Chapter 58

2.4K 50 0
                                        

"Hintayin na lang po natin ang pag gising ng pasenyente" sabi ng doctor.

"Kapag nagising po ba siya doc magiging ok na siya?" Si Nanay Menchie.

"Maaari po. Pero pag hindi siya nagising malaki po ang chance na macoma po ang pasyente, dahil yong ulo po niya tinignan din namin medyo malakas ang pagkabagsak niya siguro ng mahimatay siya ng matamaan siya ng bala" paliwanag ng Doctor.

Napahagulgol si Nanay Menchie habang nakayakap siya kay Johny na inaalo siya.

"Pero under observation pa po siya. Kaya wag po kayong mawalan ng pag asa. Father in Heaven is with us. Manampalataya lang tayo " sabi ng Doctor at nagpaalam na.

"Hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kung hindi mo pinababayaan ang anak ko. Kaya nga pinaubaya ko siya sayo  para maging  maayos " sisi ni Nanay Menchie kay General Tuazon na nakaupo.

"Hindi ko ginusto iyon Menchie. Ako ba bumaril sa kaniya para ako ang sisihin mo " defense sa sarili ni General Tuazon.

"Kung alam ko lang na magkakaganito ang anak ko sa puder mo. Dapat hindi ko na siya pinaubaya sayo" humihikbi si Nanay Menchie  .

"Tingin mo ba! Hindi ako nag aalala sa anak natin ha! "

"Wag mong sisigawan ang Nanay ko! Dahil wala kang karapatan!"

Dinama ni Nanay Menchie ang ulo. Medyo nakaramdam siya nang pagkahilo.

"Nay, magpahinga muna kayo " alalang sabi ni Johny.

"Kaysa mag away kayong dalawa ipanalangin na lang natin si Justin na maging maayos" sabi ni Mr. Eduardo. "At pag usapan ninyo ang problema. Hindi na kayo bumabata pa. Sige maiwan ko na kayo. Titignan ko naman ang anak ko"dagdag pa.

Saka umalis..

.......

"Berna, maayos ka na ba?" Sabi ni Allan. "Si Justin ano ng balita?" Dagdag pa nito.

"Ok na ako. Si Justin naman hindi pa gumigising" malaungkot na sabi ni Bernadette.

"Ano nang balita sa DNA?"

Inabot ni Allan ang envelope.

"Iyan na ang resulta. Balita ko buntis ka." sabi ni Allan.

Nilapag ni Bernadette sa side table ang envelope.

"Sino Ama?"

"Si Justin. Hmmm.. Ano nang balita sa iba pang pinag uutos ko sa iyo?"

"Doing well. It flow according to our planned. Lahat ng inutos mo ginawa ko. Sila mismo ang nag punta sa presento. " nakangising sabi ni Allan at nalungkot ng maalala ang pinsan.

"Allan" hinawakan ni Bernadette ang kamay nito. " He deserve it. Maging selfish siya. Saan mo nga pala dinala ang asawa ni Andy?"

"Pinauwi ko muna sa probinsiya nila. And she knew the truth about her husband but still she loves him." seryusong sabi ni Allan. "Damn love. Nagiging baliw ang tao dahil sa love na iyan. Kaya ayaw kong maramdaman tsk.." bitter na dagdag nito.

Napangiti si Bernadette.

"Hmm... Are you inlove?" Amused na tanong ni Bernadette

"No way! Malabo hmm.. Love is not exist in me. Any way baka mapunta pa sa usapang pag ibig ito. Mauna na ako. Magpagaling ka ha"

"Wait.. What about? Ano ng balita sa company ni Exequel at sa kaso"

"Ayon. Nalulugi na dahil ang ibang investors ay umaalis na sa company niya. Pero yong mga employees niya tinulungan kong makahanap ng trabaho. Sabi mo ilipat sa company ni Mr. Eduardo. Kaya ayos na sila, and about his case. Malakas ang laban dahil sa CCTV footage sa hotel na ginawang evidence. Dagdag pa ang batang binayaran natin na kunyari minolesya niya. She is a great actress. Tapos dagdag pa rin yong dating cases na meron siya na pinagtakpan ni Tuazon. Malakas talaga kapit sa imperno ng matandang iyon "

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon