Chapter 21

2.8K 66 3
                                    

Medyo curious si Justin. Kung sino ang partner niya. Ang sabi kasi ni Chief Stone agent daw ito sa America saka model.

I think she is beautiful.

Nang makarating sila kausap na ni Chief Stone ang ka-partner niya. Her hair, her shape of body are so familiar to him. Nang humarap ito. Hindi nga siya nagkamali ng hinala. Parehas silang dalawa nagkatinginan at gulat, pero nakabawi agad siya at lumapit siya rito.

"SPO2 Tuazon. Your partner Ms. Beltran "

Ngumiti naman si Bernadette at nilahad ang kamay. Tinanggap naman niya ito. Gusto pa sana niyang hawakan ang kamay nito, ngunit agad na nag bitaw ang dalaga.

"At ito naman Si Inspector Balthazar"

Ngumiti si Bernadette at nakipagkamay rito. Wagas kung makangiti si Balthazar. Medyo matagal na hindi parin binibitawan ni Balthar ang kamay ni Bernadette. Mukha atang lumipad ang diwa nito. Tumikhim si Justin..

"Ah! sorry, kasi nakita kita sa Airport noon, diba ikaw iyong nag patulog sa hostage taker. Mas maganda ka pa pala sa personal." Nakangiting sabi ni Balthazar.

"Salamat" ngumiti rin si Bernadette.

Samantalang ang mukha ni Justin parang napagbagsakan ng langit at lupa.

"Ah! Ms. Beltran " Nahihiyang sabi Balthazar.

"Pwede ba kita ma-invite mag date, Kung ok-"

"Hindi siya pwede kasi may importante kaming pag uusapan sa kaso" pagsabat ni Justin.

Halata sa mukha nito ang galit at selos. Napakunot noo lang Si Bernadette sa sinabi ni Justin.

"Ikaw talaga Balthazar." Piningot ni chief Stone. "Bakit ka ba sumama rito ha? Diba duty mo"

"Aray! Chief tama na."

Binitawan na ni Chief Stone si Balthaza. Samantalang si Balthazar nakasimangot at dinadama ang napingot na tenga.

"Sure Balthazar. Date tayo kapag hindi na ako busy ok." Kumindat Si Bernadette. "And don't called me Ms. Beltran. Too formal, Bernadette na lang " Bigla siyang hinitak ni Justin palayo sa dalawa.

"Nako!! Chief mukhang may something yong dalawa ano??" Sabi ni Balthazar habang hinihimas ang baba.

"Ikaw napakachismuso mo. Naturingang lalaki ka pa naman" sabi ni Chief Stone. "Bumalik ka na sa presinto "Dagdag pa.

Sasakay na si Chief Stone sa sasakyan nito ng hawakan siya ni Balthazar.

"Bakit?" Seryusong tanong nito.

"Ah!! Chief pwede pasabay?"

Nahihiyang sabi ni Balthazar at ngumiti ng pagkatamis. Nailing na lang Si Chief

"May magagawa pa ba ako "At sumakay na sila ng kotse.

****

"Hey!! what are you doing?"

Nagpupumiglas si Bernadette, pero binuhat siya ni Justin na parang sako ng bigas.

"Justin. Put me down!!"

Binaba nga siya nito, ngunit pinapasok sa loob ng kotse. Sinarado ni Justin ang kotse at hinarap si Bernadette. Ang talim ng tingin ni Bernadette kay Justin.

"Ano ba problema mo? Kinakausap pa ako ni Balthazar palabasin mo nga ko rito "

"Ikaw ang problema ko"galit na sabi ni Justin.

"Wala naman ang ginagawa sayo para problemahin mo ako, saka kinakausap-"

Naputol ang pagsasalita ni Bernadette. Dahil walang seremonyang marahas na hinalikan siya ni Justin. Nagulat si Bernadette sa ginawa nito. Nagpupumiglas siya, ngunit malakas ang binata kaya hinawakan nito ang wrists niya para pigilan sa pagpupumiglas niya. Habang tumatagal nadarang na si Bernadette. Kaya maya-maya lang gumaganti na siya sa halik nito. Naging masuyo na din ang paggalaw ng mga labi ng binata. Yumakap na din ang mga braso ni Bernadette sa leeg ni Justin. Samantalang si Justin. Humigpit ang pagkakayakap sa bewang ni Bernadette. Hindi na malayan ni Bernadette nasa kandungan na siya ni Justin. Habang mapusok na naghahalikan. Naghiwalay na lang ang mga labi nila. Upang himinga ng hangin.Habol hininga sila parehas. Nakasandal ang noo nila sa isa't isa. Habang nakatingin sila.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon