Epilogue

4K 77 2
                                    

Ilang months na lumipas nang umalis ang asawa niya para mag trabaho na ulit. Kaya sila na lang ng mga anak niya ang nasa bahay at minsan dumadalaw ang pamilya nila sa kaniya.

Bago siya dumiretso ng bahay. Dumeretso muna siya sa na sunog nilang bahay na ngayon ay may tanim ng puno ng mangga. Nagtirik siya nang apat na kandila at may kasamang white roses.

"Hello Mama, Papa, at mga ate tagal na pala no?"

Huminga siya ng malalim para pigilan ang pag iyak.

"Ilang years na pala kayong patay. Naalala ko pa nang araw na ito ang saya-saya ko. Akala ko kasi nakalimutan ninyo na ang araw na ito dahil ang galing ninyo kasi umakting ehh Pang artista talaga. Tapos nagulat ako may surprise Birthday pala kayo sakin "

Ngumiti at hindi niya na mapigilang lumuha. Hindi niya kasi maiwasang umiyak kapag dumadating ang araw na ito. Ito rin kasing araw na ito ang huling kita niya sa masaya at buo niyang pamilya.

"Masaya na ako ngayon. Kasi may masaya at buo po akong pamilya. Sila Melodia at Marvin may kaniya- kaniya na rin pong buhay. Sayang wala kayo rito ngayon sa tabi namin para sana mapakita kung gaano kami naging proud na naging pamilya namin kayo. Lalo na sa inyo mama at papa salamat sa pagmamahal at alaga na kahit hirap tayo noon gumagawa kayo ng paraan para mapakain at mapag aral ninyo kami. Pati sa mga payo ninyo sa amin. Maraming - maraming salamat sa inyo. Ikinararangal ko kayo bilang magulang at kapatid ko. Mahal na mahal ko kayo. I really missed you all. Kung na saan man kayo sana masaya na kayo" sabi ni Bernadette at pinunasan ang luha sa pisnge.

Ilang minuto lang nag tagal si Bernadette, dahil baka hinahanap na siya ng mga anak niya. Naiwan lang ang mga ito sa Nanay Menchie niya.

Pagkapasok niya ng bahay tahimik at walang tao. Gulo pa ang mga gamit sa sala. Maging sa kusina ganoon din. Nakaramdam siya nang kaba? Baka mangyari na naman ang nangyari noon sa pamilya niya. Agad siyang pumuntang itaas para punatahan ang mga anak niya.

"Jaizette, baby, Nanay na saan na kayo?" tawag ni Bernadette.

Napapaluha na sa takot si Bernadette at nanginginig na siya. Hindi niya kakayanin kapag may nangyaring masama sa mga anak niya. Baka ikabaliw niya. Pagkapasok niya sa kwarto. Namatay bigla ang ilaw kaya lalo siyang kinakabahan.

"Sino ka?S- Saan mo dinala ang mga anak ko at nanay ko" Naiiyak na sabi ni Bernadette at napaupo sa kama.

Pero nagulat siya nang bumukas ang ilaw.

"Happy Birthday!" Bati nang pamilya niya.

Lalo siyang napaluha nang makita si baby Mb na buhat ni Justin at si Jaizette naman ay may bitbit na lobo. Lahat nang importanteng tao sa buhay niya narito. Lumapit si Allan kay Bernadette at inabot ang isang box ng chocolate.

"Happy Big day, Berna" nakangiting sabi ni Allan.

Lumapit din ang iba pa kay Bernadette. Binigay ni Justin, si baby kay Melodia para yakapin si Bernadette na humihikbi at hindi makapag salita.

"Don't cry baby" bulong ni Justin

Inangat niya ang mukha ni Bernadette para halikan at pahirin ang luha sa pisnge nito.

"Happy Birthday baby " sabi ni Justin

Niyakap nang mahigpit ni Justin si Bernadette.

"Mommy, Don't cry na po. Tahan na pupunta pa tayong Resort nila Daddy to celebrate your birthday party po" sabi ni Jaizette at inabot ang lobo.

Niyakap ni Bernadette ang anak na panganay.

"Happy Birthday, Mommy "

"Thank you baby "

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon