag usapan. Malinaw na malinaw na niluluko lang siya nito.
Nang dahil ba sa hindi siya pumayag na magpakasal agad. Kaya ba tumigil ito sa panunuyo kasi may kapalit na agad iba. Sa loob lang ng ilang linggo may kapalit na agad siya.
Sabagay niluluko rin naman niya ang binata, pero may dahilan naman siya. Eh ito wala naman atang dahilan.
Nahinto siya sa pag iisip ng tumunog ang CP niya. Tawag mula sa hospital.
"Yes! Allan ano lagay ni Marvin?" Tanong ni Bernadette.
Nakabihis na siya ng maayos at nag aabang ng taxi hindi niya kasi dala ang kotse niya.
"Ha? Paanong nakatakas?"
Sumakay na siya ng taxi. Hinanap niya kung saan-saan ang binata.
Ano naman kaya ang naisipan nito at tumakas?
Nag ring ang hikaw niya. Pinindot niya ang boton.
"Yes, Allan?" Nililinga niya ang bawat kalye na nadadaanan nila.
["Pupunta ka ba ngayon? "]
"Nope! Nawawala si Marvin. Tumakas kasi siya."
Hindi mapakali si Bernadette sa kinauupuan. Alerto rin siya sa paligid.
["What?"] gulat na sabi ni Allan. ["Ok, don't worry Berna. Track ko ang location niya?"]dagdag pa.
May hikaw kasi na sinuot si Bernadette. Tulad ng sa kanya may GPS ito. Kung sakaling mawala ang binata at ito na nga nawawala na nga.
"Nasa Quezon Ave si Marvin. Medyo malapit sayo. " Sabi ni Allan. Habang nakatingin sa screen ng computer.
["Sige, salamat Allan. Pagnatapos ito. Si Alejandro naman ang pagtutuunan ko ng pansin.." ]
......
"Don't worry Berna, pinahihirapan ko naman siya " at tumawa nang nakakatakot.
Nasa bodega siya ngayon at kasama si Alejandro na nakaupo sa lapag. Nakakadena ang paa at may pireng ng panyo ang mga mata. Tulog ito ngayon. Marahil sa pagod. Tumayo siya mula sa pagkakaupo.
May mga pasa ang katawan. dahil sa pambubogbog ni Allan dito. Ayaw kasing magsalita nito.
"Sige Berna. Hindi pa ako tapos sa pagpapahirap dito."
Pinatay na ni Allan ang tawag.
......
"Manong para po rito na lang po " sabi ni Bernadette nang makita si Marvin na nakatambay sa kalsada at may mga kasamang mga gusgusing mga bata. Mukhang pinapanuod nito na naglalaro ng kara-krus ang mga bata.
"Marvin" tawag niya rito.
Nang makita siya, agad na tumakbo ito sa kalsada.
Biglang napahinto ng kumirot ang sugat nito.
BINABASA MO ANG
MARIA BERNADETTE ALCANTARA
Художественная прозаPlagiarism is a crime. Be unique. Credit to the owner of photo I used for book cover. Hindi ko mahanap name. Natakpan kasi sa history.